02

39 5 0
                                    

“Astrid?” Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang mahinahon na boses ni Daddy.

Nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko saka sumagot. “Yes, dad?”

Sumulyap siya kay mom, “is there a problem? Maybe we can help, anak.” Napa-awang lang ang labi ko at walang salita na nabuo sa isip ko. “Napansin kasi ni mommy mo na late ka na nakakatulog at madalas ka na tulala.”

“Wala naman po,” pagsisinungaling ko.

Simula naman ng dumating sa buhay ko yung pesteng lalaking iyon ay hindi na ako nawalan ng problema. Isa siyang matangkad na problema.

“If there's any at hindi mo masabi sa amin ngayon, you can tell us whenever you are ready, okay?” Tinanguan ko lang si mommy dahil sa sinabi niya at ipinagpatuloy ko ang pagkain.

“Sleep early tonight, Ashie. Pupunta tayo sa lugar na alam kong magugustuhan mo. Sa pulong kabyawan.”





Bumaling ako sa orasan na nasa bedside table. 10 pm na at hindi pa din ako tulog. Hindi nakatulong ang sinabi ni Daddy na sleep early daw dahil lalo lang na-excite ang kaluluwa ko.

I've done my research about the place and bukid ito! Other than that, malayo ito sa kalsada so I assume na tahimik sa lugar na yon.

Ahh… Finally. Kapayapaan kahit sandali lang.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na ngumiti habang iniisip ang lugar na iyon. Isang tahimik na bukid, malayo sa ingay at gulo. Sana lang ay mapakalma nito pati ang puso ko na pagmamay-ari pa rin ng iisang tao.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip tungkol sa lugar na iyon, sa tahimik at malawak na bukirin, sa malayong kalsada. Sa bawat detalye, sa bawat imahe, nararamdaman ko ang excitement. Hindi na ako makapaghintay! Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.






Mahaba ang biyahe papunta doon pero hindi ako umidlip. Nakasanayan ko na kasi na tumitingin sa daanan kada aalis kami.

Nang makarating kami sa lugar ay tama nga ang mga hinala ko. Tahimik at mapayapa nga rito at kahit na saglit ay naramdaman ko ang kapayapaan mula sa kalooban ko.

Tunay na kapayapaan. Hindi yung kapayapaan na akala kong nakamit ko na nitong mga nakaraang taon.

Naupo ako sa duyan na nakatali sa pagitan ng dalawang matataas na puno at tumingin mula sa malayo.

Ito pala ang pakiramdam ng kalayaan. Magaan at payapa sa kalooban. Humiga ako sa duyan at tumingin sa asul na kalangitan na naging hudyat naman ng utak ko para magpadala ng realization na nakapagpagimbal sa kaluluwa ko.

All these years, after all of the attempts of moving on…

I failed.

Hindi pa ako nakakamove on kahit na napakatagal ko nang sinusubukan. Kahit na kaunting progress sa moving on ay wala.

No, I shouldn't be thinking about him. Nandito ako para sa sandaling kapayapaan. Hindi para tulungan ang utak at puso ko na alalahanin siya.

Pero hindi ko na muling magawa na patahimikin ang utak ko.

Sinenyasan ako ni Daddy na lumapit dahil kakain na kami at agad naman akong lumapit dahil nagugutom na rin ako. Meron palang cafe malapit sa tinatambayan ko, hindi ko napansin kanina.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may tumawag kay mommy. Kaagad niya itong sinagot.

“Elena!” tili ni mommy habang nakatutok sa cellphone niya.

“Bridget!” tili din ng kausap ni mommy. “Pupunta ako sa inyo bukas, ipaghanda mo kami ng makakain.”

“Kami?” tanong ni Mommy. “Sino ang isasama mo?”

“Ay, ito naman. Syempre yung anak kong lalaki!”

Patuloy lang akong nakikinig sa usapan nila habang kumakain. Sino kaya itong kausap ni mommy? Ang alam ko lang ay yung pangalan, wala na akong ibang idea kung sino siya.

Tingin ko naman sobrang close sila ni mommy dahil sa paraan pa lang ng pag-uusap nila, mahahalata mo na kaagad na may malalim silang pinagsamahan.

Pasimple akong sumulyap kay Daddy na kumakain at pansin ko na nakikinig din ito kay mommy at sa kausap nito.

Tinapos ko ang pagkain at naglakad-lakad. Umakyat ako sa second floor ng sa tingin ko ay  pahingahan dahil may upuan ito. Salong salo ng balat ko ang sinag ng araw dahil walang bubong sa second floor pero hindi naman masakit sa balat ang tama nito. Kita mula sa itaas ang malawak na bukirin, pati ang mga kalabaw at mga magsasaka ay kita mula dito.

Ang payapa ng paligid. Sadyang ako lang itong hindi matahimik. Lumapit ako sa harang ng second floor at itinukod ang aking mga braso saka ko pinagmasdan ang paggalaw ng mga palay na nakatanim. Sumasayaw ito sa ihip ng hangin at maririnig mo ang mahinang tunog ng pag-untugan ng mga dahon nito.

Ngayon na nakatanaw ako sa payapang paligid, ramdam ko ang pagod. Pagod na lokohin ang sarili. Bakit ngayon pa ako sinampal ng katotohanan na niloloko ko lang pala ang sarili ko?

Akala ko tapos na ko sa kanya. Pero bakit kahapon nung nasalubong ko siya, saka lang ko lang naisip na niloloko ko lang ang sarili ko?

Dinukot ko ang phone ko mula sa bulsa at tinipa ang pangalan ng tao na hinding-hindi ko mapapatawad kailanman.

Kaagad na bumungad sa akin ang account niya. The account is just in the end of my fingertip, I last visited it the day I broke up with him para lang i-unfriend siya.

Pagkatapos non ay wala akong narinig na kahit ano sa kanya. Walang pagtutol, walang chat sa akin na nagtatanong kung bakit ko yon nagawa. Literal na wala kahit ano.

After breaking up with him, wala na akong naging balita sa kanya. As if he vanished in thin air at ngayon lang muling nagpakita.

I decided to get through my hesitation. I clicked his account which is private and the only pictures I can see here is his profile photos and cover photos.

Ang gwapo niya pa rin sa paningin ko. Gwapo pero pangit ang ugali at hindi consistent, hindi rin alam kung ano ba talaga ang dapat i-prioritize at higit sa lahat, HE DOESN'T EVEN KNOW WHAT HE REALLY WANT. I mean, it's normal na hindi mo alam kung ano talaga ang gusto mo pero yung mandadamay ka ng ibang tao sa ka-miserablehan ng buhay mo ay hindi katanggap-tanggap.

Nag-swipe up na ako sa wall ng account niya nang biglang manlaki ang mga mata ko dahil aksidente kong napindot ang add friend button. Ika-cancel ko na iyon nang bigla niya akong i-accept.

Putangina!

May sumulpot na chat head sa gilid ng phone ko pero kulay puti pa lang ito at ang chat na lumabas kasama ng bilog na chat head ay,

'zup, missed me?

Nang lumabas na ang profile picture ng chat head ay nanlaki ang mga mata ko dahil galing yon kay Gabriel! Handa na akong patayin ang data ko nang bigla siyang tumawag.

Shit!

Walang pagdadalawang isip kong idinecline ang tawag niya saka ako nag offline. Ibinalik ko sa bulsa ko ang phone at muling ipinatong ang braso sa harang saka tumulala sa malawak na bukirin.

Just… what the fuck happened?

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now