04

41 3 1
                                    

Sumasakit ang ulo ko sa dalawang babaeng iyon. Ireto ba naman ako sa ex ko! Oo nga at hindi naman nila alam ang nangyari dati pero tama ba na ireto ako sa anak ng kaibigan niya?!

Nakakaloka.

Kaaalis lang ng mag-ina dito sa bahay at sabi pa sa akin ng kaibigan ni mommy bago umalis ay, “mabait itong anak ko, gentleman ito.”

UWAAAAAHHHHH!!

Tita Elena, kung alam mo lang kung anong klase ang ugali ng anak mo ay hindi mo masasabi yan.

Napatigil ako sa pagwawala sa kama ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si mommy.

“Ashie, are you mad at mommy?”

Umiling ako, “no, mom. I could never. Why'd you ask?”

Dahan-dahan itong naglakad at umupo sa kama ko. “Kasi nireto kita sa anak ng kaibigan ko without asking you first.”

Ngumiti ako at umiling saka lumapit kay mommy na nakaupo pa din. “I don't know your reason for doing that, mom. But I'm not mad.”

“I'm just worried about you. Baka tumanda kang dalaga dahil hanggang ngayon ay wala ka pa ring pinapakilalang lalaki sa amin ng dad mo.” Mahina akong natawa dahil sa narinig.

“Mom, 22 pa lang ako. Bata pa ako.”

“Nasa tamang edad ka naman na. I'm just really worried kaya napagdesisyunan namin na magkaibigan na ireto ka namin sa anak niya. Single naman daw yon.”

Napailing ako ng bahagya. “Don't feel bad, 'my. Let us try. If it work, then good. If it doesn't, it doesn't.”

Lie. We will not work out because I will not even give it a chance. Why would I? Sinasabi ko lang naman iyon para hindi na ma-guilty si mommy.

Matapos ang pag-uusap namin at nakumbinsi ko na si mommy na hindi ako galit ay lumabas na ito sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako saka humiga sa kama. Mula sa pagkakahiga ay inabot ko ang cellphone ko saka nag-online para sana malibang kahit kaunti pero may pumasok na chat galing kay Gabriel.

Ayoko naman na hindi ito pansinin kaya binuksan ko ang chat head mula sa kanya.

Gabriel: Nirereto ka sakin, oh.

I gritted my teeth as annoyance overcome me.

Astrid: You can just shrug it off, you know?

Ilang saglit pa ay nagchat itong muli sa akin.

Gabriel: I cant :>

Hindi ko na ito ni-reply-an dahil ramdam ko na ang pagkulo ng dugo ko. At isa pa, wala namang patutunguhan ang pag-uusap namin kahit na mag-reply pa ako rito. Magsasayang lang ako ng panahon.

I put down my phone and closed my eyes, convincing myself to calm down even just a little. Pero hindi nangyari ang gusto ko. Memories came flooding down, waking up my soul from deep slumber.

Inabot ko ang phone ko nang tumunog ito. Someone's requesting a videocall. Nang makita kung sino ang tumatawag ay kaagad ko iyon na idinecline.

Muli itong tumunog pero pinatay ko lang ulit kaya nagchat na siya.

Gabriel: Sagutin mo.

Then he requested another call. Tamad ko iyon na inilapag sa kama saka ko sinagot kaya naman ang nahahagip lang ng camera ay yung kisame ng kwarto ko.

“Mad?” I pursed my lips upon hearing his deep voice that I haven't heard for a long time.

I mustered up my courage that still lies within me to make my voice steady. “About what?” I asked.

BEGIN AGAINDove le storie prendono vita. Scoprilo ora