14

29 2 0
                                    

Hindi. Ayaw ko. Ayaw ko umasa. Umasa na ako dati pero nadurog lang ako dahil doon.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita ang mata niya, ayaw ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya. Isang estrangherong emosyon lang sa seryoso niyang mga mata ay sapat na para linlangin ako.

“Astrid…” Ang pagsusumamo sa kanyang boses ay sinasakal ako ng husto.

"Sandali lang, Gabriel," sabi ko, ang aking boses ay medyo nanginginig. Ang pangalan niya ay isang sumpa na bumubuhay sa sakit na naramdaman at nagpahirap sa akin noon.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Ang kanyang boses, ang kanyang mga mata, ang kanyang presensya, lahat ng iyon ay hindi ko kayang tagalan.

“Mukha ba na peke ang lahat ng ito?” napasinghap ako ng hangin nang marinig ang pagkabasag ng malalim niya na boses. Huwag, Astrid. Kayanin mo. “Sa tingin mo ba peke ito?”

Hindi ako humarap, kahit na sulyap ay hindi ko nagawa. Ayaw ko makita ang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko kaya.

“Gusto ko na umuwi,” mahinang sambit ko.

Napabuntong hininga siya at mula sa peripheral vision ko at nakita ko ang paghampas niya sa manibela. Hindi rin nakatakas sa pandinig ko ang mahina ngunit malutong na mura niya.

Pasensiya na, Gabriel. I've suffered enough, ikaw naman sana ngayon, hindi ko na kaya pa na maghirap ulit. Ilang taon na akong naghihirap, ilang taon na akong durog na durog at hindi ko man lang magawang buoin ang sarili ko.

Ikaw naman ang dumurog sa akin pero bakit hindi ka naman mukhang naghirap ng ilang taon? Bakit ako lang? Bakit ako lang itong matagal na naghirap?




KUNG alam ko lang na masamang balita ang bubungad sa akin pagkagising ko, hindi na lang sana ako natulog magdamag.

“Ashie baby, your father and I will be on an out-of-country business trip, okay?” Hinimas ni mommy ang balikat ko. “The maids are also on leave kaya naman ang makakasama mo lang dito ay si Gabriel. May tiwala ako sa kanya kaya siya na lang ang makakasama mo dito habang wala kami.”

“Kaya ko ang sarili ko, mommy,” I insisted. “Saka may trabaho din ako.”

Mom shook her head. “Clara said you don't have works so it's okay for you to not go there for a while. As for Gabriel, I believe you need him.”

Yeah, need. I need him out of my life.

I sighed, wala na akong magagawa dahil malamang ay pinagkaisahan na naman kami ng mga magulang namin. Being with him in one roof can't be that bad, right? Right?!

Nang makaalis sila mommy ay napasalampak na lang ako sa sofa. Tanginang reto yan. Ang layo na ng narating.

Bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon, pumasok si Gabriel at may bitbit na duffel bag. Ayos, parang naglipat bahay.

“Saan kwarto ko?” tanong niya matapos ilapag yung bag sa sahig.

“Katabi ng kwarto ko.” Walang salita itong naglakad palayo sa akin. Rude. Parang hindi nabasag yung boses kagabi habang nakikipag-usap sa akin.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Bigla akong nag-crave sa iced coffee. Mabilis ko lang na inasikaso yon at bumalik sa pagkakaupo sa sofa at nanood sa tv.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang tumunog ang tiyan ko. Sana may stocks pa.

Laglag panga akong napatitig sa kitchen cupboards. Putangina saan napunta yung mga laman nito? Kung kailan nagugutom na ko.

Bumalik ako sa kwarto ko para kuhanin ang susi ng kotse dahil mamimili muna ako. Hindi naman pwede na order lang ang kakainin namin.

Mabilis lang ako sa grocery dahil kung ano ang makita ko, dinadampot ko na kaagad. Nagugutom na kaya ako. Pag-uwi naman ay inisang bitbit ko lang ang limang plastic ng pinamili ko.

Naabutan ko si Gabriel na nagbubungkal sa kusina. Napalingon ito sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Bumaba ang tingin niya sa mga hawak ko kaya dali-dali siyang lumapit at kinuha ang mga bitbit ko at ipinatong sa lamesa.

Binuksan niya ang mga plastic at isa-isang tiningnan ang mga yon. Ang ibang nakuha niya ay inilagay sa lababo para ihiwalay. Sa tingin ko ay magluluto siya kaya iniligpit ko na lang yung iba.

Nang matapos siya magluto ay sabay kaming kumain pero walang imikan. Wala ni isa sa amin ang bumasag sa katahimikan. Hindi niya na rin inungkat ang nangyari kagabi.

It's not that I am waiting na ungkatin niya ha.

Tinulungan niya akong magligpit ng pinagkainan namin at pagkatapos ay pumanik siya sa taas. Nilinis ko ang kalan saka nagsimula sa paghuhugas ng plato.

Halos kasisimula ko lang maghugas ng plato nang may maramdaman ako na presensya sa likod ko. Hindi ko na kailangan mag-isip kung sino ito dahil dalawa lang naman kami dito.

Tumabi ito sa akin at tinulungan akong maghugas ng plato pero napasulyap ako sa katawan niya. I hissed, “gago, magdamit ka nga doon!”

Tumaas ang kilay nito sa akin, “bothered?”

Napaatras ako at napaawang ang labi, hindi makapaniwala sa narinig. “Kailangan ba bothered muna ako bago ka magdamit?”

Umingos lang ito. “Huwag mo nga ako pakialaman. Hindi naman kita pinapakialaman eh.”

Napailing na lang ako. Ah, ganon. Okay okay.

Iniwan ko siya sa kusina at pinabayaan siyang maghugas doon mag-isa. Jusmiyo wala pa ngang isang buong araw kami na magkasama, natutuyo na agad dugo ko sa kanya.

Naligo ako at isinuot ang pagtulog ko kahit na tanghali pa lang. Mainit eh. Ano ba yung pantulog ko? Satin lingerie chemise nightgown with lace slip sleepwear. Hindi na ako nagbra dahil padded itong nasa akin.

Bumalik ako sa sala para manood ng tv at hindi na ako nag-abala pa na magpatong ng roba para matakpan ang balikat at cleavage ko na nakalitaw.

Sabi mo walang pakialaman, edi sige. Madali naman ako kausap eh.

Komportable akong naupo sa sofa at hindi siya nilingon kahit pa ramdam ko ang titig niya sa akin. Sabi niya kasi walang pakialamanan eh, ayan tuloy wala siyang nagawa.

Tumunog ang doorbell kaya tumayo ako para silipin pero inunahan niya ako. Nilingon niya ako, “magbihis ka nga doon!”

Pumilantik ang dila ko at tinalikuran siya para kumuha ng roba. Isinuot ko lang ito at hindi na itinali saka ako bumalik sa baba para tignan kung sino ang dumating.

Naabutan ko na nakaupo sa sofa si ate Clara at si Zach. Napalingon sila sa akin, kumunot naman ang noo ni Gabriel nang makita ako. Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin nang makababa ako sa hagdan saka ipinulupot sa katawan ko ang tali ng roba.

Tumikhim si ate Clara na kumuha ng atensyon namin ni Gabriel. “Gabriel, anong katangahan ang ginagawa mo?”

Umigting ang panga ng lalaki sa gilid ko. “Ano ba ang sadya niyo?”

Sumulyap sa akin panandalian si ate Clara at ngumisi ng nakakaloko. “Hihiramin namin si Astrid.”

Kumunot ang noo ni Gabriel sa narinig, “mukha ba siyang bagay para hiramin?” tanong niya.

“Hihiramin namin siya, that's final,” Zach said in a voice full of finality.

Mahigpit na ipinulupot ni Gabriel ang braso niya sa bewang ko. Sobrang higpit na para bang makakatakas ako kapag lumuwag ang hawak niya.

“Hindi siya sasama sa inyo.”

Zacharius shook his head. “Actually, that's for her to decide. Huwag ka magdesisyon ng para sa kanya.”

“Wala akong paki. Hindi siya aalis. Dito lang siya kasama ko.”

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now