18

35 2 0
                                    

Matapos niya akong tanungin sa loob ng elevator ay hindi na niya ako tinanong pa ulit. Dumeretso lang kami sa kotse niya. Walang imikan nang makasakay kami, walang nagsalita.

Hindi ko rin naman ine-expect na magsalita siya dahil iniisip ko pa ang tanong niya sa akin.

Kung papayag ako na pag-usapan ang tungkol sa amin, ano naman ang sasabihin niya? Wala rin naman siyang sasabihin dahil wala namang dapat pag-usapan. Wala nang mababago dahil nangyari na ang mga iyon. Hindi na yon mababalik.

Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse niya nang huminto kami. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin. Pagkababa ko ba at pumasok ako sa bahay, hindi ba ako sasampalin ni mommy?

Shit! Dapat naisip ko iyon bago ako umalis.

“Bababa ka ba dito o doon ka muna sa amin?”

Napatitig naman ako kay Gabriel nang magsalita siya. Hawak niya na ang nakabukas na pintuan habang nakakunot ang noo sa akin.

Nakagat ko ang ibabang labi at walang ibang nagawa kundi ang bumaba. Nang makababa ako ay isinarado ni Gab ang pinto, kinuha niya sa likod ng kotse niya ang maleta ko.

Napa-igtad ako sa gulat nang pumulupot ang kanang braso niya sa bewang ko. Imbis na alisin niya ang braso ay lalo niya lang hinigpitan ang hawak sa akin. Pinagbuksan kami ng kasambahay namin ng pinto.

Nang makapasok kami ay nasa sala si mommy. Kaagad itong napatingin sa akin. Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit, napabitaw naman si Gabriel sa akin at lumayo ng kaunti.

Habang yakap ako ni mommy ay nabasa ang balikat ko. Hindi ko magawang yakapin pabalik si mommy dahil pakiramdam ko ay napakasama kong anak para iwanan sila ni Daddy.

Pinunasan ni mommy ang luha sa kanyang mukha at bumaling kay Gabriel. “Salamat sa pag-uwi sa kanya dito.” Tumango lang ang lalaki at umalis na kaagad.

Muli akong hinarap ni mommy at hinawakan ang magkabila kong pisngi. “Bakit ka umalis ng walang paalam? Nag-alala kami sayo.”

Napayuko ako at hindi alam ang isasagot. Ayaw ko sabihin na kaya ako lumayo ay para makapag-pahinga sa ginagawa nila. Masasaktan ko lang si mommy.

Hinalikan ako ni mommy sa noo, nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Pahinga ka muna, mamaya na lang tayo mag-usap.”

***

Nang gabi na ay bumaba na ako. Sakto naman na nandoon na rin si Daddy. Napalunok ako dahil sa tindi ng titig nito sa akin. Tumayo ito at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin na kakababa lang sa hagdan.

“Kailangan mo magpaliwanag.”

Sumunod ako kay Daddy sa kusina, kung saan nakalatag na ang mga pagkain. Nang makarating kami sa kusina, naramdaman ko ang bigat ng katahimikan. Ang mga mata ni Daddy ay naka-tutok sa akin, ang kanyang mukha ay seryoso at walang imik. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa, ngunit nawala ang gana ko dahil sa bigat ng sitwasyon.

“Ano ang dahilan ng pag-alis mo?”

Nahigit ko ang hininga, nanginginig ang aking kamay at mabilis ang tibok ng puso ko.

“Sorry Daddy,” sabi ko. “Gusto ko lang subukan at malaman kung ano ang pakiramdam ng makalayo.”

“Hayaan mo na, nandito naman na siya. Umuwi na siya,” singit ni mommy. “Inuwi siya ni Gabriel.”

Kumuyom ang kamao ko. “No, 'my. Hindi niya ako inuwi. Nahanap niya lang ako at pinilit akong umuwi kahit na balak ko na rin naman talagang umuwi.”

“Ganon pa rin yon, Ashie. Siya ang naghatid sa'yo dito.”

Hindi na lang ako nagsalita pa dahil hindi naman yon lulusot pa kay mommy. Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko si mommy na magligpit.

“You should date Gabriel tomorrow, pambawi man lang sana dahil hindi siya tumigil kahahanap sa'yo.”

Napapikit ako ng mariin. Not again.

“Araw-araw siyang pumupunta dito para alamin kung bumalik ka na ba.”

“Mom…” I grunted.

“Seriously, Astrid. Bumawi ka naman sa kanya. Ikaw naman ang mag-organize ng date ninyong dalawa,” dagdag pa ni Mommy.

“Mom… stop.” Humigpit ang kapit ko sa hawak na plato. Ramdam ko ang pasensya ko na unti-unting nawawala. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Gabriel pagkatapos ng lahat. Ginugulo pa rin ako ng tanong niya sa akin. "Hindi ganun kadali ang lahat," sabi ko, ang aking boses ay puno ng pagkapagod. "Hindi mo naiintindihan..."

Nagpatuloy si Mommy na tumingin sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng pang-unawa at pagmamahal. "Astrid," panimula ni mommy sa boses na mahinahon. "Alam kong mahirap ito para sa'yo. Pero alam ko rin na mahal mo si Gabriel. At alam kong mahal ka rin niya."

“Mom… tama na.” Inilapag ko sa lababo ang plato na hawak.

“Astrid naman…”

“Stop it, mom!” Nagulat si mommy sa biglaan kong sigaw, maski ako ay nagulat at hindi ko inaasahan na magagawa ko iyon.

Habol ang hininga ko habang ang balakang ko ay nakadikit sa lamesa, ang kamay ay nakatukod dito, nakatingin ako kay mommy na nakaharap na rin sa akin dahil sa pagkagulat.

Ramdam ko ang titig sa likuran ko pero hindi ko iyon magawang lingunin.

Napahikbi ako, kaagad kong itinakip ang kanang kamay sa bibig para pigilan ang sunod-sunod na hikbi. I swallowed the lump on my throat as I uncover my mouth.

“Tama na, mommy… Please?” I pleaded.

Hindi nakasagot si mommy nang makita ang itsura ko. Ang kamay niya na puro bula ay hindi niya nagawang banlawan.

Kahit hirap na hirap, naghila ako ng upuan at naupo doon. “I'm sorry, mommy,” sabi ko. “Nagkaroon ako ng boyfriend dati at hindi ko sinabi sa inyo.”

Ipinunas ni mommy ang kamay sa suot niyang shorts at naghila ng upuan saka tumabi sa akin; ganoon din ang ginawa ni Daddy.

“Boyfriend material siya noong nanliligaw pa lang, tapos noong sinagot ko na, nagbago ang lahat.” Pinunasan ko ang luha na nagpapalabo sa paningin ko saka nagpatuloy, “iyon ang naging dahilan kaya hindi niyo siya nakilala. Pagkatapos ng maraming taon, bumalik siya. B-bumalik tapos… inireto sa akin.”

Tinakpan ko ang mukha at humagulgol. Nang bahagyang kumalma ay muli akong lumunok at bumuntong hininga. “Si Gabriel yon, mommy, daddy. Siya yung naging boyfriend ko noon…” Mahinang sambit ko.

Hindi ko na mahanap ang boses ko kaya tahimik na lang akong umiiyak. Hindi ko maikaila sa sarili ko na kahit nahihirapan akong huminga ngayon, nabunutan na ako ng tinik, ang tinik na matagal nang nagpapahirap sa akin ay tuluyan nang nawala.

Maginhawa sa pakiramdam, nawala na ang matagal ko nang itinatago pero hindi ko maiwasan na mabahala.

Ano na ang mangyayari pagkatapos nito?

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now