20

38 1 0
                                    

Parang minamartilyo ang ulo ko nang magising ako. Bukod sa ulo ko na parang pinaghihiwalay sa sobrang sakit, pati ang katawan ko ay masakit rin, lalo na ang balakang ko.

Ipinalibot ko ang tingin sa buong kwarto, maayos ito at mahahalata na kwarto ito ng lalaki dahil sa kulay ng pintura, gray at dark gray. Maski ang amoy ng buong kwarto ay pamilyar sa akin.

Ano ba nangyari kagabi?

Bago ko pa masagot ang sariling tanong ay bumukas ang pinto ng kwarto na kinaroroonan ko at pumasok si Gabriel.

Babaliwalain ko na sana iyon at muling pipikit nang mag-sink in sa akin ang nakita. Biglaan akong napabangon at tumukod sa kama para suportahan ang bigat ko, kasabay ng pag-ikot ng paningin ko.

Gago bakit nandito to?!

“Anong ginagawa mo dito?!” bulyaw ko bago pa siya makalapit sa akin.

Kumunot ang noo niya at itinagilid ang ulo, “kasi kwarto ko ito?” patanong na sagot niya.

Napa-awang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Kwarto niya…? Anong ginagawa ko dito?!

Pikit ang isang mata ko nang dahan-dahan kong itinaas ang kumot at silipin ang suot ko. Halos lumaglag ang panga ko sa sahig nang makitang iba na ang damit na suot ko.

Naka-pajama na ako at malaking damit. Anong pinag-gagawa ko kagabi?!

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Gabriel na nakakunot ang noo sa akin. “Anong ginawa mo sa akin kagabi?” deretsong tanong ko.

Nanatili naman itong walang imik habang nakatitig sa akin.

His silence made my mind wonder. The silenced he answered to my question made me think of unholy things. Lalo na yung sakit ng balakang ko.

For a moment, he's just stating at me, unmoving. And when he finally spoke, it brought me a little relief. “Hindi mo maalala?” he asked.

Umiling ako na ikinabuntong hininga niya lang. “Masakit ang balakang ko.”

Tinaasan niya ako ng kilay, “wala akong kasalanan diyan. Masyado ka kasing malikot kaya ilang beses ka bumagsak sa sahig.”

Napanganga ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig. “At hinayaan mo lang yon?”

Umismid ang mapupula niyang labi, “hindi. Pero dahil sa sobrang likot mo ay hindi na kita nagawang pigilan.”

At kasalanan ko pa? Siya itong lalaki!

“What did I do last night?”

His brows are furrowed, almost touching then he speak, “you were clinging to me as if you don't want to be away from me even just an inch.”

WHAT. THE. FUCK.

Is he freaking serious?!

“Sayaw ka ng sayaw.” No, that's not true. “You were talking in your sleep.”

Hesitant, I asked, “what am I saying?”

Ngumiti siya pero hindi yon umabot sa mga mata niya, “you're cursing me even in your sleep.”

Shit...

Pinag-krus ko ang braso sa harap ng dibdib ko. “Ang suot ko, paano mo ipapaliwanag?”

“Nakapikit ako,” agad na depensa niya.

I gritted my teeth, “seriously? That's not the answer to my question!”

Nararamdaman ko na ang kuko ko na bumabaon sa aking palad dahil sa mahigpit na pagkakakuyom ng kamao ko.

He cleared his throat, “you don't look comfortable sleeping on that clothe.” Tinaasan ko lang siya ng kilay kaya muli siyang nagsalita. “Fine, fine… Hindi ko sinasadyang masagi ang tiyan mo kagabi nung binibihisan kita habang nakapikit.”

Nagtagis ang ngipin ko at mas lalong dumiin ang kuko ko sa palad ko. “Fuck you.”

“You should thank me, Astrid.” Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at huminto nang nasa paahan na siya ng kama. “Kung ibang tao ako, malamang ay may nagawa na ako sayo habang tulog ka. Lalo na nung ayaw mong humiwalay sa akin.”

Napalunok ako sa intensidad ng titig niya ngunit hindi ko rin naman magawang umiwas.

“Pasalamat ka dahil mahaba ang pasensya at ang pagtitimpi ko—”

“Stop. Tama na,” pagputol ko sa sasabihin niya pa. “Ayoko na marinig pa ang sasabihin mo. Ayaw ko na malaman.”

Tinaasan niya ako ng kilay, “hindi pa ako tapos.”

“Huwag mo na tapusin. Sa paliwanag mo pa lang sa sakit ng balakang ko, hindi na ako naniniwala.”

Pagak itong natawa at naupo sa kama, “bakit? May iba ka bang inaasahan sa pagsakit ng balakang mo?”

Mabilis kong nakuha ang unan sa gilid ko at hinampas yon sa nakaka-asar niyang pagmumukha. Napakasama ng tingin niya sa akin pagkatapos non.

“Nakakainis ka! Ayaw ko makita ang pagmumukha mo!” I jumped out of his bed and marched to get out of his room.

I am fuming mad while he's happily following me. The thought of him happily following me, makes my blood boil even more.

Walang tao sa sala nila kaya nilingon ko siya. Nakita ko ang sinusupil niya na ngiti at ang namumula niyang tenga. “Uwi ka na?” tanong niya.

“Ihatid mo ako tapos huwag ka nang magpapakita sakin. Nakakairita ka. Kapag naihatid mo na ako sa amin, huwag mo na iharap sa akin ang pagmumukha mo.” His expression didn't change even a little. May itinatago pa rin siyang ngiti at hindi ko mapigilan ang sarili ko na gustuhing alisin yon sa mapula niyang labi.

Sandali akong napahinto sa paglalakad palabas sa bahay nila nang biglaang kumirot ang ulo ko. Kaagad niyang nahawakan ang braso at bewang ko para alalayan ako at hindi matumba.

Nang nakabawi na ako sa hilo ay inis ko siyang tinabig palayo sa akin. Naglakad ako papalapit sa kotse niya at pagbubuksan ko na sana ang sarili ngunit naunahan niya ako.

Bwisit. Parang walang pakiramdam si Gabriel! Inis na inis na nga ako, nananadya pa talaga!

Nang huminto ang kotse sa tapat ng bahay namin ay nagsalita siya, “wala ang mommy mo sa inyo. Nasa plaza sila ni mommy.” I give him a 'really' look and opened the car door.

Bago ko maisara ang pinto ng kotse niya ay nagsalita siya, “one call away lang ako kung biglang sumama ang pakiramdam mo at kailangan mo ng taga-alaga.”

I take a deep breath. “Why are you doing this?” I asked. I can't help but to be confused by his actions. Now that our parents know what really happened between us back then, it doesn't looked like they forced him.

“Why am I doing this?” marahan niyang tanong. Napabutong hininga siya at sumandal sa upuan ng kotse habang nakatingin sa akin. “I care about you, Astrid.”

“I wish you weren't.”

Bumakas ang pait sa magandang pares ng mata niya ngunit hindi siya natinag sa sinabi ko. “Hindi ko alam kung paano ako babawi sa'yo, Astrid. I may not look like it, but I do. I am trying to get you back.”

Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

“Sinasabi ko sa'yo dahil sa tingin ko ay hindi mo nahahalata sa kilos ko. Hayaan mo akong makabawi, Astrid.”

Pabalibag ko na isinara ang pinto at walang lingon na naglakad papasok sa bahay.

Pinunasan ko ang luha na tumulo pababa sa pisngi ko at napatingala para pigilan ang iba pa.

Babawi, huh?

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now