11

20 3 0
                                    

Namamaga ang mga mata ko nang magising ako kinabukas. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil ang alam ko lang, nakatulog ako habang umiiyak.

Maaga akong nagising kaya naligo na ako kaagad. Paniguradong natutulog pa si mommy at si daddy kaya magandang pagkakataon ito para umalis na kaagad dahil ayokong mag-alala sila kapag nakita nila na namamaga ang mga mata ko.

Baka kulitin at pilit na paaminin nila si Gabriel kung siya ba ang dahilan ng pag-iyak ko. Oo, siya naman talaga pero ayoko muna na malaman nila ang dahilan.

Nagsuot ako ng fitted jeans at white t-shirt na pinatungan ko ng leather jacket. Sa paa naman ay nagsuot na lang ako ng boots na may three inches ang taas ng heels.

Nang naka-ayos na ako ay dinampot ko na ang susi ng big bike sa garahe saka ako lumabas ng bahay at nagmaneho papunta sa cafe para duon na kumain at magpalipas ng oras bago pumasok sa trabaho.

Nang dumating ang order ko na pagkain ay kinain ko na yon habang malayo ang tingin. Parang gusto ko na lang na magpakalayo-layo muna. Gusto ko mapahinga sa lahat ng bagay, kahit saglit lang.

Inubos ko na ang kape at nagdrive na papunta sa kumpanya ni Ate Clara. Nang makarating ako sa fifteenth floor ay nandoon na kaagad ang secretary. Binati ako nito at dumiretso na ako sa office.

Napatitig sa mukha ko si ate Clara at napaawang ang labi niya pero dumeretso lang ako sa mesa ko at nagsimula na ulit magtrabaho.

Hindi pa umiinit ang inuupuan ko nang tumayo sa harapan ko si ate Clara, seryoso ang mukha niya. “Pinaiyak ka ba ni Gabriel?” Umiling ako.

Dinala nito sa gilid ko ang upuan niya at naupo doon. Mataman siyang nakatitig sa akin, partikular sa mga mata ko na namamaga pa rin.

“Ate Clara,” pukaw ko sa atensyon niya. “alam mo ba? Isa lang ang ex ko.”

Hindi siya kumibo pero nakatuon pa rin sa akin ang buong atensyon. Huminga ako ng malalim at pinatatag ang boses kahit na may bumabara sa lalamunan ko at ang mata ko ay nagsisimula nang magluha.

“Five years ago,” panimula ko. “Naging kami, five years ago. Noong nanliligaw pa lang siya, ang bait niya, ako ang priority. Kahit na ano pa ang ginagawa niya, ititigil niya basta kailangan ko siya.”

Napasinghap ako ng hangin at pinunasan ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko. “Pero nung sinagot ko na siya,” my lips formed a line as I shook my head. “Everything about us, went downhill. Lahat ng pinapakita niya nung nanliligaw pa lang, kabaliktaran na ang mga nangyari nung sinagot ko siya. Hanggang sa napagod na ko, ayoko na tiisin yung ginagawa niya kaya nakipaghiwalay ako.”

Tumingala ako para pigilin ang mga luha na nagbabadya sa pag-agos saka nagpakawala ng malalim na hininga. “Do you know what's bullshit, ate Clara?” bumaling ako sa kanya, umiling siya kaya nagpatuloy ako. “Five fucking years after that happened, inireto ako sa kanya. Inireto ako sa tao na dahilan kung bakit ako nagdusa ng mag-isa sa loob ng limang taon.”

Napasinghap siya natakpan ang kanyang bibig dahil sa gulat.

“Tell me, Ate Clara. How can I endure being with the person who made me suffer? Kasi ate, napapagod na ako eh.”

Nangangatal ang kanyang labi nang magsalita siya. “I-I'm sorry. I don't know.”

I scoff. “Of course, you don't. Kasi ate kung alam mo yon, hindi ka sumuporta sa pang-aasar nila mommy.” Pinunasan ko ang luha ko, “please don't tell anyone…” tinitigan ko siya sa mata. “that we both agreed on faking it.”

Natigilan siya. “He seems genuine. That's what his action says. Iniwan niya ang office works niya kay Dad para pumunta sa inyo.”

Umiling ako, “dahil lang yon sa usapan namin.”

Nang makabawi siya ay nagsalita siya, “mahal mo pa ba?”

Hindi ko napigilan ang pag-ukit ng mapait na ngiti sa labi. “I never stopped loving him, ate. Kaya nga nung pumayag ako sa balak niya, huli na para mapagtanto ko na naghukay ako ng sariling libingan. Hindi ko alam kung saan ang lugar ko sa kanya. Oo nga at inireto kami sa isa't isa, yung mga actions namin, peke ang lahat ng yon.” Nagbaba ako ng tingin habang umaagos ang luha at nilaro ang mga daliri ko. “Yon ang masakit doon eh. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mas lalo siyang gustuhin dahil sa mga kilos niya pero pinanghawakan ko yung usapan namin. Kaso lang ay hindi napigil.”

As tears streamed down my face, I suddenly felt a pair of arms wrap around me. A comforting embrace. In that moment, I felt each tear that trickled down my cheeks, my heart pounding with pain as her hug caging my shattered heart.

Each sob was like a wave of emotion washing over me. The pain was overwhelming, a raw, searing ache that seemed to consume me. But within that pain, there was a sense of relief, a release of pent-up emotions that had been building up inside me. Matagal ko na gustong ilabas ang mga hinanakit ko na naipon at naging sikreto sa lahat.

The arms around me tightened, offering a silent reassurance that I wasn't alone. The warmth seeped into me, a stark contrast to the coldness that the tears left on my skin. In the midst of the storm of my emotions, I felt a glimmer of comfort, a spark of hope. I wasn't alone in this, and the pain, as overwhelming as it was, would eventually pass. And for now, ate Clara's presence is enough to console me.

“I still want to know kung dahil nga ba sa usapan niyo ang kilos ng kapatid ko.” Kumalas siya sa yakap at pinagkatitigan ako. “I need you to cooperate, okay?”









Nauuna ako sa kalsada dahil nakamotor ako at kasunod ko si ate Clara na naka-kotse. Nasa bahay na naman kasi si Tita Elena at pati si Gabriel kaya pupunta na din daw si ate Clara.

Nang makarating ay ipinarada ko ang motor sa garahe at pinatong dito ang helmet. Walang emosyon sa mukha ko nang maglakad ako papasok sa bahay. Hinubad ko ang leather  jacket habang papasok ng bahay at nakita ko na titig na titig si akin si Gabriel. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Astrid! Ano ang suot mo na yan?” Sigaw sa akin ni mommy nang makita ang suot ko. “Maupo ka sa tabi ni Gabriel. Mamaya ka na magbihis.”

Napabuntong hininga na lang ako at tahimik na sumunod. Ayaw ko na nito.

“Bagay na bagay talaga sila,” kinikilig na sabi ni tita Elena. “Mag-date nga kayo ulit. Ang tagal na nung huli.”

“Puro kasi trabaho itong si Astrid,” sabi ni mommy.

Bumaling si tita Elena kay ate Clara, “bagay na bagay sila, ano?”

Nanatiling seryoso ang mukha ni ate Clara sabay sabing, “mas bagay si Astrid kay Napoles.”

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now