22

38 0 0
                                    

SORRY FOR EVERYTHING.

Mga kataga na kanina pa paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Para akong mababaliw dahil sa paulit-ulit na pag-play nito sa utak ko na parang sirang plaka.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon sumigaw ng paulit-ulit hanggang sa mapagod. Ano pa ba ang pag-uusapan namin? Ano pa ba ang mababago?

Kung mag-uusap man kami, wala nang magbabago. Wala nang maibabalik dahil nagdusa na ako ng matagal. Ang tagal ko na iniinda ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya at napapagod na akong patuloy pa na indain iyon.

Umayos ako ng higa at napabaling sa orasan, alas diez na ng umaga. Mga ganitong oras ay  madalas silang nandoon sa sala. Magkausap si mommy at si tita Elena habang parehong kumakain ng cookies at pinag-uusapan lahat ng bagay na pwedeng pag-usapan.

Ano ba?! Bakit ba bumabalik sa akin ang lahat?!

Inabot ko ang telepono at tinawagan ni Alicia. Ilang ring lang ay agad niya itong sinagot. “He said he's sorry about everything.”

Mahabang katahimikan ang namutawi sa kabilang linya, “marupok ka talagang hinayupak ka. Gawin mo sinasabi ng puso mo. Pagod na akong magpayo sayo tapos hindi mo naman susundin.”

Natawa ako. “Hindi ko naman kasi kayang gawin ang mga payo mo.”

“Blah blah blah, marupok!” Muli akong natawa sa sinabi niya. Hindi ko na itatanggi pa iyon dahil totoo naman ang sinabi niya. Marupok ako at walang paninindigan lalo na kung si Gabriel na ex boyfriend ko five years ago ang pag-uusapan.

Napabuntong hininga siya, “gawin mo ang sinisigaw ng puso mo para wala kang pagsisihan sa huli. Huwag mo hintayin na magsisi ka dahil hindi mo ginawa ang talagang gusto mong gawin.”

Hindi na ako nakasagot pa sa kanya kaya pinatay niya ang tawag. Gawin ang sinisigaw ng puso… that's it!

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon ng sunod-sunod. “Bukas yan!” Sigaw ko. Agad na bumukas ang pinto at pumasok ang isang nilalang na nakasuot ng scream mask. Hindi ko na kailangan pa mag-isip ng mabuti dahil alam ko na kaagad kung sino ito.

“Hi,” bati niya. “Sorry, pumunta ako kaagad dito nang walang pasabi.”

Napalunok ako habang nakatitig sa maskara na suot niya. Bagay sa damit niya ang maskara dahil naka-all black na naman siya. Mukhang binabagay niya ang suot niya sa maskara, yun nga lang ay mukhang may patay.

He cleared his throat, “hindi ko na kayang hintayin hanggang sa ready ka nang pag-usapan ang mga nangyari sa atin.” Isinara niya ang pinto at sumandal doon. “I know that I am just forcing things. Hindi ko na talaga kayang tagalan. Please… let's talk about us.”

I swallowed the lump in my throat. “Talk.”

“As much as I want to talk, I don't know where to start, Astrid. Just ask me anything you want to know.”

I took a deep breath, gathering my courage to bring stability to my voice. Things that happened between us have been a sensitive language that I don't want to talk about.“Why did you changed?”

“I didn't changed, Astrid. Mahina ako, hindi ko magawang tumanggi sa mga kaibigan ko at yon ang mali ko. Mali ko na mahina ako noong mga panahon na yon at hinayaan kita kasi akala ko ayos lang sayo.”

Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan. “Why did you disappeared?”

“Nawala ako dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang mga bagay na nangyari. Natatakot ako na masaktan ka pa lalo kapag nag-stay at nagpumilit ako sa tabi mo. Iniisip ko na baka mas mabuti na mawala na lang ako sa buhay mo.”

“Pero hindi mo ba naisip na mas masasaktan ako dahil iniwan mo ako ng ganun-ganun na lang? Ng walang paliwanag na natatanggap galing sayo?”


Tumango siya. “Naisip ko, Astrid. Pinagsisisihan ko ang mga nangyari at wala akong magawa kundi tanggapin na lang na wala ka na sa akin at ako ang may kasalanan dahil ako ang nagkulang. Gusto kong bumawi at itama ang mga pagkakamali ko.” Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko ang pagkabasag ng kanyang boses.

Ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Everytime na makikita ko siyang vulnerable, parang pinipiga ang puso ko at nanghihina ako.

Naubos na ang mga salita ko. Ang mga tanong ko. Ang mga tanong na limang taon nang gumugulo sa aking isipan ay isa-isang naglalaho hanggang sa maubos na ang mga ito.

Wala na ang mga tanong na gusto kong masagot.

Bumuntong hininga ako. “Tama na,” mahinang sambit ko. Ang maayos niyang sandal sa pintuan ay kakikitaan ng biglaang panghihina. Ang hindi pantay na pagtaas baba ng kanyang dibdib ay sunod-sunod. “Pagod na ako, Gabriel.”

Bumuntong hininga ako at bumangon mula sa pagkakahiga saka tumitig sa maskara.

“Take off your mask. It's annoying.” It's making me think of some things. Some means unholy.

Hindi siya sumunod. Nakasandal pa rin siya sa pintuan, ang bagay na nagpapanatili sa kanya na nakatayo pa rin.

“Take it off, Gabriel,” matigas kong saad. His large hand slowly reached for the mask but his hand just stayed there. “I said take it off.”

This time, sumunod siya. Nakayuko siya habang hawak ang maskara sa kaliwa niyang kamay. Ayaw niya mag-angat ng tingin.

Tumikhim siya, “I think I should go,” mahinang sabi niya habang nakayuko.

His hand reached for the door knob and about to turn it when I spoke. “Face me, Hernandez. Hindi pa tayo tapos.”

Napalunok siya pero hindi siya nag-angat ng tingin sa akin. Nanatili lang siyang nakatungo at walang kagalaw-galaw kahit kaunti.

“Gabriel Hernandez! Don't make me force you!” Feeling ko ay bumabakat na sa balat ko ang mga ugat ko dahil sa sobrang pagkairita. Para siyang walang naririnig dahil hindi pa rin siya gumalaw.

Pinakalma ko ang sarili para hindi ko siya mabato ng  unan. Bumuntong hininga ako ng ilang beses. Paulit-ulit ko iyon na ginawa hanggang sa mawala ng tuluyan ang pagkabwisit ko.

“Eyes on me, my love.” Biglaan siyang nagtaas ng tingin sa akin. His surprised eyes settled in my tender yet serious eyes.

Naestatwa siya sa kinatatayuan, naka-awang ang mga labi habang hindi makapaniwala ang tingin sa akin.

Napalunok siya at hinamig ang sarili. “Astrid… say you meant what you just said.”

I smirked, “of course I mean it. Moron,” pabulong ko lang na sinabi ang huling salita ngunit mukhang narinig niya ito dahil sumama ang tingin niya sa akin. “Tama na, pagod na ako Gabriel,” I paused. “I'm too tired pretending that I no longer want you in my life.”

“Astrid…” he's overwhelmed by what I said that he fell into his knees. “Let's start over, please? I'm begging you…” he pleaded.

I smiled sweetly, “no more begging, Gab. Let's start over.”

“Let's begin,” he paused and walked towards me while still on his knees. “Again.”

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now