10

26 3 0
                                    

Lumabas ako sa banyo na bathrobe lang ang suot. Binuksan ko ang closet at inilabas doon ang mga panloob na gagamitin ko, beige tailored blazer, at v-neck spaghetti strap black midi dress.

Nag-blow dry ako ng buhok at hinayaan iyon na nakalugay. Naglagay ako ng bb cream sa mukha at leeg saka nag liptint saka naglagay ng light lang na eyeshadow.

Isinuot ko na ang mga damit na inilabas at hinugot sa lagayan ng mga sapatos ko ang black stiletto na halos 5 inches ang taas.

Dinampot ko na ang susi ng kotse pati maliit na bag at bumaba na.

“Bye, mom!” Sigaw ko kay mommy na nasa kusina saka ako nagtungo sa garahe para sa kotse na gagamitin ko.

Medyo malapit sa bayan ang kumpanya ni Ate Clara kaya naman hindi ito mahirap hanapin. Nang makarating ako ay ipinarada ko ng maayos ang kotse na gamit.

Nakatingin lang sa akin ang babae sa front desk nang pumasok ako. Hindi na ako huminto pa sa kanya at dumeretso sa elevator at pinindot ang fifteenth floor kung nasaan ang office ni ate.

Pagbukas ng pinto ng elevator ay kaagad na napabaling sa akin ang babae na nasa lamesa malapit sa pinto ng office ni ate Clara.

“Good morning po. May appointment po ba kayo kay Ms. Hernandez?” Umiling ako at ngumiti ng maliit sa kanya.

“Pakisabi po sa kanya na nandito na si Ms. Garcia.” Tumango ang babae at nagsalita sa intercom.

Bumaling ito sa akin, “pasok na po kayo.” Tumango ako at pumasok sa nag-iisang pinto.

“I'm glad you didn't backed out,” magkadaop ang kanyang mga kamay habang seryosong nakatingin sa akin ngunit may maliit na ngiti sa labi.

Nagkibit balikat ako. “Honestly, I thought of this as an escape.” Naitikom ko kaagad ang bibig nang mapagtanto ang mga sinabi ko. Tumaas ang isang kilay ni ate sa akin. “Memories that were made 5 years ago still haunts me,” pagpapatuloy ko, umaasa na ibang bagay ang maiisip niya.

Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang tumango-tango ito. “Yung mesa doon sa gilid, doon ka. Basta kapag bet mo yung designs, approve mo.”

Naglakad na ako papalapit sa mesa na may mga nakapatong na folder at nagsimula na pag trabaho.

Tinitignan ko ng mabuti ang design bago ako magdesisyon kung tatatakan ko ba ito ng approved. Narinig ko na bumukas ang pintuan ng office at may kumausap kay ate Clara na lalaki. Nag-angat ako ng tingin nang makaramdam ng ngalay sa batok.

Napatingin ako sa lalaki na nakaupo sa couch at kaharap ni ate Clara. Itim ang buhok nito at may hikaw sa isang tenga, mapula ang labi nito, makapal ang kilay. Naramdaman ata nito ang pagtitig ko dahil lumingon ito sa akin.

Nakangisi ito habang nakatitig sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at bumalik na muli sa pagtatrabaho.

“Sino yon?” rinig ko na tanong niya kay ate Clara.

“Back off, Napoles. Sa kapatid ko yan.” So Napoles pala ang apelyido nito. Friend kaya sila ni ate Clara sa facebook?

Umingos ang lalaki. “Kailan ka pa naging territorial para sa kapatid mo?”

Hindi na sumagot si ate Clara sa lalaki. Nang lilimang folder na lang ang naiwan sa mesa ay nag-unat ako. Ang sakit ng batok ko.

Napaangat ako ng tingin nang may tumayo sa tapat ng mesa ko. Ang lalaki na kausap ni ate Clara kanina, nasa harapan ko at nakatitig sa akin.

“Ngayon lang kita nakita dito,” ika niya. “Pinapahirapan ka ba ni Clara?”

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Ate Clara. “Zacharius Napoles! Sinabing sa kapatid ko iyan!” singhal ni ate Clara. Natawa ang lalaki at lumabas na ng office. “Punyeta talaga yung lalaki na yon.”






Simula nang magtrabaho ako bilang assistant ni ate Clara ay bihira na sumagi sa isip ko si Gabriel at hindi rin niya ako pineste, sa bahay man o sa chats, messages and tawag. Wala kahit na ano, at pinagpapasalamat ko iyon.

Hindi niya ako inistorbo pero si mommy at si tita Elena ay kinukulit ako na makipagdate kay Gabriel at palagi din akong inaasar. Palagi nila akong tinatanong sa nararamdaman ko at palagi rin akong walang maisagot.

“Astrid, pinayagan ka ni Clara na magleave ngayon.” Ate Claraaaaa! Sa bawat leave na gusto ibigay sa akin, tinatanggihan ko lahat. Iyon lang kasi ang nakikita ko na palusot para hindi makasama si Gabriel at para wala silang oras na tuksuhin ako.

Nakabihis na ako dahil papasok na ako sa office pero naharang ako nila mama. Napatingin ako sa pinto nang pumasok doon si Gabriel na nakabihis at basang basa pa ang buhok. Halatang nagmadali.

“Tutal naman ay naka-leave ka ngayon,” bumaling sa akin ang mommy ni Gabriel. “Mag-date na lang kayo.”

“Oo nga, sayang naman at nakabihis na kayo pareho,” gatong ni mommy.

Napabuntong hininga na lang ako at lumingon kay Gabriel na matamang nakatitig sa akin. Pinagmasdan ko ng mabuti ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya, pantay ang paghinga niya.

Naglakad siya papalapit sa akin at inilahad ang kanyang kamay. Hindi ko alam ang nais niya iparating kaya binigay ko na lang sa kanya sling bag ko at kaagad niya naman yon na inilagay sa balikat niya. Hinawakan niya ang bewang ko at walang lingon kami na naglakad palabas ng bahay pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang impit na tili ng mga magulang namin.

Sa amusement park kami nagpunta at hindi ko nagawang rendahan ang sarili na umaktong close sa kanya. Ako ang nag-aaya kung saang ride kami sunod na sasakay. At sa madaling salita, nakalimutan ko ang galit ko sa kanya. Lahat ng galit na naipon sa kalooban ko, naglaho na parang bula.







NAWALA na ang galit ko sa kanya. Hindi ko alam kung nawala nga ba o natabunan lang dahil palagi ako naka-focus sa trabaho. Kahit na palagi akong nasa trabaho, hindi nawawala ang pang-aasar sa akin nila mommy.

Akala ko sanay na ako. Akala ko ay ayos na lang sa akin na asar-asarin nila ako kay Gabriel. Akala ko, wala na sa akin ang lahat ng iyon. Akala lang pala ang lahat.

Napapagod na ako. Napapagod na akong pakinggan lahat ng pang-aasar nila mommy sa amin. Nananakit na ang tenga ko kakapakinig sa mga iyon. At higit sa lahat… napapagod na rin ako.

Sa pagpapanggap na yon.

Ilang beses ko man ikaila sa sarili ko, pero ang labas lang ay indenial ako. Ayaw ko tanggapin dahil lalo lang akong mahihirapan lalo na sa lagay namin ngayon na niloloko lang naman namin ang mga magulang namin.

Hindi pa naman ako nakakamove on sa kanya pero ayoko na mas lumala ang nararamdaman ko. Sinasabi ng kilos niya na totoo lang yon pero nagkasundo kami na magpanggap at yon ang pinanghahawakan ko para pigilan ang nararamdaman.

Tumagilid na ako ng higa dahil nagbara na ang ilong ko kaiiyak. Patuloy sa pagluha ang mga mata ko habang ang unan naman ay tinutuyo ang mukha ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now