My Diary: Entry #19

16 3 2
                                    

"Bakit malungkot kayo mga bebe?" Nilapag ni Tita Jesiree ang pagkain sa harapan namin.

Sabado ngayon at may gagawin daw project si Jiro at Ryle kaya nandito si Ryle kela Jaile. Sumama na rin ako para makapaglaro kami after.

Masaya naman kami kanina kung hindi lang ulit nabuksan ang topic kay Dali kaya naalala na naman namin ang itsura ni Seven.

"Naaawa lang po kami kay Seven. First time po kasi namin siya makitang umiyak. Kawawa," ani Ryle.

"Sayang hindi ko nakita!" panghihinayang ni Jaile.

"Huh? Sinong Seven?"

"Yung maliit po na batang hindi nagsasalita nung birthday ni Jiro."

"Ahh! Si pogi! Bakit pala hindi niyo na kasama 'yun?"

"Hindi po siya pwede eh."

Ang tagal na rin pala nung huling una at huling nakita ni Tita Jes si Seven. Hindi na kasi namin siya nadadala sa malayo. Hanggang street lang namin dahil natatakot ako sa magulang niya.

"Bakit naman siya umiyak?" tanong ni Tita.

"Kinuha po kasi 'yung inaalagaan niyang asong gala. Kinuha ng barangay."

"Aww . . . Saan daw dinala? Sana inampon na lang nila."

"Sabi po ni mama sa dog pound daw po dinadala mga narerescue na aso eh. . . Hindi ko lang po alam kung saan 'yun."

"Teka . . ." Nag-isip si Tita. "Parang may alam akong dog pound dito!"

Nagningning ang mga mata namin.

"Halika! Puntahan natin!" Tita Jesiree cheerfully said.

"Bibisitahin natin si Dali, ma?"

"Dali? 'Yung dog? Aampunin natin!"

Nanlaki ang mga mata namin.

I suddenly felt excited. Not for myself. Not for tita. Not for Dali. But for Seven.

"Love na love niyo si Seven ha," kumento ni Tita. Nakasakay kami sa sasakyan nila, on the way sa dog pound. Si Jiro sa shotgun seat.

"Ewan ko nga po eh. Hindi ako mahilig sa aso at hindi ko rin po gaanong nakakalaro si Seven pero nalulungkot ako para sa kaniya kasi parang mahal na mahal niya si Dali," pagchika ni Ryle.

"Palagi niya po 'yung pinapakain tapos pinapayungan pa kapag naulan," pagkukwento ko.

"Bakit hindi na lang nila inampon?"

"Ayaw po ata ng mama niya . . ."

I glanced at the window as I slowly realized something.

Hindi maampon ni Seven si Dali kasi ayaw ng mama niya.

Ayaw ng mama niya sa aso na gusto niya. . .

'Yung aso na palagi siyang sinasamahan.

Kapag may pasok ako, si Dali lang ang kasama niya kapag nasa labas siya. . .

Walang ibang kumakausap sa kaniya . . .

Wala 'yung mama niya . . . palagi siyang pinapagalitan...

Wala rin ang papa niya. . .

Si Dali lang ang mayroon siya.

My heart ached as his tears started to make sense to me now.

Kaya gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang pagdating ng dog pound ay nalaman naming naampon na ang asong tinutukoy.

"Agad-agad?!" Hindi kami makapaniwala.

Dalawang araw pa lang nakakalipas. . .

"Baka niligaw niyo lang. . ." bulong-bulong ni Ryle sa gilid.

"Pasensya na ma'am, kahapon lang po may nag-adapt sa aso. Sayang po."

Bigo akong napaupo sa bench.

"Mag-adopt na lang tayo ng iba. Jiro, pili ka ng dog, bebe. Alin ba diyan ang kamukha ni Dali?"

Hinintay na lang namin silang makapili ng i-a-adapt na aso. Umasa na lang ako na maging masaya pa rin si Seven doon kapag nakita niya, kahit na hindi iyon si Dali.

"Sayang, isurprise sana natin si Seven!" panghihinayang ni Jaile nang masagap niya ang balita. Late na niya nalaman since hindi siya sumama sa loob. "T-Tita, sa harap na lang po umupo ang dog niyo ah. . ."

Ang napiling aso nila Tita Jesiree ay tuta pa lang pero kasing kulay niya si Dali.

"Huwag kang mag-alala, Jaile, hindi kita isestress sa dog. Uuwi naman na kami ni Jiro kaya roon na 'to sa bahay namin."

"Uuwi na po kayo?/Uuwi na tayo?" sabay na tanong ni Jaile at Jiro.

"Oo, nasabi ko na sa mommy mo, Jaile."

"Kaya mo na ba, ma?"

"Oo naman! Kaya ko naman talaga 'di ba ilang beses ko na sinabi sa 'yo! Kayo lang ang nagpupumilit. Tsk tsk tsk."

"Hindi mo naman po sinasabi ang totoo . . ." mahinang sabi ni Jiro at lumingon sa bintana.

"Anak naman. . ."

Hindi na nagsalita si Jiro. Natahimik na lang din kami sa likod dahil hindi na rin nagsalita si Tita.

* * *

February 10, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now