My Diary: Entry #22

25 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong gumising para ayusin ang aking buhok. Sinubukan kong gayahin ang ginawa ni Tita sa buhok ko kahapon.

Hirap na hirap ako dahil first time tinalian ang sarili! Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa marinig ko na lang ang pagtawag ni Ryle!

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Okay naman na tignan sa harapan kahit may iilang strands na hindi napasama. Sunod ay kinabit ko na ang hair clip bago lumabas ng kwarto.

Paglabas ng kwarto ay nagkasabay kami ni mama na galing naman kusina. Sumilip siya sa labas at tumingin sa akin. Nagtama ang tingin namin.

Umiwas din ako ng tingin at tumakbo na papuntang pinto.

"Pasok na po 'ko, ma. . ." paalam ko at lumabas na.

"Mag-almusal ka muna!" Hindi ko na narinig ang sinabi ni mama dahil sa ingay na tahulan ng mga aso ng kapitbahay nang mayroong dumaan na nagpapalakad ng aso.

"Ang aga mo sobra," bungad ni Ryle, binubuksan ko na ang gate.

"Hindi ko napansin ang oras!"

"Oh." Inabot niya ang tupperware ko habang naglalakad na kami papunta kila Jiro.

Kumakain pa rin siya ng pandesal ngayon habang nagbabasa sa notebook niya.

Hindi ko alam kung ano bang ginagawa niya sa bahay nila at minsan, habang naglalakad na siya nakakapag-almusal. Kapag hindi siya nakakain sa kanila, papabaunan siya ng mama niya at dadalhan niya kami ni Jiro.

Ako, palagi niyang dinadalhan ng pagkain dahil alam niyang madalas akong hindi nag-a-almusal kasi late na nagigising.

"Ibalik mo 'yang tupperware ha," paalala niya. Palagi ko kasing nauuwi!

Tumango ako.

Nauuna ako sa kaniyang maglakad dahil napakabagal niya, paano kasi kumakain na, nagrereview pa! Kapag sinasabi kong bilisan, ayaw niya raw kasi baka madapa siya!

Nang makarating sa bahay nila Jiro ay umupo na ako sa usual na pinagtatambayan habang hinihintay ang kaibigan. Umupo ako roon sa concrete na bakod ng mga tanim nilang halaman.

I checked the time at mayroon na lang 20 minutes bago ang mga klase namin. Usually, lalabas si Jiro kapag 10 minutes na lang. Alam niya kasing malapit na lang ang lalakarin!

Kumain na muna ako ng almusal at hindi na nagtawag mula sa loob dahil kapag mga gantong oras, maririnig namin ang pagpapabilis ni Tita Jes sa kilos ni Jiro. Tapos lalabas din si Tita para magdilig ng mga halaman at doon na niya kami mapapansin. Bubuksan niya ang kandado at papapasukin kami para sa loob na maghintay sa kabagalan ni Jiro.

As usual ay nang makarating, sumandal lang si Ryle sa may poste ng gate nila Jiro habang busy pa rin sa pinagkakaabalahan. Sumilip ako sa loob dahil nagtataka na tahimik ang bahay.

Binalingan ko ang orasan ko at inabangan ang 6:45 dahil sa mga ganoong oras lalabas si Tita.

57. . . 58. . . 59. . .

Nang mag-6:46 ay bumaling ulit ako sa bahay.

Kumunot ang noo ko.

57. . . 58. . . 59. . .

6:47. Dalawang minuto makalipas ay wala pa ring lumabas roon.

"Walang tao."

Napalingon ako kay Ryle na sumilip na rin pala.

Tumayo ako. "Tita Jes!!" pagtawag ko. "Tita Jes!!"

"Jiro!" tawag din ni Ryle. "Malelate na tayo!"

Pero walang nasagot.

"Tara na, Shin. Walang tao. Umalis ata sila. Tignan mo, sarado 'yung pinto."

Napanguso ako.

"Asan kaya sila? Anjan naman yung sasakyan."

Sayang naman! Ipapakita ko pa naman kay Tita Jes ang tali ko!

Buong oras ng eskwela eh hindi ako nakipagharutan sa mga kaklase ko para lang hindi masira ang pagkakatali sa buhok.

Kaya ngayong uwian ay buo pa rin iyon!

Nauna akong lumabas ng room at dumiretsong lounge para makapunta na kami kila Tita Jes. Baka kasi nakauwi na sila at tatambay ulit kami roon para gumawa ng assignment!

"Wala pa ring tao."

Napabuntong-hininga ako, bigo, nang wala pa ring tao kila Tita Jes noong uwian.

Ang sunod naming destinasyon ay ang bahay nila Jaile. Naghintay pa kami ng ilang minuto sa pag-uwi niya galing school.

"Uy," bati niya at pinapasok kami ng mama niya sa loob.

"Galing kami kila Jiro, wala sila sa bahay. Alam mo ba kung saan sila nagpunta?" tanong ko.

Jaile sighed.

"Bakit?"

"Nasa ospital sila."

"H-Huh?"

"Sinugod ulit sa ospital si Tita Jes kaninang madaling araw. Pagkagising ko nga ako lang tao rito sa bahay kanina. Akala ko hindi ako makakapasok pero nakauwi rin si papa para ihatid ako. Si mama nandoon din sa ospital."

". . ."

". . ."

"Bakit . . ." mahinang tanong ko.

"Sabi ni papa may sakit daw si Tita. . ."

"Anong sakit?"

"Hindi ko alam." Jaile shrugged. "Babalik nga roon si papa para maghatid ng mga damit. Pero ayaw naman nila akong pasamahin. Bawal daw bata sa ospital. . ."

"Ando'n si Jiro 'di ba?"

"Pinapauwi nga si Jiro pero ayaw daw."

Pauwi ay iyon ang bumagabag sa isip ko.

"Ryle . . ." tawag ko. Nilingon niya ako. "Di ba naospital na si Tita Jes noon? Bakit hindi pa siya magaling? Hindi ba gagamutin ka sa ospital?"

Tumango si Ryle. "Pero hindi naman ibig-sabihin no'n hindi na babalik ang sakit mo."

"Bakit? Hindi ba pag ginamot ka magaling ka na? Bakit babalik pa?"

"Hindi naman lahat ng ginagamot, gumagaling."

Bumalik ang pag-i-isip ko kay Tita. Ano bang sakit niya?

An image of her unconsciously lying on the ground with blood all over her mouth flashed in my head.

Napahinto ako. "Ryle. A-Ano bang sakit kapag may dugo?"

Ryle sighed. "Shin, hindi ko alam ang sakit ni Tita Jes. Wala ring sinabi sa akin si Jiro."

I pouted. Lumapit sa akin si Ryle at inakbayan ako. "Babalik din 'yun sila. Hintayin lang natin magpagaling si Tita Jes sa ospital."

"Bukas kaya uuwi na siya?"

"Sana. Hindi ko alam. Pero hindi naman agad gumagaling ang mga tao, Serene. Kaya huwag nating madaliin si Tita, hayaan natin siya gamutin ng mga doktor para gumaling."

Napatango na ako roon, encourged.

Hihintayin ko na lang si Tita! Okay lang kung matagal basta hindi na siya ulit babalik ng ospital! Araw-araw ko na lang tatalian ang buhok ko hanggang sa bumalik na siya at mapakita ko sa kaniya ang gawa!

* * *

February 17, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now