06

34 3 0
                                    

Napaka-kapal ng pagmumukha niya. Nakakagigil siya ang sarap niyang hambalusin ng maraming beses!

Nakatitig lang ako sa kanya ng masama. Ayoko na magsalita. Kaunting kibot lang, ang dami na niyang napapansin tangina niya!

Tumayo ako at itinulak siya palayo sa akin. Being near him might kill me. It's suffocating. I don't even know where I stand in his life now and it's bullshit.

Tumakbo ako papunta sa pinto pero dahil sa haba ng biyas niya ay kaagad niya akong naabutan at hinarangan ang pinto. “Nope.”

“Umalis ka nga diyan! Uuwi na ko!” Bulyaw ko pero hindi ito napapitlag kahit na kaunti. Tila ba sanay na siya sa pagsigaw ko.

“Hindi pa tayo nakakapag-usap,” mahinahon niyang sambit. Argh! Nakakainis! Kahit nagpupuyos na ako sa galit, napaka-kalmado niya pa rin! Nakakaasar!

Gusto ko siyang balatan ng buhay!

Tinabig ko siya pero hindi ito natinag sa pagkakaharang sa pintuan. Hindi ko na kayang tagalan ang makasama ito dito. Puputok ang mga ugat at litid ko sa sobrang pagka-inis dito.

“Paalisin mo na ako.”

“Not gonna happen, Astrid. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi pa tayo nag-uusap.”

I grunt at pabagsak na naupo sa kama niya na itinalbog lang ako dahil sa sobrang lambot nito. “Fine! Magsalita ka na.”

“About doon sa pagreto sa atin…” panimula niya. Hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa kanya. Completely unbothered knowing na napakasama ng titig ko sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang titigan ang pesteng ito samantalang dati naman ay hindi ko kayang tagalan ang pagtitig sa kanya. “I am fully aware of what happened back then. It's… clearly my fault, okay? So if you don't want that reto thingy, we can fake it.”

Tumaas ang isang kilay ko saka ako umiling. “Hindi tanga ang mga magulang natin para hindi mapansin yon.”

“So gusto mo din maireto sakin?”

“Tarantado ka ba?!” singhal ko dito. “Mukha bang gusto ko?!”

Napabuntong hininga siya. “Then let's fake it,” he said with finality.

Oo nga at pangalan niya pa rin ang sigaw ng puso ko pero it doesn't mean na gusto ko ang maireto sa kanya. Gabi-gabi kong isinusumpa itong lalaking ito tuwing umiiyak ako hanggang sa makatulog pagkatapos ng ginawa niya sa akin. Hinding-hindi ko matatanggap ang nangyari sa amin sa nakaraan. Hinding-hindi.

“Are we done talking? Gusto ko na umuwi.” Bumukas ang bibig niya pero walang salita ang lumabas doon kaya itinikom niya na lang ulit.

Tumikhim siya, “ihahatid kita.”

“Aba dapat lang.”

Nauna siyang lumabas kaya sumunod na ako. Sa totoo lang, hanga ako sa sarili ko ngayon dahil nagawa kong magtapang-tapangan kahit na ang totoo ay nanlalambot na ako.

Wala na sa sala ang mommy ni Gabriel nang makababa kami. Malalaki ang hakbang ng lalaki sa harapan ko at naiiwan ako sa paglakad.

Huminto siya sa tapat ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Naging tahimik ang biyahe namin at nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay bababa sana siya pero pinigil ko.

“Don't bother.” Binuksan ko na ang pinto at bumaba saka pabalibag na isinara ang pinto ng kotse niya. Pumasok ako sa bahay nang hindi siya nililingon.

Kaagad na sinalubong ako ni mommy nang makapasok ako sa bahay.

“What happened? Anong ginawa niyong dalawa?” Usisa nito habang nagniningning ang mga mata.

Napabuntong hininga ako. Sorry mom, we'll just fake this whole thing out. “Nag-usap lang kami.”

Pinaningkitan ako nito ng mata. “Sabi sa akin ni Elena dinala ka daw ni Gabriel sa kwarto at naglock ng pinto.”

“Mom…” I grunt. “I swear, nag-usap lang kami.”

Napabuntong hininga si mommy. “I'm so sorry about this.”

“No, mom. It's okay.” Ngumiti ako, “let us try, okay?”

Mom nodded. “Magpahinga ka muna.” Ngumiti ako at tumango.

Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko nang tumalikod ako kay mommy. Napalitan ang ngiti ko ng simangot maging ang mga mata ko ay biglaang tumalim.

Kaagad ako pumasok sa kwarto at nagdive sa kama ko saka humilata.

Paghiga ko ay ang pagbangon naman ng inis sa kaluluwa ko. Hinablot ko ang unan ko at itinakip sa mukha ko. Bwisit na yon!

Napalunok ako. Ang lapit namin kanina! Napakalapit putangina! Nagpagulong-gulong ako sa kama habang tumitili at ang unan lang ang nagpipigil para hindi mapalakas.

Yung tibok ng puso ko kanina, parang lalabas na sa dibdib ko jusmiyo! Halos mabingi ako sa tibok ng puso ko at kung ano-ano din ang nasasabi ko para lang magmukhang matapang!

Nakakahiya AAAAAAHHHHHHHHH!

Ayoko na makaharap yung bwisit na yon. Lalo lang akong naasar sa kanya dahil pinapakulo niya ang dugo ko.

Pinapakulo nga ba o pinapabangon yung feelings ko para sa kanya?

Wala sa sariling nasabunutan ko ang sarili ay muling gumulong sa kama. Napakagulo! Bakit pa ba kasi siya bumalik eh ginugulo niya lang naman ang pag-iisip ko?

Ang gulo ng isip ko, wala akong maisip na matino. Wala ako sa matinong pag-iisip at lahat ng yon ay kagagawan niya.

Tamang desisyon ba na pumayag sa alok niya? Mapapansin iyon ng mga magulang namin pero, dapat ba ako pumayag? Kapag pumayag ako, para na rin akong naghukay ng sarili kong libingan.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at itinukod ang braso sa kama para hindi ako matumba saka ako tumingala. That thing… will only bring me torture.

Faking a date together with your ex that you still love, that's just bullshit. Pinahihirapan ko lang ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi na lang ako tumanggi kaagad?

Right, ayokong ma-disappoint si mommy na nag-aalala lang naman sa akin at baka raw tumanda akong dalaga.

Kapag nagsimula na kami sa pagpapanggap, hindi malabo na mahulog ako sa kanya. Ng mas malala pa kaysa sa dati.

Pinunasan ko ang isang butil ng luha na nakatakas sa mata ko. Ang sakit isipin na pretend lang ang mga mangyayari base sa kagustuhan niya. Para akong pinapatay ng paunti-unti.

Napabuntong hininga ako at tinawagan ang human diary ko.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. “Alicia.”

“Woah woah, what's with that hoarse voice of yours, Ashineng?”

Napangiwi ako sa tinawag niya sa akin. Ashineng amputek, ambantot. “Alam mo ba, yung problema ko mas malaki pa sayo.”

“There you are again, insulting me ng hindi gaanong halata.”

Napangisi ako, “buti alam mo.”

Umingos ito, “oh bakit ka napatawag? Dinalaw ka na naman ba ni Gabriel sa panaginip?”

Napangiwi ako nang marinig ang pangalan na yon. “Nope. Something worse.”

Napabuntong hininga ako at muling humiga sa kama. Nakailang buntong hininga na ba ako? Hindi ko na mabilang. Baka nga nag-expand na ang baga ko kahihinga ko ng malalim.

“Name that worse,” seryosong sambit nito.

“Nireto kami ng mga nanay namin sa isa't isa.”

Natahimik ang kabilang linya kaya tinignan ko ito pero on going pa rin ang call. “Let's get wasted?”

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon