07

26 3 0
                                    

Alicia was always with me. Kahit noong panahon na may iniiyakan akong tao na hindi pa naman patay, hindi siya lumayo sa akin kahit pa mukha akong tanga na iyak ng iyak.

Hindi pa ako ready maglasing noong tinanong niya ako kaya tumanggi na lang muna ako saka napakalayo niya sa akin. Nasa probinsiya yon eh tapos kung makapag-aya akala mo naman nasa katabing bahay lang namin nakatira. May sira talaga sa utak si Sandoval.

May kumatok ng dalawang beses sa pinto ng kwarto ko at kasunod non ay ang boses ni mommy. “Astrid, nandito si Gabriel.”

Oh ano gagawin?

Binuksan ko ang pinto at hinarap si mommy. “Bakit daw, 'my?” Nagkibit balikat lang ito at ngumiti ng nakakaloko.

“Hindi ko inaasahan ang kilos niya.” Ngumiti ulit si mommy at hinawakan ang dalawang kamay ko, “gusto ko siya para sayo.”

Muntik na akong maubo pero napigilan ko ito. Tumalikod na si mommy kaya isinara ko na ang pinto at pinakawalan ang pinipigil na ubo. Gusto ko rin siya, 'my. Gustong sakalin.

Napailing ako at bumaba na. Kaagad naman siyang tumayo nang makita ako. Parang totoo…

Iwinaksi ko ang naisip. Kung hindi ko alam na pakitang tao lang ang ginagawa niya ay iisipin ko na totoo ang mga yon. Lalo na ang mga emosyon sa mga mata niya.

Ngumiti ako ng makalapit sa kanya at nakita ko na natigilan siya sa ginawa ko at napansin ko ang tenga niya na bahagyang namumula. “Are you free today?”

Mula sa peripheral vision ko ay kita ko ang pagtitig ni mommy, inaabangan ang sasabihin ko. Fuck this beutiful torture. “Free for you, busy for others,” kumindat ako sa kanya. Napalunok siya at ang pamumula ng tenga ay lalong tumindi.

“Wear anything you're comfortable with. May pupuntahan tayo.”

Bumalik ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pinili kong magsuot ng v-neck 3/4 sleeve navy blue midi dress with cherry pattern na pinaresan ko ng white heeled strappy sandals and white clutch bag.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang medium length ko na buhok at hindi na din ako nag-abala pa na mag makeup. Umalis na din kami pagkatapos niyang mangako kay mommy na ibabalik ako ng buo at walang kulang.

Nang umandar ang kotse ay namutawi na ang katahimikan sa pagitan namin. Ang bubbly aura na kanina ay pinakita ko sa kanya noong nasa bahay kami ay naglaho na. Walang emosyon ang mukha ko habang pinagmamasdan ang dinadaanan namin.

“Anong gusto mo gawin?” basag niya sa katahimikan. Napaisip naman ako, ano nga ba ang gusto kong gawin ngayon bukod sa gusto ko siyang sapakin?

Ang plano ko ngayong araw ay humilata magdamag pero dahil sa biglaan niyang pagsulpot ay napurnada ang naka-schedule ko nang plano.

“Tumulala,” wala sa sariling sagot ko. Saglit siyang bumaling sa akin saka ibinalik ang atensyon sa daan. Napakurap-kurap ako nang mag sink in ang sinabi ko pero hindi na ako nagsalita pa.

Makalipas ang halos kalahating minuto ay huminto ang kotse niya sa parke. Pinagbukas niya ako ng pinto at inalok ang kamay niya na tinanggap ko naman. Naka-heels ako at baka bigla akong masubsob, tatawanan lang ako nito.

Naglakad-lakad kami sa parke na wala gaanong tao dahil Miyerkules lang naman at may pasok ang mga bata kaya mga teenagers ang mga nandito. 

Napalingon ako sa nagtitinda ng ice cream. Gusto ko bumili. Nagkusa ang kamay ko na umunat para abutin ang damit niya pero natauhan ako bago pa man dumikit ang daliri ko sa damit niya.

Right. This is a different time, different relationship we have. Kung sana ay may kami pa, malaya kong magagawa ang paghila sa damit niya na parang bata.

Tinanaw ko na lang ang nagtitinda ng ice cream at hindi na sumubok na magsabi kay Gabriel na bibili ako. Bigla akong tinablan ng hiya at hindi yon nakakatuwa lalo na kapag gustong gusto mo na bumili ng ice cream.

Napatitig ako sa kanya ng may pagtataka nang bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil nakasunod lang naman ako sa kanya.

Hinawakan niya ang pulsuhan ko at sabay kaming naglakad papalapit sa nagtitinda ng ice cream. Bumili siya ng dalawa at ibinigay sa akin ang isa.

Napalunok ako habang nakatitig sa ice cream na hawak. Am I that obvious para mapansin niya na nakatingin ako sa ice cream? Pero nasa likod niya naman ako, nahuhuli nga ako ng lakad eh.

“Tititigan mo lang ba yan hanggang sa matunaw?” Hindi ako makapagsalita kaya kinain ko na lang ang ice cream na binili niya, ni hindi ko rin magawang magpasalamat. Hindi ko mahanap ang boses ko kaya mas pinili ko na lang na manahimik at wag na hanapin yon.

Naglakad kami sandali at nang may makita kaming duyan ay naupo kami doon. Nang makaupo ako ay pasimple kong sinilip ang paa ko dahil sumasakit ito at napangiwi na lang ako nang makitang nagkapaltos na ang paa ko.

Inalis ko na ang paningin sa paa ko at nagpanggap na wala akong nararamdamang sakit doon. Muli na naman akong nakaramdam ng hiya dahil ang sabi niya ay suotin ko kung saan ako komportable tapos ngayon ay nagkapaltos ako. Malay ko ba kasi na puro lakad pala ang gagawin namin.

Sa susunod nga ay tsinelas na lang ang susuotin ko. Ay so may susunod?

“Gusto mo band aid?” Napalingon ako sa kanya at nakatitig siya sa akin.

Napakurap-kurap ako, “ha?”

Inginuso niya ang paa ko. Iginalaw ko naman ang paa ko para hindi niya na makita ang paltos. Napataas ang kaliwang kilay niya sa ginawa ko. “May paltos ka na,” puna niya.

Nagkibit balikat ako. “Paltos lang yan, maliit na bagay.” Masakit ang magkaroon ng paltos pero mas masakit ang ginawa mo sa akin, tahimik kong dugtong.

“Masakit na ba paa mo?” Umiling ako ng hindi tumitingin sa gawi niya. Ayokong makita ang emosyon sa mga mata niya, ayokong umasa. Ayokong mapansin dahil maniniwala lang ako kaagad lalo pa at may nararamdaman ako sa kanya na pilit ko lang tinatabunan ng galit. Hanggang kailan ko kayang tabunan ng galit ang nararamdaman ko sa kanya?

Naubos na ang ice cream niya at walang pasabi siyang tumayo at naglakad palayo sa akin. Hindi ako tumayo sa swing at pinabayaan na lang siya. Kaya ko naman umuwi mag-isa kung iiwanan niya ako dito.

Malapit ko na maubos ang ice cream ko nang makabalik siya. Agad siyang lumuhod sa harapan ko na nagpanganga sa akin. Maingat niyang hinawakan ang binti ko at inangat. Gamit ang kanang kamay niya, inalis niya sa paa ko ang sandals ng suot saka niya ipinatong ang paa ko sa tuhod niya.

Minasahe niya ang paa ko at nag-iwas ako ng tingin nang makita ang seryoso niyang mukha. Huwag kang umasa, Astrid. Hindi biro ang paghihirap na inabot mo ng dahil sa lalaking nasa harap mo.

Nang makuntento siya sa pagmasahe sa isang paa ko ay nilagyan niya ito ng band aid at ibinalik ang sandals na suot ko kanina at inulit ang ginawa niya sa isa ko pang paa.

Inalalayan niya akong makatayo mula sa pagkakaupo sa swing at habang naglalakad kami pabalik sa kotse niya ay nakahawak ang kanang braso niya sa bewan ko.

Gentleman nga.

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon