08

24 3 0
                                    

Several days have passed since we go out to walk at the park. Ang mga paltos ko ay maghihilom na, kaunti na lang. Napabaling ako sa phone ko nang tumunog ito. Kaagad ko na inabot yon at sinagot ang tawag.

“So… what's the real score between you and Gabriel?” Real score? She's asking about score, should I answer a number? Ano ba ang dapat isagot sa tanong na yon? Real score amp.

Tumikhim ako, “number ba ang inaasahan mong sagot?”

Natahimik siya sa kabilang linya. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagpilantik ng dila niya. “Pagdating talaga sa lalaking iyon ay nabo-bobo ka.”

Nakagat ko ang ibabang labi at napangiwi. “Uh… sakto lang?”

Alicia grunts. “Ashineng, sumagot ka nga ng matino, ano ba ang sininghot mo?”

Napakurap-kurap ako. May sininghot ba ako bukod sa oxygen? “Uhm… oxygen.”

“Ewan ko sayo, Astrid. Siguro ni-braiwash ka ng lalaking yon para maging ganyan ka katanga. Ano na ginawa niyo, nagsimula na ba kayo sa pagpapanggap?”

“Sandoval…” suminghot-singhot ako. “Tangina nung lalaking yon. Masahiin ba naman yung paa ko nung nakita na nagkapaltos ako.”

Mahina siyang natawa, “edi hulog ka na naman?”

Ngumawa ako ng walang luha, nagsusumbong sa human diary ko. “Ngayon lang ako sinampal ng katotohanan na para akong naghukay ng sariling libingan!” suminghot-singhot ako ulit. “Pretend tapos ako may nararamdaman pa? Gago, napakatanga ko para hindi tanggihan yung sa offer niya na yon!”

“Ayos lang maging tanga, mahal mo naman eh,” humalakhak siya.

“Lisa naman eh! Imbis na i-comfort ako parang nang-gaslight ka pa.”

“Bakit? Ayaw mo ba?” Nai-imagine ko ang mukha nito na nakangisi sa akin, napa-iling ako habang may ngiti sa labi. “Sige na, magpakatanga ka muna diyan. Nandito lang ako sa bundok nagpapahangin.” Tumawa siya saka pinatay ang tawag.

I heave out a contented sigh and plop myself on the bed. Isang umagang walang istorbo na nagngangalang Gabriel. Mahihiga na lang ako at magpapagulong-gulong sa kama buong maghapon. Sarap.

“Ashie baby,” bumukas ang pinto at sumilip si mommy. “Nandyan sa baba si Gabriel—”

“What the fuck?!” Napatakip ako ng bibig dahil sa biglaan kong nasabi. Maliit akong ngumiti kay mommy, “ano yung kasunod ng sasabihin mo, 'my?”

Nagtataka ang mga mata ni mommy at nagpatuloy sa pagsasalita. “Kasama si Elena at sabi sa akin, magsa-shopping daw at kailangan mo sumama.”

Tumango-tango ako, “kailangan ko ba talaga sumama, 'my?” Mom nodded eagerly.

Napabuntong hininga ako, “pwede ba na naka-pajama, t-shirt at tsinelas lang ako? For sure kasi 'my, maglalakad-lakad tayo ng matagal.” Ngumiti si mommy at tumango saka ako iniwan.

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi na naman matutuloy yung plano ko. Pistingyawa. Nagsuot ako ng black na pajama at black din na v-neck tshirt. Nagsuot ako ng flip flops at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko.

Tinignan ko ang sarili sa salamin ng vanity dresser. Napabuntong hininga ako nang mapansin ang maputla kong labi. Nilagyan ko ng bright red lip tint ang labi ko.

Magpapanggap na naman pala. Napairap ako. Hanggang gaano katagal namin gagawin yon? Dinampot ko ang susi na nasa bed side table at
bumaba na ako sa sala at nakita ko si mommy na nakabihis na din.

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon