Epilogue

37 0 0
                                    

Nagising ako mula sa pagkaka-idlip nang marinig ko ang kanta na pumailanglang sa speaker ng kotse. Nagkusot ako ng mata at tumingin sa bintana, umaandar pa rin ang kotse.

Through the lows and the highs, I will stay by your side.

“There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light,” pagsabay ko sa kanta.

“When the sky turns to grey and there's nothing to say. At the end of the day,” pagsabay naman ni Gabriel habang nagdadrive. Ang lamig ng kanyang boses ay napakasarap sa tenga.

“I choose you,” sabay na pagkanta namin.

Patuloy pa rin ang pagtugtog ng kanta sa speaker at mataman namin iyon na pinakikinggan. Halos tatlong oras na siyang nagmamaneho at hindi pa kami nag-stop over kahit isang beses. Hindi pa siya nakakapagpahinga.

“Kanina ka pa nagdadrive dyan, palit muna tayo,” alok ko sa kanya.

Saglit lang siyang bumaling sa akin at ibinalik kaagad ang tingin sa daan. “Nope. Kaya ko na to.” Ngumuso na lang ako at tumingin sa labas ng bintana. “Gutom ka na ba?”

Umiling ako kahit na alam ko na hindi niya kita iyon. “Kumain ako bago tayo umalis. Huwag mo ako intindihin.”

Inabot pa kami ng isang oras sa kalsada bago makarating sa talagang pupuntahan namin. Inihinto niya ang kotse saka siya bumaba para pagbuksan at alalayan ako.

A two storey house stood in front of me. Painted with warm earth tone, with large windows which allows light to flood the interior. Bumaba ang tingin ko sa lupa, kung saan may iba-ibang uri at kulay ng halaman na nakatanim.

Nauna siyang lumapit sa bahay at binuksan ang pinto. Nang mabuksan niya ito ay nilingon niya ako kaya kaagad akong lumapit para makita ko pati ang loob ng bahay.

Napa-awang ang labi ko nang makita ang sala ng bahay. Malawak ito at may mga sofa sa harap ng malaking flat screen TV.

“Maganda ba?” tanong ni Gabriel nang tumayo siya sa tabi ko. Sunod-sunod akong tumango habang nakangiti.

“Sobra.”

“Magiging bahay mo na rin ito. Masaya ako na nagustuhan mo.”

Lalong lumawak ang ngiti ko. “Ang sabi mo lang sa akin ay nagpapagawa ka ng bahay. Hindi mo sinabi na bahay pala natin ang pinagagawa mo.” Hindi siya sumagot kaya dahan-dahan akong umikot para harapin siya.

Nakaluhod ang dalawang tuhod niya habang hawak ang isang maliit na velvet na kahon at may singsing sa loob.

“Marry me, Astrid. This house is yours, too. You can do whatever you want in this house, you can change the paint, you can decorate this whole house with whatever you like, just marry me. I can be your slave, your servant, name it, I can be whatever you need. Gawa na ang magiging bahay natin kaya hindi ko matatanggap kung hindi ka papayag,” Mahabang litanya niya.

Natawa ako sa kanya, “kung wala akong balak pakasalan ka, sa tingin mo ba ay bibigyan kita ng isa pang chance?” Napailing ako at inilapit sa kanya ang kamay. “Of course I will marry you.”

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay at pumasok sila mommy at sila tita Elena. Nagpunas ng luha si mommy at tita Elena habang nakatitig sa daliri ko ma may singsing. Hindi pa man sila napakalapit ay mukha na silang papalahaw ng iyak.

“Sabi ko na sayo, para sa isa't isa ang mga anak natin,” wika ni tita Elena. Tumayo mula sa pagkakaluhod si Gabriel ay tinabihan ako ng tayo sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko.

Masayang nagkekwentuhan ang mga pamilya namin sa sala at paminsan-minsan ay sumasali si Gabriel sa usapan nila.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakamasid sa kanila. Sino ba ang mag-aakala na aabot pa kami sa ganito pagkatapos ng lahat ng nangyari?

Akala ko ay wala na, akala ko ay matatapos na kami. Mali pala ang akala ko sa simula pa lang. Kahit na ilang beses ko siyang isinumpa noon, siya pa rin ang kinahantungan ko.

* * *

Second chances.

It is really rare but if you were given one, you should be thankful. Just like he did.

Hindi niya sinayang ang pagkakataon na ibinigay ko sa kanya. He become better, better than he was before. Hindi niya ako binigo at talagang pinakita sa akin na nagbago na siya.

Kung hindi ko siguro siya binigyan ng pangalawang pagkakataon, malamang ay walang kami ngayon, baka minumura ko pa siya sa isip ko ng paulit-ulit at wala dapat ako sa bahay na pinatayo niya para maging bahay namin.

Hindi masama ang magbigay ng pangalawang pagkakataon, huwag lang maging pangatlo, pang-apat at higit pa.

Malay mo ay sa pangalawang pagkakataon na ibibigay mo ay talagang bumawi na siya at ibang iba na sa dati.

I am Astrid Garcia, soon to be Astrid Hernandez, is thankful and will forever be because I gave my man a second chance.

* * *

T H E      E N D . . .

BEGIN AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon