16 - His POV

49 2 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagriring ng cellphone ko.

Tumatawag ang mommy ni Astrid kaya sinagot ko ito kaagad. “Hello, tita?” Bungad ko.

“Nandyan ba si Astrid?” Natigilan ako dahil sa narinig. Wala siya sa kanila?

“Wala po, tita.” Astrid would never stay in this household. Sa akin pa nga lang ay nagagalit na siya, paano na lang kung tatambay siya dito?

“Wala kasi siya sa kwarto niya pero nandito ang mga sasakyan. Do you at least have a clue kung nasaan siya?”

Napakurap-kurap ako. Naglayas ba siya? “Nawawala po ba siya?”

“I don't know, Gabriel. I'm afraid she hates me kaya siya umalis ng bahay—”

“Don't jump into conclusions, tita Bridget. Hindi pa namin sure. I'll try to contact her.” She thanked me and hunged up. Ano kaya ang pumasok sa isip non at biglang nawala.

Kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga at nag-scroll sa messenger ko pero hindi ko makita ang account niya. Sa tingin ko ay burado ang account niya dahil hindi ko na ito makita.

Ano naman kaya ang pumasok sa isip niya? 

Sinubukan ko ulit na hanapin ang account niya pero wala akong nakita kahit saan. Nagdesisyon ako na maligo at puntahan si ate Clara. Baka may ideya siya kung nasaan si Astrid.

Hindi na ako kumain kahit na kagigising ko lang. Nagdrive ako kaagad papunta kay ate Clara. Baka kapag nagtagal pa ako, mas lumiit ang tyansa na mahanap ko si Astrid.

Paglabas sa elevator ay tinakbo ko ang office ni ate. Naabutan ko siya sa loob at sa harap niya ay nandoon yung lalaki na escort ni Astrid, si Napoles.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Tinapat ko kaagad si ate. “Itinago mo ba si Astrid?”

Kumunot ang noo nito, “anong tanong yan? Mukha bang itatago ko siya?”

Naglakad ako papalapit kay ate, “hinahanap siya sa akin ni tita Bridget.”

“Astrid needs a break.” Napalingon ako sa kanya at agad siyang kinuwelyuhan. Napatayo naman si ate at hinawakan ako.

“Sabihin mo kung nasaan siya.”

“I don't know where exactly. Pero sa tingin ko ay nandoon siya sa lugar na malayo sa kung anong nagpapahirap sa kanya.” Natigilan ako, unti-unting lumuwag ang hawak ko sa kwelyo niya hanggang sa tuluyan ko itong nabitawan.

Ang mga salita niya ay parang patalim na unti-unting bumabaon sa kaluluwa ko. Lugar… na malayo sa akin. Iyon ang pagkakaintindi ko. Kung ganoon… ako— no, kami ang… nagpapahirap sa kanya.

Ramdam ko na parang may malaking kamay na pumipiga sa puso ko at wala akong magawa para patigilin iyon. Napalunok ako at nanghihinang napabagsak sa malambot na sofa sa office ni ate.

Kaagad akong tinabihan ni ate at inalog-alog ako, pati ang pisngi ko ay tinatapik niya.

“Ayos lang ba siya?”

“Gabriel,” lalong lumakas ang alog sa akin ni ate hanggang sa maramdaman ko na lang ang manhid sa pisngi ko. Tumayo ako at lumabas na kaagad sa office ni ate.

Kailangan ko puntahan si tita Bridget. Kailangan niyang malaman na hindi ko macontact ang anak niya. Sigurado naman ako na sinubukan niya na din yon pero tingin ko ay kailangan ko pumunta sa kanya para magsabi.

Wala sa sarili ang pagdadrive ko. Puro ako overtake at nangangain ako ng lane pero wala akong pakialam. Wala nang kahit na anong malinaw sa pag-iisip ko. Malabo na ang lahat, wala na ako sa tamang pag-iisip.

Sunod-sunod na malakas na busina ang gumising sa kaluluwa ko na naglalakbay sa kung saan. Napabuntong hininga ako at itinabi muna sa kalsada ang kotse.

Inis ko na hinampas ang manibela na para bang napakalaki ng kasalanan nito sa akin. Umaasa na mababawasan ang inis ko sa sarili sa pamamagitan ng paghampas sa manibela.

Isinandal ko ang ulo sa headrest at pumikit sandali. Paulit-ulit sa utak ko ang isinagot sa akin ni Napoles. Kasalanan ko ba? Ako ba talaga ang dahilan? Dahil ba to sa ginawa ko? Ito na ba ang kapalit non?

***

Five years ago…

Pagkatapos akong sagutin ni Astrid, naging sunod-sunod ang aya ng tropa kahit saan. Hindi ko magawang tanggihan, pipi ako ng mga panahon na yon, hindi marunong tumanggi.

Madalas pa na biglaan ang pag-aaya nila kaya hindi ko nagagawang magpaalam. Inom dito, inom doon. Laro dito, laro doon. Halos araw-araw ay nag-aaya sila gumala at ni isang beses ay hindi ko nagawang tumanggi.

Akala ko ay ayos lang kay Astrid. Akala lang pala ang lahat. Hindi siya nagsalita, hindi niya ako sinita, hindi siya nagtanong sa akin kung paano ko nagagawa sa kanya ang mga bagay na hindi niya inaakalang magagawa ko.

Paano niya nga pala ako matatanong eh palagi akong busy sa mga kaibigan ko?

Wala ni isang salita ang lumabas mula sa bibig ni Astrid, wala kahit na kaunting reklamo sa akin. Huli na nang mapagtanto ko ang pinag-gagawa ko. Nag-iwan siya ng message sa akin at hindi ko na siya kinulit pagkatapos noon.

Wala akong sapat na kapal ng mukha para gambalain siya pagkatapos niya makipaghiwalay. Isa pa ay kasalanan ko kaya hindi ko siya ginulo.

***

“Sigurado po ba kayo na lahat ng gamit ni Astrid ay nandito pa din?” Umiling ang mommy ni Astrid.

Pinunasan nito ang luha, “masyadong malabo ang paningin ko dahil sa mga luha kaya hindi ko masiguro.”

Pumasok sa kwarto ang asawa ni tita Bridget. Ipinalibot nito ang tingin sa buong kwarto saka nagpakawala ng buntong hininga. “Wala ang maleta niya rito,” sabi niya.

Nanghihinang bumagsak paupo sa kama si tita Bridget. Sumubsob ito sa mga nanginginig na palad habang ang kanyang balikat ay walang tigil sa pag-uga.

“Kasalanan ko ang lahat ng ito…”

Sinusubukang pakalmahin ni tito si tita Bridget pero iyak pa rin ito ng iyak at patuloy na sinisisi ang sarili.

Napabuntong hininga na lang ako. Saan ko naman kaya matatagpuan si Astrid kung ang mismong mga magulang niya ay walang ideya kung nasaan siya?

Nasaang lupalop ka ba ng mundo, Astrid?

Bumalik na ako sa kotse matapos ko magpaalam kay tito. Nang umalis ako sa kwarto ni Astrid ay umiiyak pa rin ang mommy niya, hindi mapatahan kahit na anong gawin.

Talaga nga ba na walang kinalaman si ate dito? Sandali… Lugar na malayo.

Si Alicia!

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now