My Diary: Entry #13

18 4 0
                                    

"Hinihintay mo rin sundo mo, Shin?"

Napalingon ako kay Ryle at Jiro na biglang sumulpot sa tabi ko.

Nandito kami sa school lobby at kanina pa ako nakatayo malapit sa gate, pinapanood ang pagbagsak ng ulan sa labas. Suspended ang klase.

"Hindi," sagot ko kay Ryle. Ang hinihintay ko ay ang paghina ng ulan para makalusong na 'ko.

"Ayan na 'yung mama ko! Ma!" pagtawag ni Ryle sa isang ginang na naglalakad sa ulan.

"Halika na, 'nak, at walang kasama si Alsaea sa bahay," sambit ng mama niya paglapit, hinawakan ang palapulsuhan ni Ryle.

"Ba-bye, Ji, Shin!" kaway ni Ryle.

"Paano ka uuwi?" tanong ni Jiro nang maiwan kaming dalawa.

"Edi maglalakad."

"Sumabay ka na, ayan na si mama."

Agad hinanap ng mga mata ko si Tita Jesiree.

Ngumiti ako nang malaki at kumaway nang magtama ang tingin namin. She smiled back at me.

"Bebe, suot mo toh." Pinanood ko lang siyang suotan ng raincoat si Jiro at ngumiti ulit nang balingan niya ng tingin.

"Ma, sabay na si Serene."

"Walang magsusundo sa 'yo?" she asked me. Tumango ako. "Sige, halika na. May payong ka, beh?"

"Meron po."

Nang humina-hina ang ulan ay nagpaalam na ako s amga kaibigan ko at sumabay sa kanila. Hawak-hawak ni Tita jes ang payong habang ang isang kamay niya ay na kay Jiro. Sa kabilang tabi niya dapat ako maglalakad pero pinatabi niya ako kay Jiro at pinaghawak-kamay pa kami kasi raw baka mahagip ako ng sasakyan.

Nakakahiya nga pero hindi naman ako makaangal kaya tuloy magkahawak kamay kami ni Jiro habang naglalakad at sa kabilang kamay ko ay ang payong. Si Jiro naman ay busangot na dahil gitna siya at hawak-hawak ang dalawang kamay niya.

"Dito na po ako! Ba-bye!" Kumaway ako matapos nila akong ihatid hanggang sa bahay namin. Nagba-bye din si Tita habang tumango lang naman si Jiro.

Nawala lang ang ngiti ko nang matantong nakalock ang gate namin pagkahawak ko roon.

"Ma! Mama!" I shouted and tried peeking inside. Napabuntong-hininga ako nang makitang nakasarado rin ang pinto namin.

Humigpit ang hawak ko sa payong habang lumakas ulit ang buhos ng ulan.

I felt a pinch in my heart as I stood in front of our gate under the heavy rain.

My eyes suddenly got heavy as tears started welling up in them. Umatras lang ang luha ko nang marinig ang pagbukas ng gate ng tapat. Bumaling ako roon. Suminghap pa ako dahil sa bigat ng dibdib.

Nagtama ang mga mata namin ni Seven. Walang reaksyon niya lang akong nilagpasan ng tingin. Sinundan siya ng mga mata ko. I didn't think twice and followed him.

Napakunot ang noo ko nang lapitan niya si Dali na nakasiksik pala sa ilalim ng canopy ng katabi nilang bahay. May kasamang hangin ang ulan kaya naaanggihan ang aso at kita ko na ang panginginig nito.

I squatted beside Seven who draped a piece of cloth over Dali. Tingin ko ay punda ng unan iyon.

I rested my chin on my knees as I hugged my legs and stared at Dali. Kita ko ang panginginig ng aso.

Napalingon ulit ako kay Seven at doon lang narealize na wala pala siyang dalang payong. Umusog ako nang kaunti hanggang sa magkadikit na kami para mapayungan ko siya. I forced a smile---lips pursed---when he looked at me.

Tinuro niya si Dali kaya napalingon ulit ako sa aso na nanginginig lang sa ulan, naaanggihan.

Bumalik ang tingin ko kay Seven. "Ha?"

Nanatili lang siyang nakaturo sa aso.

"Anong gagawin?"

Tumingin siya sa payong ko kaya napatingin din ako. Tapos ay sa aso.

"Ahh. . ." Nang maintindihan ay inunat ko ang braso at pinayungan ang aso para hindi maanggihan. Kaya tuloy ay kami naman ang nababasa. Napanguso ako.

". . ."

". . ."

Binalik ko rin sa amin ang payong kaya nilingon ulit ako ni Seven.

"Bakit siya ang papayungan? Tayo naman nababasa!"

". . ."

". . ."

"Pag ako nagkasa--"

Natigilan ako nang umusog siya palapit sa aso para mapayungan din. Tapos ay nilingon ako.

". . ."

". . ."

I blinked. "Naisip ko rin 'yan noh! Natatakot lang ako kay Dali!"

Kahit ang inosente ng mukha niya, feel ko pa rin jinajudge niya ko! Hmp!

Patuloy pa ang pag-ulan sa mga sumunod na araw. Sa ganoong panahon ay nabobored ako dahil walang pasok at tengga ako sa bahay. Wala namang magawa sa loob. Hindi ko makalaro ang kapatid ko dahil ewan ko, hindi talaga kami close eh.

Sa boredom ay tumungtong ako sa sofa at napasilip na lang sa labas ng bahay.

Kumunot ako nang makita si Seven na lumalabas ng bahay, may hawak-hawak na payong. Sinulong niya ang ulan. Mahangin at halos tangayin na ang payong niya, pati na rin siya.

Naglakad siya palapit kay Dali at nilagay sa harap nito ang payong kaya nababasa na siya. Mahangin naman kaya hindi rin nagsestay ang payong.

Pumangalumbaba ako sa bintana at napanguso.

Bakit ba gustong-gusto niya ang asong 'yun? Magpapaulan siya para lang do'n? Hindi naman 'yan mamamatay sa ulan!

Pinanood ko si Seven na pilit pinapanatili ang payong sa aso para lang hindi ito mabasa. Naaawa na ako sa kaniya dahil siya ang basong-basa na ng ulan.

Ano ba kasing meron sa aso na 'yan eh asong kalye naman 'yan!

Matagal na ang asong 'yan dito tapos kakalipat lang nila, napamahal na agad siya? Totoo ngang weird siya!

I sighed and shook my bad thoughts off my head. Tumayo ako at napagdesisyunang tulungan na lang si Seven.

Pero pagbukas ko ng gate ay siyang paglabas din ng nanay ni Seven sa bahay nila. Lumingon siya sa paligid at nang makita si Seven ay kita ko ang paghangos niya at pagkaladkad sa bata papasok ng bahay. Seven grunted.

My heart raced when his mother threw me a gaze. Dali-dali akong pumasok ng bahay.

* * *

Feb 08, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now