My Diary: Entry #16

15 3 0
                                    

Lunes na naman kinabukasan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ryle kasama si Jiro sa may canteen. Agad akong lumapit sa kanila.

"Jiro!" Umupo ako sa tabi ni Jiro na nagulat pa sa pagsulpot ko. Walang gana rin naman siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagsusulat.

Kuryoso ko siyang pinagmasdan. Hindi siya nagsalita habang pahigpit nang pahigpit ang hawak sa ballpen at maya maya ay binagsak na iyon sa lamesa at dumukdok na lang doon.

Taka akong bumaling kay Ryle, nagtatanong ang mga mata. Buntong-hininga niya lang tinapik-tapik si Jiro.

Nanlaki ang mga mata ko nang maya-maya ay narinig ko ang paghikbi niya.

Eyes widened, I looked at Ryle again. My chest rose, panicking at the possible reasons for Jiro's tears.

"Patay na si Tita?!" I mouthed at him.

Nanlaki ang mga mata ni Ryle at napasigaw. "Hindi, baliw!"

Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Jiro. . ." I called. "Okay ka lang ba. . ."

Napalakas lang ang iyak ni Jiro kaya natakot ako.

Ryle sighed and stroked Jiro's back. Lumipat ako sa tabi ni Ryle dahil hindi na kinakaya ng curiosity ko.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko.

He leaned in to whisper in my ear. "Malay ko."

I tsked and pushed him.

"Hindi ko nga alam," mariing aniya, pinandilatan ako ng mata.

"Bakit siya umiiyak?"

"Kanina pa 'yan sa room. Tinutulungan ko ngang gumawa ng mga namiss niyang activities. . ."

"Baka may nangyari kay Tita Jes?" I panicked.

"Kung gano'n nga, hindi mo naman siguro mapapapasok si Jiro. Pero andito siya oh. . ."

"Eh a---" Natigilan ako nang bumangon bigla si Jiro.

Pinanood namin siyang punasan ang mga luha niya at hinawakan ulit ang ballpen para magpatuloy sa pagsusulat habang humihikbi.

"P-Pa'no nga ulit 'to?" humihikbing tanong niya.

Ryle put his arm over Jiro's shoulder and discussed how to compute the equations.

Umupo ulit ako sa tabi ni Jiro at tahimik na lang ding nakinig at kumain. Sinamahan ko sila hanggang sa maubos ang oras ng recess.

"Asa'n si Jiro?" tanong ko kay Ryle nang mag-uwian.

Kasabay ko talaga silang dalawa ni Jiro lagi umuwi at sa lounge area ang kitaan namin. Nung mga nakaraan, kaming dalawa lang kasi nga absent si Jiro. Ngayon eh nagtataka akong wala ulit siya eh pumasok na siya.

"Umuwi na. 'Yung mama ni Jaile nagsundo sa kaniya," sagot niya at tumayo na. "Pinapasabay nga ako kanina eh!"

"Buti namam at hinintay mo 'ko!"

"Edi hindi ka na naman mamamansin kung hindi?"

"Talaga."

"Sinubukan ko ngang tanungin kanina kung anong problema," panimula niya habang naglalakad na kami. Na kay Jiro pa rin ang topic. "Ayaw niya talagang magsabi eh. . ."

Bumuntong-hininga ako. "Pero nakauwi na raw ba si Tita Jes?"

"Oo raw."

"Daanan natin!" aya ko kaya dumaan muna kami kila Jiro. Pero sarado naman ang bahay nila.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon