My Diary: Entry #4

27 4 9
                                    

Kinabukasan ay maingat ako sa mga galaw ko, halos hindi na ako magsalita dahil natatakot kay mama.

I flinched when I felt her presence beside me while I was washing the dishes. May kinuha siya sa cabinet. Akala ko aalis na siya pagkatapos pero may ginawa pa ulit siya roon, hindi pa umaalis malapit sa akin. Nilimitahan ko ang mga galaw ko at tahimik na nagpatuloy sa paghuhugas.

Patapos na ako nang hindi pa rin umaalis sa tabi ko si mama. Akala ko aalis na lang ako nang hindi kami nagkikibuan pero nagsalita siya bigla.

"Serene," tawag niya na bahagyang kinagulat ko pa. "Alam mo ba kung bakit kita pinalo?"

Dahan-dahan akong tumango, hindi siya binalingan ng tingin.

"Mali ang ginawa mo. Hindi ka dapat nang-a-away ng ibang bata," paliwanag niya. "Nakita mo ba ang ginawa mo kay Pia? Dumugo raw ang nguso."

". . ."

"Bakit mo ginawa iyon ha?"

". . ."

"Bakit ka nang-a-api?"

". . ."

"Tama ba 'yon?"

". . ."

"Sumagot ka."

Umiling ako.

"Uulitin mo pa?"

Umiling ulit ako.

"Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo?"

Tumango ako.

"Magsorry ka sa kaniya pagbalik niya."

Tumango ulit ako tapos ay umalis na si mama sa kusina.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko matapos ang usapan na iyon dahil kinausap ako ni mama. Ibig-sabihin ay hindi na siya galit sa akin at kalmado na.

"Serene, huwag ka nang pupunta roon sa park at hanggang tapat ng bahay ka lang. Ilang beses na kitang sinabihang huwag makikipag-usap sa mga batang kalye, hindi ka nakikinig kaya ngayon, hanggang diyan ka lang sa tapat."

Napabuntong-hininga ako pagkalabas ng gate dahil sa biling iyon ni mama.

"Kapag nahuli kitang lumagpas diyan, lagot ka sa 'kin."

Napanguso ako at napa-upo na lang sa gutter. Umaliwalas din naman ang mukha ko nang mapabaling sa katapat na bahay, nagbabakasakaling makita ang batang lalaki pero wala naman siya sa labas.

Kumuha ako ng stick at naglaro ng bato habang palakad-lakad lang sa tapat ng bahay namin tapos sa tapat ng bahay nila. Pasilip-silip pa ako, inaabangan kung lalabas ba siya pero hindi.

Nang mapagod ay napa-upo ulit ako sa gutter ng tapat namin. I placed my elbows on my knees and rested my chin on my knuckles.

Napabuntong-hininga ako, unti-unting namiss sila Jaile at Pia.

I straightened my back and shifted my gaze at the house in front of me when I  heard their gate opening.

Akala ko ang batang lalaki iyon pero ang parents niya pala. Nakaakbay ang lalaki sa babae. Naglakad sila papuntang sasakyan, nagngingitian pa habang hinahatid ng baba eang lalaki sa sasakyan. Naka-upo na ang lalaki sa loob pero nakatayo pa ang babae sa gilid at nag-usap sila.

Bumaling ang mga mata ko sa pinto nang mahuli ng tingin ko iyong batang lalaki na nakatayo roon at nakatingin sa mga magulang niya. Nakahawak pa ang mga kamay niya sa doorway, tila nakasilip lang.

My face lit up when his eyes got shifted on me. Nagtama ang tingin namin at kakaway na dapat ako at babati pero pumasok na ulit siya sa loob kasabay ng pag-andar ng sasakyan. 

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now