19

39 2 0
                                    

Nagambala ang tulog ko dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng ringtone ng cellphone ko. Inabot ko yon at sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin.

“Sino ka?” inaantok na tanong ko.

“Mom's gonna be there.” Nanlalaki ang mata ko nang dumilat ako. Eh? Sinilip ko ang caller's ID kahit na boses pa lang ay kilala ko na ito kaagad. “Sinasabi ko sa 'yo para may time ka na umalis dyan sa inyo.”

“Ha?” Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napakamot sa ulo na lalong nagpagulo sa buhok ko na parang binahayan na ng ibon, “bakit aalis?”

Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napabuntong hininga. “I guess you already told your parents, huh? Nagmamadali pumunta si mommy nung sinabi ng mommy mo kanina.”

My lips formed a line. “Kasama ka ba?”

“What?”

Natauhan ako bigla. “Kasi kung kasama ka, mag-e-effort ako na umalis ng bahay,” palusot ko.

“Nope. I'll be at our house.” The call ended as soon as I recieved a text message from ate Clara.

*I heard you're back. Your works are waiting.*

Napailing na lang ako nang mabasa ang mensahe niya. Oo nga pala, may trabaho na ako. Dali-dali akong naligo at bumaba, mabuti na lang at wala pa doon ang mommy nila.

Wala si mommy sa kusina kaya hindi na ako nag-abala pa na magpaalam. Deretso ako sa garahe at minaneho ang motor ko papunta sa kumpanya ni Ate Clara. Mas mapapadali ang biyahe ko kung motor ang gamit.

Hindi ko na nagawang kumain ng almusal dahil anong oras na rin. Kahit na ang paghinto sa cafe ay hindi ko na nagawa. Nang makarating ako sa office ni ate Clara ay sinalubong niya ako ng matamis na ngiti.

“No regrets?” tanong nito sa akin nang makaupo ako sa pwesto ko.

Ngumiti ako at nagbuklat folder saka nagsalita, “just realizations.”

From the corner of my eyes, I saw her rotate her swivel chair to face me. “Nagkagulo sa bahay kanina. Sinabi ni mommy mo ang sinabi mo na rin sa akin dati.” Napailing si ate Clara, “pupunta si mom sa inyo, hindi mo nasalubong?”

Umiling ako.

“Good for you. Baka kung nandoon na si mommy bago ka umalis, malamang hindi ka na makakapasok ngayon.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Madaldal kasi si tita Elena na mommy nila. Iniba niya ang usapan, “nakita mo ba ang mukha ni Gabri?”

Kumunot ang noo ko, ano meron?

“Dapat kasama siya ni mommy magpunta sa inyo kaso…” Tumayo siya, bawat tapak ng paa niya, lumilikha ng tunog. Iniunat niya ang braso para ipakita ang litrato na nasa cellphone niya. “Gawa ni mommy.”

It was Gabriel's face, with his right cheek all red with a hand print on it.

Natutop ang aking bibig, shit. I'm so sorry, Gabriel. Oo nga at nabunutan ako ng tinik, pero panigurado naman na magkakaroon ng pasa ang pisngi niya. Bumakat ba naman ang kamay ni tita Elena.

Lumayo na sa akin si ate Clara matapos niyang ipakita ang litrato. Kahit na wala sa harapan ko ang litrato ay parang nakarehistro naman sa isip ko ang nasa litrato dahil hindi ito maalis sa aking isip.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang bumukas ang pinto ng office ni ate Clara at pumasok si tita Elena. Hindi nito pinansin o tinapunan man lang ng tingin ang anak na nakatitig at puno ng pagtataka ang mukha at ang mata.

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon