My Diary: Entry #3

10 2 0
                                    

"Pia! Lakasan mo pa tulak mo!" utos ko kay Pia na tinutulak ako sa swing. Lumabas na ulit siya ng bahay kaya nakakalaro ko na.

Nandito ulit kami sa park kasama ang mga batang kalye pero hindi kami nagpapansin. Nasa malapit lang sila at naglalaro ng lupa.

Hanggang ngayon ay ayaw ko silang kausapin dahil gusto kong magsorry sila sa akin. Pero hindi naman nila ginagawa at ginagaya na lang din ang hindi pagpansin sa akin.

I forced a laugh while Pia was pushing me on the swing, trying to make the other kids jealous of our play. Hindi naman sila bumaling sa akin.

"Pia! Lakasan mo!" inis na saad ko kaya tinulak naman ako ni Pia nang mas malakas. Sobrang lakas no'n na halos lumipad na 'ko kaya agad akong natakot at humigpit ang hawak sa kadena.

"Pia, ano ba?! Papatayin mo ba 'ko?!"

"S-Sorry . . ."

"Patigilin mo 'to!!!"

"P-Pa'no . . ."

"Pia, patigilin mo!!" I shrieked. The other kids looked at me and started laughing. "Pia!"

Naramdaman kong bumagal ang swing pero nakarinig ako nang pagtama. Pagkalingon ko ay kita kong nakasalampak na si Pia sa sahig. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahawak siya sa nguso niya at may dugo na roon ngayon.

"Hala lagot ka!"

"Tawagin niyo mama niya dali!"

"Isumbong niyo si Serene!"

Agad akong bumaba ng swing nang bumagal iyon at dumalo kay Pia. Umiiyak na siya ngayon habang nakahawak sa nguso.

"H-Hala . . . O-Okay ka lang . . ."

Lalo siyang umiyak at tinatabing ang kamay ko. My pupils shook in fear.

"Ayun oh! Pinaiyak niya!" Napalingon ako sa batang kalye na tinuturo ako. Napalunok ako nang makitang kasama na niya ang mama ni Pia na humahangos.

Agad siyang dumalo kay Pia. "Anong nangyari?!"

My heart raced fast when the stray kids started telling what happened and pointing their fingers at me.

I gulped when Pia's mother glared at me. Napatayo ako at lumayo. My eyes started stinging with unshed tears. Nagsimula ring manginig ang ibabang labi ko. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero walang lumalabas sa bibig ko.

Pinanood ko ang mama niyang maging aligaga at kuhanin si Pia pauwi sa bahay nila.

Pumatak ang mga luha ko habang patuloy akong sinisisi ng mga dati kong kalaro. Pinunasan ko iyon at tumakbo na paalis ng park.

Umiiyak ako habang naglalakad pauwi ng bahay, humihikbi-hikbi at sinusubukang ipahid ang suot na t-shirt sa mukha.

Hindi ako natigil hanggang sa makarating sa tapat ng bahay. Napa-upo lang ako sa may gutter, my butt not touching the ground while I continued crying. Ayokong pumasok.

I hugged my legs and buried my face on my knees as I let out an ugly cry.

Bigla akong natigilan nang makaramdam ng mainit na yakap. Agad akong nag-angat ng tingin, akala kay mama iyon.

Lalo lang akong natigilan nang makita ang batang lalaki na nakatira sa tapat. He was embracing me with his small and limp arms but I did not find any expression in his face as he looked at me.

Pinilit kong magsalita habang humihikbi. "B-Bakit?"

He didn't say anything and just stared at me while his arms were still wrapped around me. Unti-unti rin namang lumuwag iyon.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant