My Diary: Entry #8

20 3 0
                                    

We were hoping to ask Seven's father instead for his name pero madalas naman ay wala iyon sa bahay nila, umaalis gamit ang sasakyan. Madalas nga ay nakikita kong kasama ang mommy niya tapos naiiwan lang ata mag-isa sa bahay si Seven.

Kapag gano'n, inaaya namin siya.

"Seven! Maglalaro kami ngayon!" I smiled as I saw him went out of their house. "Sali ka ah!"

Nandito lang ako sa tapat ng bahay namin dahil hinihintay ko ang pagdating nina Jaile, Jiro, at Ryle. Kasama na talaga namin si Ryle dahil palagi na siyang lumalapit o pumupunta sa amin para makipaglaro.

"Wala ka ulit kasama?" tanong ko nang makalabas ng gate si Seven. May dala-dala siyang pagkain para sa asong gala na nakatambay na sa labas ng bahay nila.

Nung isang araw, nakita kong tinaboy ito ng mama niya pero bumalik din ngayon.

As usual ay hindi sumagot si Seven. Dumiretso lang siya sa aso at nilapag ang pagkain nito. He sat near the dog without the ground touching his butt. Ginaya ko ang upo niya at pinanood ding kumain ang aso.

"Anong name niya? May pangalan ba siya?" tanong ko. Napaangat naman ng tingin sa 'kin si Seven.

Unti-unti na talaga akong nasasanay sa kausap na hindi nasagot. Kahit alam ko naman na na hindi siya nagsasalita, ewan ko, gusto ko pa rin siyang kausapin.

"Gusto mo ba bigyan natin siya ng pangalan?" I asked enthusiastically. Naiwan lang ang tingin niya sa akin. "Hmm . . ."

Pinasadahan ko ng tingin ang aso. Kulay puti ito na may kaunting spots ng black.

"Whity?" suggest ko na name pero inalis niya ang tingin sa akin, hindi interesado. Napanguso ako. "Spotty?"

Hindi pa rin siya lumingon.

"Dali?" My face lit up when he met my gaze again. "Dali! Gusto mo Dali?"

". . ."

"Dali kasi mukha siyang dalmatian!" I said enthusiastically. "Di ba? Ang talino ko! Ang galing!"

". . ."

Gusto ko pa ulit magyabang kaya lumapit ako sa aso para ipet iyon. "Alam mo palagi ko ring nakikita noon 'to si Dali, pagala-gala lang dito! Binigyan ko siya ng Champy na candy dati pero hindi niya kinain."

". . ."

"Hi, Dal---AAAH!" Binawi ko agad ang kamay ko dahil nang mahawakan ko ang aso ay naggroan ito at galit na tumingin sa akin. Napaatras pa ako sa gulat kaya nalaglag ang pwet ko sa sahig.

"SHIN!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Jaile. Magkakasama na siya nina Ryle at Jiro since unang madadaanan naman talaga nila ay ang bahay nila Jaile.

Agad akong napatayo at nagpalpag nang makita ang dala-dala nila. May dala silang limang water gun na pagmamay-ari ni Jaile at Jiro. Napagplanuhan kasi naming iyon naman ang laruin nang mabanggit nila na mayroon sila no'n.

"Wow! Ang gan---AHHHH" I shrieked when Ryle sprayed it on me. My chest heaved. Tumawa pa ang bastos! Napaka-sutil talaga!

Pagalit akong nagmarcha palapit kay Jaile upang kunin ang akin tapos agad inispreyan si Ryle. Natatawa siyang umiwas pero hindi naman na rin gumanti nang mabasa ko. Sinapul ko talaga iyon sa mukhang pwet niyang mukha.

"Ito sa 'yo, Seven. Didiin mo lang kamay mo rito oh." Tinuruan din namin si Seven.

Napapikit ako nang bumaril si Seven upang subukan at saktong tumama sa mukha ko iyon dahil nakasquat ako sa tapat niya. Nagtawanan ang mga kasama namin.

Simangot kong hinilamos ang mukha. Nagtama ang tingin namin ng wala pa ring ekspresyon na si Seven! Sumimangot ako lalo. Binasa na nga niya ako! Wala pa ring reaction?!

Natigilan lang ako sa gulat nang matapos tumitig nang ilang sandali ay lumapit siya sa akin. He slightly crouched infront of me and gently wiped my face with the hem of his shirt.

Hindi naman maayos ang pagkakapunas niya, kumalat pa nga ang iilang hibla ng buhok ko at basa-basa pa ang sa iilang parte pero sobrang naantig ang puso ko.

I pouted my lips as I looked up at him. Wala pang ibang nagpunas ng mukha ko, siya lang.

"Pwede ka bang mabasa? Baka magalit ang mama't papa mo?" tanong ko sa kaniya nang magsisimula na ang laro namin pero hindi naman niya binitiwan ang water gun.

Napuno ng tawanan at hagikgikan namin ang hapong iyon. Nagtakbuhan at habulan kami habang binabasa ang isa't-isa. We were soaking wet but we didn't mind as we enjoyed our time together.

Nagtawanan kami sa itsura ng isa't-isa matapos maubos ulit ang laman ng water gun namin. Basang-basa kaming lahat pero si Seven ay hindi gaano dahil naguiguilty kaming basain siya. Halos hindi kasi siya bumabaril, kung babaril man, sa paa lang namin. Hindi rin siya natakbo, lalakad lang kaunti tapos hinto. Most of the time nasa iisang pwesto lang siya, papanoorin ang paglalaro namin.

"Ay! Oo nga pala, sabi ni Tita ayain ko raw kayo sa birthday ni Jiro bukas!" sambit ni Jaile bago kami maghiwa-hiwalay. "Bukas 4 PM, sa bahay nila. Punta raw tayo sabi ni Tita!"

"Sige!" pagsang-ayon namin bago naghiwa-hiwalay. Kumaway ako kay Seven bago pumasok ng gate namin, basang-basa pa rin.

"Ano ba 'yang itsura mo, Serene?! Basang-basa ka! Nababasa ang sahig!" bungad ni mama pagpasok ko kaya napahinto ako. "Lintek naman oh!"

I sighed. "Pupunasan ko na lang po pagkapalit ko."

"Ano ba kasi 'yang mga pinaglalaro niyo sa labas?! Nagsasayang kayo ng tubig!" dinig ko pang sambit ni mama habang nagtutupi ng mga damit. Si Sandra ay tulog sa tabi niya. "Puro perwisyo ka talaga, Serene!"

Hindi na lang ako nagsalita at dumiretso na ng kwarto. Nagpapasalamat na lang ako na pinayagan niya pa rin kami na kumuha ng tubig dito kanina para sa water gun.

Pagkapalit ng damit sa kwarto ay agad din akong lumabas para punasan ang bakas ng tubig sa labas. Habang nagpupunas ng sahig ay pumasok ng bahay si papa.

"Aba! Himalang umuwi ka pa ha?!" bulyaw ni mama.

"Tigilan mo 'ko," dire-diretso siyang nilagpasan ni papa.

"Wala nang pang-ulam bukas! Ikaw ang bumili!"

"Wala akong pe---"

"Putangina! Paano pinagsusugal mo lang ang kinikita mo!"

"Putangina! Huwag mo 'kong simulan!"

"Kung naipapanalo mo lang sana 'yang sugal mong 'yan, natuwa pa 'ko eh! Eh hindi?!"

Pumasok na ako ng kwarto at inabala ang sarili sa ibang bagay para hindi marinig ang sigawan nila.

Natulog ako ng gabing iyon na excited para sa kinabukasan dahil aattend ng birthday-an.

"Mama, pupunta lang po ako sa b---"

"Kailan ka ba hindi lumakwatsa Serene, ha?! Ngayon ka pa nagpaalam?"

I pursed my lips and just sighed. Lumabas na ako ng bahay at umupo sa may gutter para hintayin ang paglabas ni Seven ng bahay para sabay kaming pupunta kila Jiro.

Tumayo na ako at ngumiti nang lumabas siya. "Hi, Seven!"

". . ."

"Nagpaalam ka na ba kila Jiro? Sa kabilang street lang 'yon! Sabay na tayo! Tara!"

Habang naglalakad kami papunta kila Jiro ay patuloy ang pagdaldal ko sa kaniya kahit hindi naman siya nagrerespond. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa mga sinasabi ko pero kahit ano man, nagkwento pa rin ako nang nagkwento.

I could tell him anything but about my family. I couldn't tell anyone about my family. . . about how we were as a family . . . how my mother and father were as parents . . . how my relationship with my siblings was . . .

Ayaw ko lang. Ayaw ko na baka mag-iba ang tingin nila sa pamilya ko pagkatapos kong sabihin. I didn't wanna ruin my family's name and image on them. Ayoko silang masira sa iba.

I wanted everyone to picture us as a normal, healthy, and happy family---a perfect family---like what I had always desired.

* * *

June 23, 2022 | October 29, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum