My Diary: Entry #21

19 2 1
                                    

Wala ako sa sarili habang naglalakad kami pauwi ng bahay kaya hindi ko nasabi at naalala na wala palang tao roon. Dinala na lang ako ni Tita Jes sa kanila at sumama rin sila Seven, Ryle at Jaile na hindi pa ako kinikibo.

"Jiro, maglaro muna kayo ha, kakausapin ko lang ang kaibigan mo," ani Tita pagkarating namin at dinala ako sa kwarto pagkatapos painumin ng tubig.

Hindi na ako naiyak ngayon pero ramdam ko ang sakit ng mga mata ko dahil sa pag-iyak.

"Serene. . . gusto mo bang magsabi sa akin, hmm?" tanong niya, inayos ang buhok ko.

". . ."

"Tinanong ko ang mga kaibigan mo. . . Hindi nila alam kung bakit ka umiyak. . ."

". . ."

"May problema ka ba, 'nak? Pwede kang magsabi kay Tita Jes, tutulungan kita."

". . ."

"Gusto mo ba kay mama?"

Unti-unti ay umiling ako.

She sighed and combed my hair with her fingers. Tumayo siya. I followed her with my gaze. Akala ko iiwan niya ako kaya nakahinga ako nang maluwag nang bumalik siya, may dalang suklay.

Umupo ulit siya sa tabi ko sa kama at pinatalikod ako mula sa kaniya. She started combing my hair gently.

I saw our reflection on the mirror at tinitigan ko lang siya mula roon habang sinusuklay niya ang buhok ko.

She smiled while combing my hair. "Kung nabuhay lang ang baby girl ko, ganito kami palagi. . ."

". . ."

"Sayang lang hindi siya nabubay." Her voice cracked.

Nakita kong nagpalis siya ng luha. Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

Tumayo ulit siya at may kinuha sa drawer. Isang kahon iyon at binuksan niya sa tabi ko. Nakita ko ang mga gamit ng babatang babae. Mayroong iba't-ibang uri ng aksesorya sa buhok pati na rin damit ng baby. Mukhang hindi pa nagagamit ang mga iyon dahil halos may mga tag pa.

Nakangiting kumuha si Tita Jes ng dalawang ponytail na may bunny design at ribbon na hair clip.

I watched her reflection on the mirror as she did pigtails on my hair. Napangiti siya tapos ay nilagyan pa ng clip ang buhok ko malapit sa noo.

"Ang ganda!" Pinatayo niya ako at nilapit sa salamin para makita ko ang aking sarili.

Mula sa kaniya ay bumaba sa sariling repleksyon ang aking mga mata.

"Ang ganda-ganda naman ni Serene," she said cheerfully with a smile on her lips.

My heart warmed as I looked at myself. Bumalik ang tingin ko kay tita na nakangiti pa rin sa akin. Mahina akong napangiti, nahawa.

Lumaki ang ngiti ni Tita. "Pa-hug nga si Tita!"

She opened her arms. I stared at her and slowly turned around. Nagulat pa ako nang tuluyan na siyang yumakap sa akin nang makaharap ako.

"Kapag may nang-a-away sa 'yo, tatawagin mo lang si Tita ha? Lagot sa atin 'yang mga 'yan!"

Napangiti ako at tuluyang tumugon sa yakap niya. She squeezed me in her arms.

"Hindi pwedeng inaaway-away lang ang friends ng anak ko! Aba!"

Humigpit ang yakap ko sa kaniya. I rested the side of my head on her shoulder and closed my eyes.

Sana . . . Sana siya na lang ang mama ko . . .

Hawak ni Tita ang kamay ko nang lumabas kami ng kwarto. Magaan na ang pakiramdam ko.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now