My Diary: Entry #5

26 4 1
                                    

Buntong-hininga akong lumabas ng bahay.

Ilang araw ko nang pinipigilan ang sariling huwag na maglakwatsa pero ngayong naririnig na naman ang sigawan sa bahay ay gusto kong baliin ang desisyon.

Walang nakapansin sa paglabas ko. Sumilip pa ako sa katapat na bahay at naghintay ng ilang saglit kung lalabas ang batang lalaki pero nang walang mapala ay dumiretso na ako sa playground.

"Serene!"

My eyes glistened nang makita si Jaile sa may slide. Tumakbo ako palapit sa kaniya at bumaba naman siya. Ang tagal ko na siyang hindi nakita!

"Jaile! Saan kayo galing? Palaging lock ang bahay niyo!"

"Galing kami sa bahay ng lola ko! Kahapon na kahapon na kahapon pa kami naka-uwi! Wala ka naman dito sa park! Pupuntahan dapat kita sainyo pero natatakot ako sa mama mo."

"Four days na kasi akong hindi lumalabas!"

"Si Pia rin, hindi ko nakita rito. Sabi ng mama niya, nagpapagaling daw! May sakit ata si Pia!"

I pursed my lips.

"Tapos sila Jerome wala na rin. Kinuha ng barangay sabi ni mama," tukoy niya sa mga batang kalyeng kalaro namin.

"Huh?!"

"Oo." Napakamot ng batok si Jaile. "Si mama ang nagsabi. Dalhin daw sila sa bahay ampunin kasi kawawa raw, kung ano-anong natututunan dito sa kalye . . ."

"Kailan lang?"

"Kahapon! Kasi nakita niya 'ko nakikipag-usap sa kanila. . ."

"Di ba may mga bahay naman sila?? Asan yung mama nila?"

"Tinanong sila ni mama kahapon. Wala pala talaga silang magulang. Kaya nga pinadala ni mama sa bahay ampunan."

Bumuntong-hininga ako. "Kawawa naman sila. . ."

"Tayo-tayo na lang ang magkakalaro rito. . . Buti na lang naaya ko 'tong si Jiro oh! May bago na tayong kalaro!"

Tyaka ko lang napansing may kasama pala siya. Bumaling ang tingin ko kay Jiro na naka-upo sa swing. Matalim lang naman ang tingin niya sa 'kin.

"Hindi 'yan palalabas kasi marami siyang laruan sa kanila pero pinilit namin ni Tita! Kaya ayan, nakalabas din!"

Naglaro kami nang matagal sa park. Si Jaile lang ang nakaka-usap ko dahil mukhang galit sa mundo si Jiro, halatang-halata na napilitan lang lumabas ng bahay.

Bored na bored siya habang masaya kaming naglalaro ni Jaile. Kinakau-kausap naman siya paminsan ni Jaile pero bored din siya sumagot.

Natawa ako nang makita siyang busangot ang mukhang magslide. Mukha kasi siyang tanga. Siya lang ang nakita kong batang nagslide doon na hindi natuwa.

Agad akong nahanap nang masama niyang tingin kaya napatikom din ako ng bibig.

Sa mga sumunod na araw nga ay sabi ni Jaile, ayaw na raw sumama ni Jiro pero pinilit siya ng mama niyang lumabas at makipaglaro kaya wala na siyang nagawa.

Ganoon lang tuloy palagi ang eksena namin. Kami ni Jaile naglalaro habang 'yung isa, parang pinagsukluban ng langit at lupa. Hindi siya natutuwa sa playground!

Kami-kaming tatlo na ang palaging magkasama dahil hindi pa rin lumalabas si Pia. Hinihintay pa rin naman namin siya. Araw-araw ay dinadaanan ko ang bahay nila para icheck kung lalabas na ba siya dahil gusto ko na siyang makalaro ulit.

"Pia!" tawag ko isang araw nang madatnan siyang nasa labas ng bahay nila, nagtitingin doon sa karton-karton. Lumapit ako sa gate nila. "Pia!"

Lumingon siya sa akin. Kitang kong wala nang gasa sa baba niya pero kita pa rin ang tahi. Natigilan ako nang makita iyon. My lips parted. Hindi ko alam na malaki pala ang tinahi sa kaniya. . .

Hindi ako pinansin ni Pia at pumasok na ng bahay nila. Dahan-dahan na lang akong naglakad paalis, mabigat ang dibdib.

"Bakit malungkot ka, Shin?" tanong ni Jaile pagkarating ko ng playground.

Nangunguso akong umiling at umupo sa swing na katabi ng kay Jiro. Malumanay akong nagswing doon, naalala ang pagtutulak sa akin ni Pia tuwing umuupo ako.

"Uwi na muna ako," sambit ko at tumayo na.

"Huh?! Kakarating mo lang!"

"Kayo muna ni Jiro maglaro ngayon," sabi ko at umalis na dahil nawalan ng gana.

Nangingilid na naman ang mga luha ko! Kinurot ko ang sarili, pinigilang tumulo iyon.

Buntong-hininga akong umupo sa tapat ng gutter namin. I folded my arms and rested them on my knees tapos ay sinubsob ko roon ang mukha.

Ang laki pala ng sugat ni Pia. . . na kagagawan ko . . . tapos hindi man lang sincere ang ginawa kong pagsosorry sa kaniya nung nakaraan. . .

Tama nga talaga sila: masama ang ugali ko. Ako ang may diperensya.

Buong gabi ay nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto, iniisip ang mga nangyari at kung ano ba ang dapat kong gawin.

Nakatulog ako nung gabing iyon na buo na ang desisyon: hihingi ako ng paumanhin. Sa pagkakataong ito, galing sa puso ko. Ngayon, totoong sobra na 'kong nagsisisi sa ginawa ko.

Pero hindi ko naman alam na huli na pala.

"Pia!" Pagtawag ko mula sa labas ng gate nila. "Pia!"

"Nako, ineng, wala nang tao riyan. Nakaalis na sila kaninang umaga."

"Saan po sila pumunta? Anong oras po sila uuwi?"

"Lumipat na sila ng bahay. Nahakot na lahat ng gamit kaya ayan nakalock na 'yan oh."

Umawang ang mga labi ko. I couldn't find my voice after hearing that news.

Umalis siya nang hindi man lang ako sinserong nakahingi ng tawad. . .

Hindi ko man lang kailanman naiparamdam na kaibigan ang turing ko sa kaniya. . .

Umalis siya nang may sugat akong iniwan sa kaniya. . .

At siya sa 'kin. . . Sugat na habang buhay kong dadalhin at pagsisisihan.

"Serene, ano bang nangyayari sa 'yo at hindi ka kumakain nang maayos?" napabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni mama.

Mahina kong hinawakan ang kutsara't tinidor. Natigilan naman ako nang maramdaman ang kamay ni mama sa noo ko.

I followed her with my gaze when she put down her hand. I looked at her, craving more of her touch.

"Mainit ka, Serene! Dalian mong kumain diyan at iinom ka ng gamot."

Nagsimula na akong kumain, nanghihinga.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo naman? Ilang araw ka nang tahimik! Hindi ka nalabas ng bahay! Para kang lutang pag inuutusan! Tapos ngayon may sakit ka?"

I smiled weakly to myself as I felt her concern.

Matapos kumain ay pinainom niya ako ng tubig at gamot tapos ay siya na rin ang sumalo sa toka kong maghugas ng plato kaya kahit papaano ay magaan akong nakatulog nang gabing iyon.

* * *

June 21, 2022

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now