My Diary: Entry #18

18 3 0
                                    

"Ikaw naman ang nang-a-away sa kaniya," kumento ni Jiro sa mga hinaing ko. Nagbanyo si Ryle kaya naiwan kaming dalawa sa lounge. Uwian na ngayon.

"Ah basta! Ang nonsense! Hindi naman kagalit-galit 'yun pero nagagalit siya?! Tapos sa akin pa? Na hindi naman siya inaano?"

"Hindi ka rin daw tumulong nung hinuhuli na si Dali."

"Anong hindi?! Itatago nga dapat namin si Dali tapos sasabihin niyang hindi?! Sinisiraan lang ako niyan sa---"

Natigilan ako nang umupo na ulit sa tabi ni Jiro sa Ryle. Wala siyang sinabi pero sa lakas ng boses ko, malamang dinig niya ang mga sinabi ko nung palapit siya.

Humalukipkip ako at tumayo na, napagdesisyunang mauna nang umuwi. Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

"Yaan mo siya," rinig ko ang boses ni Ryle mula sa likuran.

I gritted my teeth, triggered again.

Lumabo ang mga mata ko sa nagbabadyang luha habang naglalakad kami pauwi. Lalo akong nafrustrate dahil doon.

"SERENE!!"

Kasabay ng sigaw ay ang pagbusina sa akin ng isang tricycle. "Tangina! Tumingin ka nga sa daan!"

I pursed my lips. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. I wiped them frustratedly pero tuloy-tuloy na ang bagsak nila.

"Serene!" dinig ko pa ang mga pagtawag sa akin pero tuloy-tuloy na ang paglalakad ko. Naiyak lang ako lalo nang tawagin na rin ako ni Ryle. "Serene!"

Tumakbo na ako papuntang street namin para mawala sa paningin nila.

Para akong tangang humihikbi habang pauwi ng bahay. Tumataas baba ang dibdib ko habang umiiyak dahil sa frustration.

Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili. Hindi ko maintindihan kung bakit ako umiiyak. Kung bakit lahat na lang nakakaiyak!

Huminto muna ako nang malapit na ako sa bahay namin para pakalmahin ang sarili. Irita kong pinunasan ang mga kuha. Pero tumulo na naman ang panibago nang mahagip ng tingin ko si Seven na nakatingin na sa akin. Nakatayo lang siya sa gilid ng bahay nila.

I pulled down the sides of my lips as I tried to stifle my cry while I walked towards him. I kneeled weakly in front of him and broke down completely as I hugged him.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang iniiyakan ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Bakit ang sakit. . . anong masakit. . .

Naramdaman ko rin agad ang yakap ni Seven kaya hinigpitan ko lalo ang yakap ko at nilabas lahat ng bigat sa dibdib na hindi ko alam mayroon pala. . . at ganito kabigat.

Hindi ko siya binitiwan hanggang sa hindi nauubos ang mga luha ko. Ibinaon ko sa balikat niya ang mga mata kaya nang kumalas ako sa yakap at mag-angat ng tingin ay nagulat ako nang makita si Ryle at Jiro sa tabi namin.

My lips trembled.

Nagtama ang tingin namin ni Ryle na maamo na ang mga mata sa akin. "Sorry . . ."

My lips pursed as tears started welling up in my eyes again.

Lumapit siya at siya naman ang yumakap sa akin. "Sorry, Shin. . ."

"Huy . . . gagi . . . Bakit . . ." singit ni Jiro.

Naghiwalay kami ni Ryle at bumaling kay Jiro. Gulat siyang bumaling sa amin. Kumunot ang noo ko. Sabay-sabay kaming napatingin kay Seven at nanlaki ang mga mata nang makita ang mga luha sa mukha niya.

"Bakit ka umiiyak!" Agad dumalo si Ryle sa kaniya at pinunsan ang mga luha nito.

Pinunasan ko ang mga luha ko at naging kuryoso rin kay Seven. Mukha pa rin naman siyang seryoso pero umiiyak siya!

"Marunong pala siya umiyak . . ." kumento ni Jiro.

"Sabi sa 'yo 'di ba! Umiyak siya nung kinuha si Dali! Kaya nga ako nalungkot."

My lips protruded as I watched Seven. Bakit naman siya naiyak ngayon?

Hihikbi-hikbi ko pang hinawakan ang mukha niya at pinalis ang mga natirang luha.

"B-Bakit ka naiyak?" hikbing tanong ko. He didn't answer and just stared blankly.

Napalingon siya nang may tumunog. Lumingon din kami at nakita ang nagtitinda ng dirty ice cream.

Tumayo si Jiro at lumapit doon. Nag-indian seat naman ako sa harap ni Seven dahil nangangalay na.

Inabutan ako ni Ryle ng tubig. "Bati na tayo."

Napanguso ako at tinanggap iyon. Matapos makainom ay magaan na ang pakiramdam ko.

Binalik ko iyon kay Ryle.

"Thank you," aniya.

Napanguso ako. "Thank you . . ."

His eyes widened a fraction. "Hindi sarcastic 'yon! Force of habit lang!"

"Huh?"

Sinara niya ang tubig at umiling na lang. "Bati na tayo?"

Tumango ako. Ngumiti siya at inayos ang buhok ko.

Napangiti ako. "Huwag mo na ulit akong aawayin."

Umawang ang labi niya at napataas ang mga kilay, gulat ata sa sinabi ko. May sasabihin pa dapat siya pero hindi na lang tinuloy. Natawa na lang siya at napailing.

"Seven oh." Napabaling kami kay Jiro. Inabutan niya ng ice cream si Seven. Tinignan lang iyon ni Seven. Kinuha ko ang mga kamay niya at pinahawak ang ice cream.

"Kain ka," I said.

"Pwede ba siya sa ice cream?" tanong ni Ryle.

I shrugged.

"Serene." Inabutan din ako ni Jiro. Napangiti ako at tinanggap iyon. "Wait lang, Ry."

"Okay la---"

Bumalik na sa ice cream-an si Jiro. At pagbalik niya sa amin ay mayroon na siyang hawak na dalawa pang dirty ice cream at inabot ang isa kay Ryle.

"Thank you, Jiiii!" pagpapasalamat ni Ryle.

"Thank you, Ji," sabi ko rin sa kalagitnaan ng paglantak ng ice cream.

"Sarap mo talaga maging tropa," kumento pa ni Ryle.

Nanahimik kami habang kumakain ng ice cream. Naka-upo silang tatlo magkakatabi sa gutter habang naka-indian sit ako sa harapan nila. Tinulungan pa ni Ryle pakainin si Seven habang si Jiro naman ay pinunasan ang tulo ng ice cream sa maliit na kamay nito gamit ang pabaong hand towel sa kaniya ni Tita Jes.

Napangiti ako sa sarili, magaan na ang pakiramdam.

"Nagugutom ako," anunsyo ni Ryle nang maubos ang ice cream. "Kanina pa 'ko may naaamoy na adobo."

Lumipat ang tingin ko sa kainan ni Dali malapit sa amin. Tinuro ko iyon. "Ayan, kainin mo oh," biro ko.

Sumilip doon si Ryle. "Dito pala galing 'yung amoy. Akala ko adobo flavor 'yung ice cream."

"Kay Dali ba 'yan?" tanong ni Jiro. Tumango ako.

"Oo, may pangalan oh."

Napatingin ako roon sa galon ng ice cream na ginawang kainan ng aso, 'tsaka lang napansing mayroon na ngang nakasulat.

'Dali'

Bumaling ang tingin ko kay Seven.

"Sinulat mo 'to Shin?"

Umiling ako.

"Woah si Seven nagsulat? Marunong pala siya magsulat!"

"Bakit may lamang pagkain? Akala ko ba hinuli na si Dali."

"Baka kahapon pa 'yan."

"Amoy adobo nga eh, hindi naman amoy panis."

Napanguso ako habang nakabaling pa rin kay Seven. Bumaling din sa kaniya si Ryle at Jiro. Natahimik na lang kami at napabuntong-hininga.

* * *

February 10, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) On viuen les histories. Descobreix ara