My Diary: Entry #11

24 4 0
                                    

Dumating ang panibagong school year at grade 4 na ako.

Walking distance lang ang school namin mula sa bahay kaya ako lang palagi ang mag-isang pumapasok. Iyon din ang dahilan kung bakit marunong akong tumawid. Hindi ako mahatid ni mama kaya tinuruan niya ako kung paano pumasok mag-isa.

"Pst! Taba!"

Uwian na namin ngayon pero pumunta muna ako ng canteen para bumili ng pang-merienda. Sigurado kasing walang pagkain sa bahay.

"Taba! Taba!"

Nakapila ako sa bilihan ng mga biscuit nang may magtawanan sa likuran ko. Napalingon ako sa lalaking kumalabit sa 'kin.

"Taba, pwede pasabay kami? Hindi na kami makasingit sa pila eh, ang laki mo kasi."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. I shrinked as everyone near us heard what he said. Agad akong tumabi, nangingilid na ang mga luha.

"Hoy, anong sabi mo." Napalingon ako pabalik nang marinig ang pamilyar na boses.

I saw Jiro pulling the collar of the guy's uniform from the back, choking him.

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang nakangiting sumilip si Ryle mula sa tabi ni Jiro. "Hi, Shin!"

My lips parted. Bakit sila nandito?!

"Aray! N-Nasasakal a-ko!!"

"Anong problema mo?!" Galit na lumingon ang lalaki nang bitiwan siya ni Jiro, ngayon ay tumabi na sa kaniya ang tatlo niya pang tropa. Siya ang pinakamaliit sa kanila.

Nakatingala pa siya kila Jiro at Ryle dahil mas matangkad sa kanila ang mga ito.

"Hahaha! Para kang chihuahuang may rabies." Pang-asar na tumawa si Ryle.

"Anong ginagawa niyo rito?" Lumapit ako kay Jiro at siniko siya.

"Hindi ba obvious? Dito kami nag-aaral." Tinuro niya ang suot niyang uniform habang nakatingin sa akin na animo'y tanga ako.

"Oh, oh, oh, luh," Natatawang napaatras si Ryle, nakaharang pa ang mga kamay nang susugurin sana siya ng lalaki.

Kung ako ang lalaki ay napikon na rin ako rito kay Ryle. Galit ka na ta's tawa lang nang tawa yung kaaway mo.

"Ano bang problema niyo?!"

"Ikaw ang nagsimula. Bakit mo nilalait ang kaibigan namin ha?"

Nalipat ang tingin sa akin nung lalaki at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit ba? Totoo namang ma---"

Bago pa niya matuloy ay nasungalngal na siya sa pabirong pagsakal sa kaniya ni Ryle. "Sige, ituloy mo."

Buntong-hininga akong lumingon sa paligid at pansin ang tingin ng lahat sa amin. Hinila ko si Ryle palayo sa lalaki.

"Taba!! Ta---"

"Ah hindi ka talaga titigil." Si Jiro na ang sumakal sa kaniya nang magsalita ulit ito matapos mabitiwan ni Ryle.

Halos mapaangat siya sa sakal ni Jiro, hinahampas ang kamay nito. Iyong mga alagad niya naman ay walang magawa.

"Jiro! Isusumbong kita sa mama mo!" Pilit kong inalis ang kamay niya pero parang mas nasakal pa ang lalaki dahil doon. Umubo-ubo siya.

Kinurot ko ang kamay ni Jiro kaya nabitiwan niya na ang lalaki. "Aray!!"

Nang makabitiw ay agad ko na silang kinaladkad ni Ryle palabas ng canteen dahil nagsimula silang makipag-ambahan pa sa grupo. Iyong lalaki rin ay umiiyak na.

"Sige, subukan mo pa kaming kalabanin!" matapang na sigaw ni Ryle habang kinakaladkad ko sila. "Makiki---aray!!" Binatukan ko siya.

"Serene!" reklamo nila at pilit binabawi ang mga braso pero diniinan ko ang hawak hanggang sa makaladkad ko sila sa lounge area. Tsaka ko lang sila binitiwan.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now