01

68 6 0
                                    

“Rise and shine, my baby Astrid. Kailangan mo na bumangon at aalis na tayo.” I grunt at umupo sa kama nang pupungas-pungas. Natawa si mommy dahil sa itsura ko. “Oh come on, anong oras ka na naman ba natulog kagabi?”

“I don't know, mom. I lost track.” Naupo si mommy sa kama at niyakap ako ng mahigpit.

“You've been doing it a lot lately. It's not healthy to stay up late at night, hmm?”

“Sorry, mommy.”

Tumayo si mommy at hinawakan ang kamay ko. “Just don't do it often. Get up, up, up…”

May maliit na ngiti sa labi akong tumayo at sumama kay mommy para kumain. Wala na si Daddy sa bahay dahil may pasok ito sa office kaya kami na lang ni mommy ang naiwan pero aalis din kami maya-maya dahil nangako ako na sasama sa pag-grocery.






“Kailangan na ba natin ng peanut butter?” Umiling ako. Ako ang taga-tulak ng pushcart habang si mommy ang kumukuha ng grocery items.

Nahagip ng mata ko ang estante na puro pabango ang nakalagay. Lumapit ako doon at ang unang naka-agaw ng atensyon ko ay ang isang pabango na panlalaki.

Dinampot ko iyon at inamoy. Kaagad na naglakbay sa ilong ko ang amoy nito at muntik ko na mabitawan ang pabango nang mapagtanto kung sino ang taong naamoy ko na may ganoong pabango. Mabilis ko iyon na ibinalik sa lalagyan at bumalik sa tabi ni mommy habang pinipilit na patahimikin ang sariling utak na iisang pangalan lang ang sinisigaw mula nang mapagtanto na ang isang tao na kilala kong gumagamit ng ganoong pabango ay siya lang at walang iba.

“Astrid, wala ka sa sarili. Ayos ka lang ba?” Tumango ako sa tanong ni Mommy. Hindi ko pa rin maiwaksi sa isip ang tungkol sa tao na palaging laman ng isip ko at ang nag-iisang dahilan para hindi ako makatulog ng maaga.

Ay teka, naitago ko ba yung diary ko? Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Sinulatan ko pa yon kagabi bago ako matulog at isa pa, lahat ng nakasulat doon ay detailed. Sana ay hindi iyon nakita ni mommy kanina nung ginising niya ko.

Kahit na nasa diary ko yon, tanda ko iba sa mga importanteng nakalagay doon.



~~~~


++Ashie's Diary


GUSTO KO UMIWAS. Yung iwas na talagang hindi ko siya masasalubong ng matagal na panahon pero hindi naka-ayon sa akin ang tadhana.

“Astrid.” Maaliwalas ang kanyang mukha at makinang ang mga mata nang lingunin ko siya.

Sa kabila ng mabilis na tibok ng puso ko, ngumiti ako ng maliit, “may kailangan ka?”

“Meron,” naglakad ito papalapit sa akin. “Ikaw.”




PATULOY lang ang pagbato niya sa akin ng pang-aasar na kahit minsan ay hindi ko pinapatulan. Hangga't kaya ko umiwas ay ginagawa ko pero may pagkakataon na talagang hindi ko na nagagawa pa na umiwas.

Nakakarindi, nakakainis. Pero hindi ko na kaya pa na i-deny sa sarili ko na unti-unti, may nabubuo na pagtingin para sa lalaki nagpapakulo ng dugo ko.

Kagaya ng ibang tao, sinubukan ko na pigilan itong istrangherong pakiramdam na ito pero hindi ko nagawa. Lumala ito imbis na mawala.



“INIIWASAN mo ba ako, Astrid?”

“Huh? Bakit naman kita iiwasan?” Malamang, bobong to. Hindi ba halata?

“Kasi umamin ako. Karamihan naman sa babae ay umiiwas sa lalaki na umaamin sa kanila.” Yup, umamin siya sa akin pero hindi sa personal. Sinulat niya sa papel at inutusan ang kaibigan niya para iabot yon sa akin.



LIMANG BUWAN. Limang buwan ipinilit sa akin ni Gabriel ang sarili niya.

“Gabriel.”

Inangat niya ang ulo niya mula sa pagkakayuko at tumitig sa akin ang inaantok niyang mga mata.

“Ulitin mo nga ulit yung tinatanong mo sa akin dati.”

Umupo ito ng maayos. “Astrid Garcia, can I be your boyfriend?”

Ngumiti ako, “yes, you can.”



NAG-IBA NA SIYA. Wala pa kaming isang linggo, ramdam ko na kaagad na hindi ako ang priority niya, kundi ang mga barkada niya.

Barkada, laro, gala. Yan ang mga mortal kong kaagaw sa boyfriend ko. Noong ipinipilit niya pa lang ang sarili, hindi niya kaya na hindi ako gambalain kahit isang araw pero ngayon, nagagawa niya na.




NAG-ISANG linggo na kami at ganon pa rin. Hindi na ako natutuwa sa inaasta niya at hindi kayang tanggapin ng puso't kaluluwa ko na nakakaya niyang gawin yon sakin. Hindi ko matanggap ang naging pagbabago niya at kahit na kailan ay hindi ko yon matatanggap.

So I decided to call his number. “Hernandez, are you free today?” Labag sa loob ko na tawagin siya sa apelyido niya dahil kahit minsan ay hindi ko siya tinawag sa apelyido niya.

“May gala kami ng tropa. Next time, lods.” And then he hunged up.

Saltiness went running down my cheek as another memory crept into my mind. He never hunged up on me. Palaging ako ang nagpapatay ng tawag dahil ayaw niyang patayan ako ng telepono.

Well I guess time really change things, huh?

Napailing na lang ako at pinunasan ang mga luha na nagpapalabo ng paningin ko habang nagtatype ng message para sa kanya.

Kalayaan naman pala ang gusto mo, bakit kinulit mo pa ako? Sayo na yang kalayaan mo, akin ang peace of mind ko.

Gabriel Hernandez, hinding hindi kita mapapatawad at hinding hindi ko matatanggap ang ginawa mong pagtrato sa akin matapos mong makuha ang gusto mo.

~~~~

“Astrid, you're spacing out again.” Napabuntong hininga si mommy, “is there a problem?”

Ngumiti ako at bahagyang umiling. “I just remembered something. Where are we?”

Mom motioned her hands towards the meat section. “What meat do you want?”

Nakapameywang akong humarap sa mga karne. “Hmm… yung drumsticks na lang, mom.”

Dinampot yon ni mommy at pumila na kami sa cashier. Nang mabayaran ang mga pinamili ay ako na ang nagtulak ng pushcart.

Nang papalabas na ako sa pintuan ng grocery store ay saktong may matangkad na lalaki ang pumasok. Kaagad na nakilala ng utak at ng puso ko ang taong yon at hindi ko na kailangan pa na lumingon para siguruhin ang hinala ko.

Sa amoy pa lang. Kilalang kilala ko ang amoy na yon. Sa amoy pa lang at sa kakaibang tibok ng puso ko, hindi ko na kailangan pa lumingon para alamin at siguruhin. Alam ko na siya yon.

“Hala may nakalimutan akong bilhin.” Binalingan ako ni mommy, “Astrid, mauna ka na sa sasakyan.” Sinundan ko ng tingin si mommy at nahagip ng paningin ko ang lalaki na nakasalubong ko nung palabas ako sa grocery.

Siya nga. Siya lang at walang iba. Nag-iba ng bahagya ang itsura niya pero kilalang kilala ko siya.

The only person who had my heart captive. The one who made me suffer alone all these years. The one and only reason for my sleepless nights.

His name is Gabriel Hernandez. My ex-boyfriend 5 years ago.

BEGIN AGAINDove le storie prendono vita. Scoprilo ora