21

42 0 0
                                    

I keep on receiving text messages from him every fucking day. I find it annoying but I can't help myself but to feel wanted.

I slapped myself. No, I shouldn't be thinking things like this. This might be a trap and I refuse to be trapped.

“Bakit mo sinasampal sarili mo?” takang tanong ni ate Clara sa akin. Ngiwi lang ang naisagot ko.

Kaunti na lang ang natitirang folder na nakapatong sa lamesa. Nag-unat ako at napasulyap sa phone ko nakapatong sa lamesa nang bigla itong umilaw.

*Punta ako dyan. Dalhan kita ng Milktea, salted caramel. Favorite mo 'to. (˶ᵔ ᵕ ᵔ˶) *

Napangiwi na lang ako sa natanggap na message mula kay Gabriel. Hindi dapat maging palagay ang loob ko sa kanya. Ganito rin ang nangyari dati. Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa mahulog ako.

Napahigpit ang kapit ko sa folder na hawak nang biglang rumagasa sa akin ang mga alaala na ginawa five years ago.

Ang salted caramel na favorite flavor ko ng milk tea ay ang unang flavor na natikman ko nang ilibre niya ako. Palaging iyon ang ino-order ko kapag nag-aaya siya ng milktea habang siya naman ay paiba-iba ang order para ipatikim din sa akin ang lasa ng ibang flavor.

“Wala ka bang ibang flavor na alam kundi salted caramel?” tanong niya habang nakakunot ang makinis na noo.

“Meron. Hindi ko lang gusto ang lasa. Kung hindi sobrang tamis, mapait naman,” sagot ko saka humigop sa hawak na milktea.

Inilapit niya sa bibig ko ang straw ng kanyang milktea. “tikman mo,” sabi niya.

Bumaba ang tingin ko sa straw ng milktea niya at napangiwi. “May laway mo na 'yan e.”

Napatitig siya sa akin at hindi makapaniwala sa salitang lumabas sa aking bibig ngunit hindi siya kumibo at inalis na lang straw ng kanya at inilagay ang straw ko. “Higop na, kamahalan.”

Inirapan ko siya at humigop sa milktea niya. Napatango-tango ako matapos lunukin ang milktea na in-order niya. Masarap.

“Mas masarap pa rin ang Salted Caramel kaysa dyan sa Cappuccino mo.”

Napabuntong hininga siya at hindi na ako kinontra. Kahit naman isang oras niya akong kontrahin ay hindi siya uubra sa akin.

Napapikit ako ng mariin nang matapos ang pagragasa ng alaala sa utak ko. Napadilat na lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

Pumasok sa kwarto ang isang matangkad na nilalang. Nakasuot ito ng black na slacks at black na button down na nakalislis ang manggas hanggang siko ngunit nakatakip ang mukha gamit ang scream mask.

Who the hell could this be?

Unti-unting napaawang ang labi ko nang huminto siya sa tapat ng mesa ko at naglapag ng milktea sa tabi ng mga folder na natapos ko na.

I told him I don't want to see his face and huwag na siyang magpapakita sa akin… but he's here. In front of me… wearing the scream mask para maitago ang mukha niya at hindi ko makita.

“Milktea ka muna, kamahalan.” Nagmistulang musika sa aking pandinig ang malalim at malamig ngunit malumanay at malambing na kanyang boses.

Pinagtulakan ko na siya palayo. Pero ngayon ay nandito siya sa harapan ko, nakatago nga lang ang gwapo ng mukha gamit ang maskara.

“Naglakad ka papasok sa building na ito nang may nakasuot sayo na ganyang mask?” I asked, trying to be casual kahit na nagsusumigaw na ang aking puso.

Tumango siya.

“Buti pinapasok ka?” Nagkibit balikat siya at ipinatong ang dalawang palad sa lamesa saka kumiling palapit sa akin. Tumikhim ako, “hindi mo ba alam na talamak ngayon ang masked men obsession?”

Napatagilid ang ulo niya, “ngayon ko lang yon narinig.”

Napakamot ako sa kaliwang kilay. “Some women go feral over masked men,” paliwanag ko.

“And isa ka sa mga babae na yon?” tanong niya habang nakatagilid pa rin ang ulo.

“No.” Yes.

Napatango-tango siya at nameywang sa harapan ko. “Hindi mo ba nami-miss makita itong gwapo kong pagmumukha?”

Napa-ismid na lang ako. Tarantado pala tong lalaking ito. Pumunta dito para dalhan ako ng milktea at tanungin ng ganon.

“Hindi,” deretsong sagot ko. Sumasakit ang ulo ko sa taong to.

“Nagta-trabaho siya, Gabri. Lubayan mo,” saway ni ate Clara.

Pumilantik naman ang dila ng lalaki at humarap sa kapatid, “pinapahirapan mo naman ata siya e. Hindi na nga ito dapat nagtatrabaho kasi kaya ko naman siya buhayin.”

Napanganga ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya yumuko ako at ibinalik ang atensyon sa tinatapos na trabaho. Tutok ako sa ginagawa ko kaya ang ingay ng bangayan ng magkapatid ay unti-unting naglalaho sa pandinig ko.

Nang matapos ko ang ginagawa ay nag-unat ako na naging dahilan para makita ko ang nagtatakang tingin ni Zach kay Gabri.

“Sino itong naka-maskara?” nagtatakang tanong ni Zach kay ate Clara.

Napabuntong hininga na lang si ate Clara saka sumagot, “kapatid ko.”

“May halloween party ba?”

“Wala. Ewan ko dyan kung bakit yan naka-ganyan.”

Biglang napabaling sa akin ang tingin ni Zach. “Oh, you're back.”

Ngumiti ako ng maliit at tumango. “Wala naman akong balak magtago ng mahabang panahon.”

May nakapaskil na malaking ngiti sa mga labi ni Zach nang maglakad siya papalapit sa akin. Itinukod niya ang dalawang kamay sa gilid ng lamesa ko at kumiling palapit.

“Buti at naisipan mo na lumayo muna,” sabi niya.

Nagkibit balikat ako, “unbearable na e.”

Napabuntong hininga siya, “ano ba ang pakiramdam ng makalayo?” tanong niya.

Napaisip naman ako. Bakit niya kaya tinatanong? “Malaya. Ramdam mo yung ginhawa kasi nakalayo ka, yun nga lang ay hindi mo mararamdaman yon kung may guiltiness sa loob mo. Nandoon din yung pakiramdam mo na may kulang sayo kahit wala naman.” Wala nga ba?

“Gusto ko rin lumayo. Samahan mo kaya ako?” alok niya.

Bago pa ako makasagot ay may malaking kamay na dumampot sa cellphone ko na nakapatong lang sa lamesa at isinilid yon sa sling bag ko kasunod ng malakas na pwersang humila sa akin patayo.

Sa lakas at bilis ng pagkakahila ay tumama ako sa matigas nitong dibdib. Nag-angat ako ng tingin pero ang scream mask ang nakita ko at hindi ang mukha ng humila sa akin.

Inilipat niya ang kamay niya mula sa braso ko, para hawakan ako sa kamay at hila-hila niya ako nang lumabas kami sa office ni ate Clara. Hanggang sa makapasok kami sa elevator ay mahigpit ang hawak niya sa akin.

Hindi ko alam ang reaksyon ng kanyang mukha dahil nakatakip ito. Hanggang sa makaabot kami sa parking lot ay hawak niya ang kamay ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at binitawan ang kamay ko kaya agad akong pumasok sa kotse niya saka niya inabot sa akin ang sling bag ko.

Hindi pa nag-iinit ang kinauupuan niya nang tanungin ko siya, “what's that?” I asked.

Humigpit ang kapit niya sa manibela sa loob ng ilang segundo bago niya ito bitiwan at isinandal ang ulo sa head rest.

“Sorry… for what I did just now. Sorry for everything.”

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now