09

25 3 0
                                    

Pumayag ang mommy ni Gabriel sa sinabi ni mommy na dinner. Ang sabi pa nito ay buong pamilya sila na pupunta mamaya.

Akala ko ba reto lang? Paano nakarating sa ganito?!

“Astrid, ano ba ang iluluto natin?” Nagpangalumbaba ako. Hmm… adobo? Too common.

“Hindi ko alam, 'my. Kanina pa tayo nag-iisip ng iluluto.” Nakatulala lang ako habang pilit naghahagilap sa isip kung ano ang dapat lutuin.

“Ang hirap naman mag-isip.”

“Pumayag ba sila na pumunta mamaya?” tanong ko kay mommy at tumango siya. Hmm… “Sinigang!” Favorite iyon ni Gabriel!

“Sinigang na baboy?” Umiling ako sa tanong ni Mommy at tumayo para uminom ng tubig. Bigla kasing pumasok sa isip ko ang favorite ni Gabriel kaya naisigaw ko tuloy.

Naupo ulit ako sa sofa, kaharap ni mommy. “Sinigang na hipon.”






Matapos mapagdesisyunan kung ano ang mga lulutuin namin ay ako na ang nagdrive ng kotse papunta sa supermarket dahil paubos na rin ang stock namin. Nang makauwi ay inayos muna namin ni mommy ang mga pinamili at hiniwalay ang mga kakailanganin sa lulutuin namin.

Isang oras bago dumating dito ang mga Hernandez, nagsimula na kami ni mommy na magluto. Ako ang nag-deep fry ng mga manok at si Mommy ang nagluto ng sinigang na hipon.

Habang niluluto ang manok ay isinabay ko na ang paggawa ng Mango Graham. Nang matapos ako sa mga inaasikaso ay nagpahinga ako saglit at naligo.

Kung si Gabriel lang ang pupunta, hindi na ako mag-aabala pa na maligo ulit. Pero dahil kasama ang buong pamilya niya, naligo na lang ako ulit.

Nang makalabas ako sa banyo ay nakarinig kaagad ako ng mga nagtatawanan at nag-uusap. Tuluyan na akong bumaba at naabutan ko si Daddy na nandon na din.

Si mommy at ang mommy ni Gab ay nag-uusap habang nagtatawanan, ang mga daddy naman namin ay parehong seryoso na nag-uusap. Si Gabriel naman ay nakatingin sa phone nito at ang ate niya ay tahimik na nakikinig.

“Kumain na muna tayo, mamaya na natin ituloy ang pag-uusap,” pag-aaya ng mommy ni Gabriel. Napangiwi naman si Gab nang marinig ang sinabi ng mommy niya pero hindi siya nagsalita.

Nagtulungan sa pag-aayos ng lamesa si mommy at ang best friend niya habang ako ay nakatayo pa din sa huling baitang ng hagdanan. Parang nanigas ang binti ko at hindi ko na magawang humakbang.

Nahigit ko ang hininga ko nang lumingon sa akin ang ate niya. Ang awra ng mukha nito ay masungit at kung tumingin, akala mo ay sinisisid ang buong pagkatao mo, hinahanapan ng kamalian.

Bahagyang napaawang ang labi ko nang ngumiti ito sa akin at naglakad palapit sa akin. “Can we talk later?” Tumango ako kaya lalong lumapad ang ngiti niya. “Good. Halika, kakain na.”

Tahimik akong kumain. Bukod sa wala akong gana magsalita, bumabara din sa lalamunan ko ang pagkain dahil ayaw nitong bumaba sa sikmura ko.

Hindi ko alam kung halata ba na ayaw bumaba ng pagkain pero inabutan ako ni Ate Clara— ang ate ni Gabriel— ng orange juice.

Nang makainom na ako at bumaba na ang pagkain sa sikmura ko ay lumapit sa akin si Ate at bumulong, “sinagi ni Gabri ang paa ko at ngumuso siya sa gawi mo. Paglingon ko sayo, mukha kang nabubulunan.”

Namula ang buong mukha ko dahil sa hiya sa narinig. Okay, halata nga. Tinapos ko ang pagkain ko kahit na bumabara sa lalamunan ko lahat.

“Gabriel, right?” Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si Daddy. Tumango naman si Gabriel, “bakit hindi ka tumanggi nang inireto ka sa anak ko?”

Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko dahil ang balak ko lang talaga ay makinig, hindi kasama doon ang pagmasdan ang emosyon ni Gabriel.

“I don't see any reason to object, sir. Besides, I believe your daughter is a great woman.”

Tinakpan ko ang bibig at tumayo, “excuse me.” Umalis ako sa kusina at pinabayaan silang mag-usap doon.

Nang matapos kumain ay si mommy at si tita Elena ang nagligpit at naghugas. Hinawakan ako ni ate Clara sa braso at hinila palabas ng bahay. Huminto kami malapit sa garahe.

“Willing ka ba magtrabaho sa office?” Napaisip ako, wala naman akong ginagawa sa bahay, palagi lang akong nakahilata at hindi din naman ako nagtatrabaho — dahil wala ako non.

“Yes. I am getting tired of doing nothing everyday,” sagot ko.

“Papayag ka ba kung iha-hire kita as assistant ko pero ang gagawin mo ay taga-approve ng designs at ang office ko ay office mo rin?”

Napangiti ako. Mas mabuti na siguro na magtatrabaho ako para hindi ako nakahilata buong maghapon. Isa pa, kapag na-busy ako ay hindi na mapepeste ni Gabriel ang utak ko. Bravo! “I'll go.”

“Bukas na ang start mo.” Ngumiti siya sa akin, “chat ko sayo mamaya yung address at kung paano makakapunta doon.”

Bumalik kami sa loob ng bahay at nag-uusap pa rin si Daddy at si Gabriel.

“What do you think about my daughter, Gabriel?” Napukaw ng tanong ni dad ang isip ko.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip sa akin ni Gabriel at ngayon ko lang yon napagtanto. “She's amazing, strong, independent, and incredibly kind. She has this way of lighting up a room with her smile, and her laughter is contagious. She's passionate about what she believes in and isn't afraid to stand up for it. I truly admire her for that." And that was me back then. Bago ako magdusa sa kagagawan niya.

Napailing ako sa isip, some of those things he said about me, that's probably me in the past. But I'm no longer the exact person he's talking about kung iintindihin ng mabuti ang lahat ng sinabi niya. I haven't laugh again when I'm with him.

Since the day that we talked once again after several years, I always shout at him, never laugh.

Nagsisinungaling siya kay Daddy. Kung kay Daddy ay nagagawa niya yon, paano na lang sa akin? Ang galing niyang magsinungaling. Walang butas kaya iisipin mo na totoo ang lahat ng sinasabi niya, but I know it. Alam ko na sinasabi niya lang yon dahil sa pagpapanggap namin.

Hindi totoo ang mga yon, pinipilit ko na isiksik sa utak ko para hindi na ko makapag-isip pa ng iba.

Maghahating gabi na nang umalis sila at hinatid sila ni mommy at Daddy sa labas kaya wala akong nagawa kundi ang sumama sa paghatid sa kanila ng tingin.

Nakasakay na sa kotse nila si tita Elena at si ate Clara. Naiwan sa labas sina tito Greg at si Gabriel. Akmang sasakay na si Gab pero natigil ito at lumingon sa akin. Naglakad siya papalapit at huminto sa harap ko.

Trip nito?

Napaawang ang labi ko kasabay ng malakas na pagpintig ng puso ko nang bigla niyang hapitin ang bewang ko habang nakatitig sa mga mata ko. Dahil sa gulat ay napakapit ang kanang braso ko sa braso niya habang ang kaliwang kamay ko ay nasa dibdib niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok nito. Kusang bumaba at nagtagal ang tingin ko sa mga labi niya at nakita ko na napalunok siya.

Napapikit ako nang inilapat niya ang malambot niyang labi sa noo ko at tumitig sa akin pagkatapos. "Good night," ngumiti siya at naglakad na palapit sa kotse nila.

Ramdam ko ang titig ng mga magulang ko sa akin hanggang sa makaalis na sila Gabriel.

Anong klaseng galaw yon, Gabriel?! Foul yon!

Ngumiwi ako sa mga magulang ko, "magtatrabaho ako kay ate Clara. Ako daw ang taga-approve ng designs."

Napatango-tango ang mga magulang ko, sang-ayon sila sa desisyon ko. Kaya pinagpahinga na nila ako.

Pagkalock ko ng pinto ay kaagad akong bumagsak sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod.

Akala ko ba magpapanggap lang, ano yung move na yon, Gabriel?!

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon