05 - His POV

42 3 0
                                    

Parang naging risky chat ang last chat na sinend ko sa kanya dahil agad akong nag-offline. Hinablot ko mula sa bedside table ang susi ng kotse at sinuklay ang buhok gamit ang daliri habang naglalakad papunta sa kotse.

“Saan ka na naman pupunta, Gabriel?” tanong ni Mommy nang makita ako na pababa ng hagdan.

“Sa bahay ng bestfriend mo, mom. May naiwan ako.”

Hindi ko na hinintay na sumagot si Mommy at may malalaking hakbang ko na tinungo ang pintuan. Mabilis ako sumilid papasok sa kotse at pinaandar yon papunta sa bahay nila.

Nang makarating ako ay naabutan ko ang kasambahay nila na nagtapon ng basura. “Ate nandyan po ba si Mrs. Garcia?”

Tumango ito at pinagbuksan ako, “ikaw yung galing dito kanina diba?” Tumango ako. “Pumasok ka na. Nandoon lang sa sala si Ma'am Bridget.”

Pumasok ako at kaagad naman na napalingon sa akin ang mommy ni Astrid.

“May naiwan po ako,” sabi ko bago pa siya makapagtanong. Bumaling siya sa mga sofa at sa center table pero wala namang gamit doon.

“Ano ba ang naiwan mo?”

Ngumiti ako, “yung anak niyo po, tita.”

Napasinghap ito ng hangin at napatakip sa bibig. “Umakyat ka ng hagdan, pangatlong pinto sa second floor ang kwarto niya.” Tumango ako at ngumiti saka pinuntahan ang kwarto niya.

Naabutan ko siyang nakahiga at gumulong siya pero inisang hakbang ko ang pagitan namin at hinawakan ang binti niya para hilahin palapit sa akin.

Nagpumiglas siya para makawala sa pagkakahawak ko pero hindi niya nagawang makatakas. Hindi ko siya nilabanan dahil masasaktan lang siya kaya hinawakan ko na lang ang binti niya para hindi siya makaalis.

Alam ko na tatakbo siya kapag nagkaroon ng pagkakataon.

“Don't make it hard for yourself, ma'am. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo.”

Makalipas ang ilang minuto na nagwawala siya para makawala sa kapit ko ay tumigil na siya sa wakas pero hindi ko binitawan ang binti niya.

“Paano ka nakapasok?” Napalunok ako nang marinig ang boses niya habang naghahabol ng hininga.

“Nagsabi ako sa mommy mo.”

“Bobo ka ba?!” Hindi ko napigilan na ngumiti sa pagsinghal nito sa akin. Ahh… music to my ears.

“Eh anong gusto mo? Akyatin ko bahay niyo?” Pwede ko namang gawin yon pero maliwanag pa kaya kitang-kita ako. Baka may makakita sakin at mag-isip pa na tanga yung akyat-bahay para umakyat sa bahay ng iba habang mataas ang araw.

“Tangina mo baka kung ano isipin ni mommy!” What happened to the Astrid na hindi marunong mag mura? Napakalutong na ng mura nito.

Natawa ako, “mas matutuwa pa nga yon.”

“Bitawan mo nga ko.”

“Nope. Iuuwi na kita.”

“Tanga! Nandito na ko sa bahay ko!”

“Sa bahay namin. Doon kita iuuwi.”

“Ano—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang malakas kong hilahin ang binti niya at ipinasan sa balikat ko.

Panay pa rin ang palag niya habang pasan ko at pati ang likod ko ay hinahampas niya at sumisigaw sa sobrang inis. Nakababa na kami sa hagdan pero hindi pa din siya tumitigil.

“Mommy! Help meeeee!”

Hindi siya pinansin ng mommy niya, bumaling lang ito sa akin. “Ingatan mo ang anak ko.”

“Sure thing, tita.”

Ingat na ingat ako para hindi siya mauntog nang ilagay ko siya sa passenger seat. Sobrang sama ng tingin nito sa akin at kung nakamamatay lang ang tingin, malamang ay kanina pa ako binawian ng buhay.

Inilapit ko ng husto ang mukha sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata habang inaabot ng kamay ko at seatbelt at ikinabit iyon sa kanya nang hindi pinuputol ang pagtititigan namin.

“Breath, Astrid.” Lumayo na ako sa kanya at umikot sa driver's seat. Nang makaupo ay siniguro ko na nakalock ang pintuan sa side niya. Baka maisip niya na tumalon palabas, yari ako sa mommy niya.

Saglit ko siyang nilingon at nakita ko na nakahalukipkip ito at nakasiksik sa pinto habang nakanguso. Namumula ang mukha niya at maging ang tenga ay namumula ng bahagya.

“Ibalik mo ako sa bahay.” Mahinang sabi niya, mukhang hindi mahagilap ang sariling boses dahil napakahina ng pagkakasabi niya.

Hindi ako kumibo. Nagkunwari ako na walang narinig.

“Gab…” sinulyapan ko siya at hindi kumibo. “Iuwi mo na ko.”

Ngumisi ako, “what do you think I'm doing?”

Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko na nilalaro niya ang mga daliri. Napabuntong hininga ako. Just what the hell did I do para hindi na siya maging komportable na kasama ako?

“Iuwi mo ako sa bahay.” Napakaliit ng boses niya at halos hindi na marinig.

“Iuuwi kita kapag nakapag usap na tayo.”

Lumingon siya sa akin, kahit sa peripheral vision ko lang ay kita ko ang galit sa mga mata niya. Fuck. I really messed up.

Nang makarating kami sa bahay ay pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse at inalok ang kamay ko pero inis niya lang itong tinabig saka siya bumaba.

Nakakrus ang mga braso niya nang humarap sa akin. “Talk.”

Umiling ako, “mainit dito, Astrid. Ayokong mabilad ka.”

Inirapan ako nito saka ibinaling ang tingin sa pintuan ng bahay. Ooh. Someone's grumpy.

Hinawakan ko ang braso niya at marahan siyang hinila papasok.

Nadaanan namin si Mommy na nasa sala habang nagbabasa ng magazine pero wala akong narinig na reklamo galing kay mommy. Ramdam ko ang kagustuhan ni Astrid na tawagin si mommy pero hindi niya ginawa.

Dumiretso kami sa kwarto ko at inilock ko ang pinto.

“Bakit mo nilock?” kinakabahang tanong niya sakin. Naupo siya sa kama ko.

“Para hindi ka makatakas.” Umismid lang ito at inirapan ako.

“Magsalita ka na para makauwi na ko,” sabi niya habang hindi sa akin nakatingin. Napangiti ako. Nahihiya siya.

Sumeryoso agad ang mukha ko. “Do you expect me to talk to your neck?” taas kilay kong tanong nang hindi pa rin siya humaharap. “Face me, Garcia. Sayang ang kagandahan mo kung hindi ko masisilayan.”

Namumula ang mukha niya nang bumaling sa akin. Nakakuyom ang kamao at mahahalata na naiinis na sa akin.

“Ang pangit ng tabas ng dila mo,” mariing sambit niya na nginisihan ko lang.

“Nasaan na yung ididikdik mo sa mata ko?”

Napanganga siya sa sinabi ko. “Dinala mo ako dito dahil lang dyan?”

Napakamot ako sa batok. “Bakit? Ano ba gusto mo? Uwian si tita ng apo?”

Bigla niyang ibinato sa mukha ko ang nahawakan niya na unan at hindi na ako nakailag dahil sa bilis ng paglipad nito papunta sa akin.

“Hoy! Physical abuse!”

Ngumisi siya sa akin. “Nasaan na yung sinasabi ni mommy mo na gentleman ka?” nang-aasar na tanong nito.

Ngumisi ako at humakbang palapit sa kanya. Huminto ako nang makitang isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. “Say, Astrid. Kaya mo ba inilalayo ang usapan natin ay para makasama mo ako ng matagal?”

BEGIN AGAINМесто, где живут истории. Откройте их для себя