15

28 2 0
                                    

Isang linggo na mula noong umalis sila mommy para sa business trip pero hindi pa din sila nakakabalik. Isang linggo ko na rin tinitiis na makasama si Gabriel sa iisang bubong.

Nakakatuyo siya ng dugo kahit na palagi naman siyang nakakulong sa kwarto niya. Kapag kasi lumalabas siya, para siyang apoy, pinapakulo ang dugo ko.

Emerald green satin chemise laced nightgown ang suot ko at hindi niya ako pinakialaman. Palaging laced nightgown ang suot ko kahit na umaga pa lang at hindi niya ako pinakialaman kaya nagkulong na lang siya sa kwarto niya.

Tumunog ang phone ko at kaagad ko na kinuha yon. Aba, tumatawag ang kaibigan ko na madalas out of reach.

“Yo, wassup, Ashineng. Any update?” Bungad nito sa akin. Tamo tong babae na to, bihira na nga magparamdam, update pa ang nais.

“Ampunin mo nga ako,” sabi ko saka nahiga sa sofa na nagpalislis sa maiksing nightgown na suot.

Natawa naman ito, “anong oras ba ang flight na gusto mo? Maaga o bandang hapon?”

Namilog ang mata ko at napaawang ang labi. “Seryoso ka ba?”

“Uh-huh.” Alicia clicked her tongue, “ano, pili na habang may signal pa ako at makapagbook ako ng ticket mo.”

“Yung maaga,” I chirped.

“Forward ko sayo yung e-ticket mo maya-maya.” Pinatay niya ang tawag kaya napatakip ako sa mukha at nagpapadyak kahit nakahiga pa rin sa sofa.

Mamumundok ako!

Napatigil ako sa paglilikot nang may tumikhim. Inalis ko ang takip sa mukha at bahagyang bumangon para makita yung istorbo.

“Wala ka bang ibang damit na pwedeng isuot?” kunot noo na tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa katawan ko, partikular sa hita ko na hindi na natatakpan ng damit na suot dahil sa ginawa kong paglilikot.

“Ano ba problema mo sa suot ko?” Asar na tanong ko.

He took small, threatening steps towards me. “Lalaki ako, Astrid. Do you expect me to not care regarding what you wear?” He motioned his hand on my body, as if asking me to see what I look like. “My patience is running thin already. I am not so much of a gentleman like what you think,” he paused and stared deeply into my eyes. “I might forget how to be one if you continued being like that.”

Napaamang na lang ako nang iwan niya ako sa sala. “Is that a fucking threat?” pasigaw na tanong ko dahil paakyat na siya sa hagdan. Napahinto lang siya pero hindi sumagot o lumingon man lang.

Pakialamero. Bwisit! Bumangon ako at binuksan ang TV para maghanap ng palabas pero bumukas ang pintuan at pumasok doon sila mommy, kasama ang mga magulang ni Gabriel.

“Ashie baby,” niyakap ako kaagad ni mommy. Wrong timing ang dating. Ganito ang suot ko. “Ang ganda-ganda mo sa suot mo!”

Humiwalay sa akin si mommy at lumayo saka pinagkatitigan ako. Putanginang timing to. As if on cue, something warm is placed on my shoulder, covering my body.

“Pasensiya na po at naabutan niyo ang anak niyo na nakasuot ng ganyang damit. She's throwing tantrums at ayaw po magpalit kaya wala po akong nagawa.” Lumaki ang butas ng ilong ko dahil sa narinig.

Ano? Ako? Nagta-tantrums?!

Napatakip si mommy sa bibig niya habang napatili naman si tita Elena. “Sinubukan niyo ba gumawa ng bata?”








Sa wakas, peace of mind na ulit. Matagal pa bago sila umalis pero ang tagal ng hinintay ko ay napawi nang mapalitan iyon ng labis na tuwa. Sa wakas, wala nang istorbo.

Nakatanggap ako ng email galing kay Alicia. Nandoon ang e-ticket ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang araw at oras ng flight ko. Bukas kaagad!

Dali-dali akong bumangon at kumuha ng maleta. Pinili ko mula sa damitan ko ang maninipis na tela lang ng damit para hindi ako mahirapan magbuhat.

Nang matapos ay inilagay ko sa ilalim ng kama ang maleta ko at nahiga ulit. I should be off by five in the morning para siguradong hindi nila ako makikita.

Napabuntong hininga ako. There's no turning back. All my life, ayoko na masaktan o ma-disappoint ang mga magulang ko sa akin. Ayaw ko sila makitang umiiyak, ayaw ko makita na dismayado sila.

This time's different. Ako naman muna. Sarili ko muna dahil para na akong mababaliw.





I chose to be selfish. Few minutes before the clock strikes five in the morning, umalis na ako sa bahay dala ang maleta ko. Aalis ako at magpapakalayo-layo nang walang ibang nakakaalam bukod sa amin na magkaibigan.

Eight in the morning pa naman ang flight ko papunta ng Negros Oriental pero umalis ako ng maaga para hindi nila ako makita. I don't want to be selfish but I see this as an escape, an opportunity to let myself breath.

Nakakasakal ang sitwasyon ko na hindi ko alam kung saan ako lulugar pero mas nakakasakal ang asarin ka sa ex mo na mahal mo pa rin.

Hindi traffic kaya maaga akong nakarating sa airport. Doon na lang din ako kumain para magpalipas ng oras hanggang sa dumating na nga ang oras ng flight ko.

Na-assign ako sa seat na katabi ng bintana, ang upuan na pinapangarap ng lahat na mapwestuhan. Pagka take off ng eroplano ay pakiramdam ko, humiwalay sa akin ang kaluluwa ko.

Tumingin ako sa bintana at napagtanto na mabilis ang naging pagtaas ng eroplano na sinasakyan ko. Hindi nagtagal ay naging stable ang lipad nito, kasabay ng pagiging palagay ng loob ko.

Wala na ang guilt na nararamdaman ko kanina noong lumabas ako ng bahay. Ang tanging nararamdaman ko lang ay saya, at pag-asa. Masaya dahil nakalaya kahit na walang kasiguruhan kung gaano katagal, at pag-asa na magagawa kong buoin ang puso ko na matagal nang wasak dahil sa ginawa niya.

Inabot ng mahigit isang oras ang flight ko at ang sumalubong sa akin ay init na mula sa araw. Kaagad kong nakita si Alicia na naghihintay sa akin kaya tumakbo ako palapit sa kanya habang hila ang maleta ko.

“Anong nararamdaman mo ngayon na nakalayo ka?”

Ngumiti ako ng malaki at nag-thumbs up. “Masaya! Masayang masaya!”

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. “Walang pagsisisi?”

Umiling ako.

Ngumisi siya sa akin saka pinagdaop ang mga kamay at inilagay yon sa tapat ng kanyang dibdib saka nag puppy eyes. “Hindi naman sa pinag-o-overthink kita pero…” pinagdikit niya ang kanyang labi, “what if puntahan ka ni Gabriel dito?”

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon