03

31 3 0
                                    

“Ashie, paabot naman ako ng chocolate chips.” Kaagad ko na inabot ang hinihingi ni Mommy dahil yon ang silbi ko dito. Kasalukuyan kasi siyang gumagawa ng cookies at ako ang assistant niya na taga-abot ng kailangan niya.

“Mommy sino po ba yung pupunta dito?” Tanong ko nang hindi ko na napigil ang sarili na mag-usisa.

“Ah, yung bestfriend ko. May anak yon na lalaki na sa tingin ko ay kaedaran mo lang,” tinaas-baba ni mommy ang dalawa niyang kilay sa akin.

Napailing ako sa inasta niya. Naku, Mommy. Kahit na sinong lalaki pa yan, balewala lang dahil may nagmamay-ari na nitong puso ko.

What nonsense am I spitting out?! Malamang ay dala ito ng hindi ko pagtulog ng maaga. Tama-tama. Let's leave it that way.

“Pero Mommy, bakit mo naisip na cookies na lang ang gawin para sa kanila?”

Nagkibit balikat ito. “Iyon lang kasi ang naiisip ko na babagay sa gatas. Mahilig kasi sa gatas yung babaitang iyon eh.”

Pwede din naman ata yung cupcake sa gatas. Pero bakit kasi gatas ang ipapainom?

Iniwanan ako ni mommy sa kusina nang may nag-doorbell kaya pinanood ko na lang ang unti-unting pag-alsa ng cookies na nakasalang sa oven. Umalsa ito tapos biglang iimpis kasabay ng paglabas ng usok. Ang galing!

Nang tumunog ang oven na senyales na tapos nang lutuin ang nasa loob nito ay dali-dali kong binuksan ito. Nang mabuksan ay deretso hawak ako sa tray kaya napahiyaw ako dahil sa init ng tray at dahil na rin sa gulat.

“Ashie, okay ka lang?” habol ni mommy ang hininga niya, malamang ay nagmamadali siyang puntahan ako.

“Yes, 'my. Napaso lang.”

“Okay lang ba siya?” dinig ko na tanong ng boses ng babae mula sa sala. Iyon na siguro yung kaibigan ni mommy.

Dumampot ako ng mittens saka inilabas ang tray na galing sa oven at inilipat ang mga cookies sa isang malaking tasa.

Hinawakan ko sa kaliwang kamay ang malaking bowl na puno ng cookies habang marahan ang paglalakad at nakatitig sa namumula kong kamay dahil sa pagkakapaso.

Napanguso ako dahil sobrang pula nito. Inilapag ko ang bowl sa center table na nasa dining area at hindi na nag-abala pa na tingnan ang mukha ng mga bisita.

Nang mailapag ko ang bowl ay umayos na ako sa pagkakatayo pero kaagad kong nasinghot ang amoy ng pamilyar na pabango. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko pero alam ko naman na hindi ako kinakabahan. Saan naman ako kakabahan? Ano pa ba yung pwedeng maging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso?

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naamoy ko na pabango. Maybe my mind is just playing tricks on me again.

Tumalikod na ako sa mga bisita namin dahil balak ko na tumambay na lang sa kwarto ko pero tinawag ako ni mama. “Ashie baby, pwedeng dito ka na lang muna, please?” 

Wala akong nagawa kundi ang umupo sa couch. Pagsayad ng pwet ko sa malambot na couch ay hindi sinasadyang napasulyap ako sa mga bisita ni mommy. Sulyap na nauwi sa titig.

Nakayuko ang lalaki na kasama ng bisita ni mommy kaya hindi ko gaanong makita ang mukha nito. Bahagyang napaawang pa ang aking mga labi nang mag-angat ito ng ulo at ibinaling sa gawing kaliwa niya.

Nakaawang ang mga labi ko kasabay ng bahagyang panlalaki ng aking mga mata. Gago? Imbis na mag-iwas ay lalo ko lang itong tinitigan. Hoping na magbabago ang itsura ng tao na ito sa paningin ko dahil baka pinaglalaruan lang ako ng mata ko.

My breathing hitched when he faced me, he smirked. What the hell?! Anong ginagawa ng tampalasan na ito dito?!

His playful eyes settled in mine while he's smirking habang ako ay nakatitig din sa kanya pero matalim ang titig na binigay ko dito.

Nag-iwas ako ng tingin nang magsalita si mommy. “Ashie baby, siya yung bestfriend ko at yung kasama niya naman ay anak niya.” Nakangiti si mommy na nagsasalita pero ramdam ko na may laman ang mga ngiti na iyon.

“Hello po,” bati ko at bahagya pa na yumuko.

Ngumiti ang babae sa akin, “ang gandang bata. Ikaw ba ay may boyfriend na?”

“Walang boyfriend iyan. Wala pa ngang pinapakilala sa akin yan eh.” Mommy naman eh paano ko mapapakilala sayo eh hindi nga ako na-trato ng tama.

Muling ngumiti ng pagkatamis-tamis ang kaibigan ni mama. “Bagay kayo nitong anak ko.”

Narinig ko ang pagkasamid ni Gabriel dahil umiinom ito ng orange juice na tinimpla ni mommy kanina.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng dalawang babae sa akin at kay Gabriel na umuubo pa rin. Hindi na nag-abala pa na tapikin ng mommy niya ang likod niya. Hay, kawawa naman.

“Astrid, may lalaking naghahanap sayo sa labas.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ate Yolly, ang kasambahay namin.

“May inaasahan ka bang bisita?” Umiling ako sa tanong ni Mommy.

“Labasin mo na at mainit doon, kawawa naman.” Puno ng pagtataka akong tumayo para tingnan ang sinasabi ng kasambahay namin. Nang makita ang bitbit ng tao na yon ay tumakbo ako papalapit.

“Salamat po.” Kaagad naman itong tumango sa akin saka tumalikod at naglakad paalis. Dineliver sa akin yung inorder ko kahapon lang.

Naglakad ako papasok sa bahay para tumambay sa kwarto ko na may ngiti sa labi. Excited na akong buksan ito!

Kaagad kong isinara ang pinto ng kwarto ko nang makapasok ako. Tumalon ako pasampa sa kama ko saka binuksan ang hawak.

“Ahh!” Niyakap ko ng mahigpit ang plushie na hawak. Ang lambooott!!

Nagtataka akong bumaling sa pintuan ng kwarto ko nang bumukas ito. Pumasok ang ulo ni mommy at sumilip mula sa awang ng pintuan.

“Bumalik ka doon sa baba.” Yakap ang plushie, sumama ako kay mommy bumaba nang nakangiti.

Nang makaupo ako ay pinagsalikop ng mommy ni Gabriel ang mga kamay nito. “Bridge, dito ka nga sa tabi ko.” Lumipat naman si mommy. “At ikaw, Gab, tabihan mo si Astrid.”

HA?!?!?!

Teka nga, pumayag ba ako?!

Bago pa ako makaalma ay umupo na siya sa tabi ko pero nag-iwan siya ng space na kasya ang isang tao sa pagitan namin.

Napakamot ang mommy niya sa ulo. “Usod, Gab.” Umusod ang lalaki palayo. “Palapit, Gabriel.” Wala nang nagawa ang lalaki kundi ang lumapit. Magkadikit ang mga hita namin maging ang braso. Hinigpitan ko na lang ng kaunti ang pagkakayakap na plushie na hawak dahil naiilang ako.

Napayakap ang dalawang babae sa isa't isa. “Bagay na bagay ang mga anak natin, Bridge!” Nagpunas pa ng luha ang mommy ni Gab.

“Para silang ginawa para sa isa't isa!”

Napailing ako sa aking isip. Kung alam niyo lang kung ano ang ginawa nito sa akin.

“Mag-date nga kayong dalawa!”

“Hindi ko kakayanin kapag may ipinakilalang ibang lalaki itong si Astrid.”

“Kayong dalawa na lang!”

Putanginaaaaaaaaaa!!!!!!!

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon