My Diary: Entry #12

17 3 0
                                    

"Ano 'yan?!" Umakbay ako kay Ryle at Jiro nang makita silang magkasama sa canteen.

Parehas pa silang nagulat sa pagsulpot ko at dali-dali pang tinago ni Jiro ang kung snong sinusulat niya sa bond paper.

"LUMAGPAS TULOY!" reklamo ni Ryle dahil nagulo ang sinusulat niya.

"Happy birthday. . ." pagbasa ko. "Sino may birthday?"

"Mama mo," pabalang na sagot niya na tinawanan ni Jiro kaya parehas ko silang sinabunutan.

"Aray!!" reklamo nila at hinampas ang kamay ko.

Patalikod akong umupo sa tabi ni Ryle at sinandal ang likod sa lamesa. "Birthday mo?"

"Ba't ko gagawan ng birthday card ang sarili ko?" ngiwi ni Ryle. "Ano 'ko loser?"

"Birthday card 'yan? Ang pangit naman."

"At least, eto lang. Eh ikaw?"

"Ano?" hamon ko.

"Maganda."

"Alam k--"

"Sapakin."

Hinila ko ulit ang buhok niya. Nagtawanan pa sila ni Jiro at nag-apir.

"Sino nga kasing may birthday?!"

Napatakip siya sa tenga. "Ba 'yan, Serene! Si Tita Jesiree!" sigaw niya pabalik.

Napaahon ako. "Talaga? Kailan?"

"Ewan ko. Tanong mo sa anak."

"Jiro, kailan?!"

"Kailangang sumigaw?!" galit na lingon ulit sa 'kin ni Ryle.

Tinulak ko ang pagmumukha niya para makita si Jiro. "Kailan?!"

"Next week pa," aniya, pinagpapatuloy na ulit ang ginagawa kanina.

"Gusto ko rin gumawa ng card!" Kumislap ang mga mata ko.

"Luh, luh. Nakikisali," parinig ni Ryle, nagsusulat na rin ulit.

Hindi ko siya pinansin at nakikuha ng bond paper sa kanila, pati na rin mga colored pens.

Pare-parehas kaming seryoso at tahimik na gumawa ng birthday card hanggang sa nag-ring na ang bell---hudyat na tapos na ang recess---kaya tumakbo na ako pabalik ng room, hawak-hawak ang bond paper.

"Hoy, Serene?! Kalat mo!!" tawag ni Ryle.

Lumingon ako. "Paligpit na lang! Bawal kami ma-late sa klase!" sigaw ko at tumakbo na ulit pabalik ng room namin.

Nang dumating ang Saturday ay nagkita-kita kami dahil naisipan ni Jaile na isurprise si Tita Jesiree. Na-excite naman ako dahil first time kong makisali sa mga surprise-surprise.

"Seven, oh. Dahan-dahan lang hawak mo ah kasi baka pumutok." Inabutan ko si Seven ng balloon. Kanina pa siya nakatayo lang sa gilid at pinapanood ang ginagawa namin.

Wala pa sa bahay si Tita Jesiree dahil may pinuntahan daw kaya kami-kami lang ngayon ang nakanila Jiro.

"Ji, bili mo 'to?" Kanina pa nakabantay si Jaile sa cupcakes na nakahugis puso sa lamesa. Dinesign-an pa iyon lahat ni Jiro gamit ang Choco-Choco "Anong lasa nito?"

"Jaile, hindi ka pa pwedeng kumain. Si mama ang unang kakain."

Napanguso si Jaile. "Tinatanong ko lang naman."

Tumabi ako kay Seven habang hinihintay namin ang pag-uwi ni Tita Jesiree. Tinawagan na siya ni Jiro dahil may katagalan daw ang pagdating niya. Ilang minuto pa kaming naghintay bago namin narinig ang pagbukas ng gate.

My heart raced in excitement. Napatayo kaming lahat at pumwesto sa napag-usapan. I covered my mouth as I giggled.

"HAPPY BIRTHDAAAY!!" We greeted as Jiro's mom entered.

I watched her reaction with a wide smile. Her lips parted in awe. Nawala ang ngiti ko nang mapansing paiyak siya. Kumunot ang noo ko.

"Mama naman, iiyak na naman!" ani Jiro.

Lumapit si Tita kay Jiro at niyakap ito, tuluyan na ngang umiyak. Namula pa si Jiro at lumingon-lingon sa amin. Sinubukan niyang kumawala pero sa huli ay hinayaan na lang ang ina.

"Tears of joy." Siniko ako ni Ryle, napansin siguro ang lito kong mukha.

Natawa ang mama ni Jiro habang umiiyak at nagpahis ng mga luha bago kami binalingan. "Thank you, mga bebe! Kayo ha!"

Napangiti ako.

Hinila niya kami palapit at niyakap nang sabay-sabay. Nagulat pa ako at nagdalawang isip ibalik ang yakap.

Dahan-dahan akong yumakap at nang maramdaman ang paggaan ng pakiramdam ko roon ay sinandal ko pa ang pisngi sa balikat ng ginang. Napapikit ako nang may maliit na ngiti sa labi.

* * *

November 3, 2022 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now