13

28 3 0
                                    

“Hi, tita Bridget!” rinig ko na boses ni ate Clara mula sa sala. “Hihiramin ko po sana si Astrid dahil pupunta po kami sa birthday-han ng business partner ko. And kailangan din po na by pair ang bisita. Like, ako po then may partner ako na lalaki and ganon din po kay Astrid dahil kasama siya sa party. Ibabalik ko naman po siya ng buo, pangako po.”

“Papayag lang ako kung si Gabriel ang escort ng anak ko.”

Lumabas na ako sa kusina at naglakad papunta sa sala. “May partner na po kasi si Astrid at yon na po ang susundo sa kanya dito mamaya.” Napakamot sa ulo si ate Clara, “saka si Gabri po, uhm… tambak na po ang trabaho niya dahil palagi niya nga po na iniiwanan ang mga yon kaya tumambak.”

“Siya ang lalaki na pinagkakatiwalaan ko sa anak ko. Kailangan ba talaga ni Astrid pumunta?” Napabuntong hininga na lang si mommy. “Sino ba ang escort ni Astrid?”

Sunod-sunod na tango ang ginawa ni ate Clara. “Zacharius Napoles po. At dahil assistant ko po si Astrid ay kailangan na nandoon siya.”

Walang ibang nagawa si mommy, bumaling ito sa akin at saka ibinalik ang tingin kay ate Clara. “Ibalik niyo siya ng buo.”

A simple spaghetti strapped silver mermaid dress adorned with silver sequins is in the box when I opened it. Sinabi kasi ni ate Clara na huwag ko muna bubuksan kaagad.

Naka-robe lang ako dahil katatapos ko lang maligo nang mapagdesisyunan ko na buksan na ang box. Matagal ko itong tinitigan habang hawak ko. Napalunok ako at ibinaba yon sa kama. I should get ready.

Napatulala na lang ako sa hawak ko na eyeshadow pallette. Paano ba to gamitin? As if on cue, kaagad na bumukas ang pintuan ng kwarto ko at paglingon ko doon ay pumasok si mommy at kasama nito ang isang kasambahay namin.

Walang salita na lumapit ito sa akin at kinuha ang palette na hawak ko saka kumuha ng kung ano-anong klase ng brush at ginamit sa mukha ko. Nang matapos siya ay tinignan ko ang itsura ko sa salamin, parang hindi na ako.

Napabaling ako sa kanya nang ipatong niya sa hita ko ang susuotin ko na dress. Kaagad ko na nakuha ang ibig niyang sabihin kaya tumayo ako ay tumalikod sa kanya. Padded ang dress kaya hindi na ako nagsuot pa ng bra. May zipper ito sa likod at hindi ko maiabot para isara pero kaagad naman itong isinara ng kasambahay namin.

Nang masiguro niya na wala na akong kailangan ayusin ay lumabas na siya sa kwarto ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin, napaawang ang aking bibig sa nakikita.

Niyayakap ng tela ng suot ko ang kurba ng katawan ko. V-neck ito kaya kitang-kita ang bandang itaas ng dibdib ko. Hinugot ko mula sa lalagyanan ang glittery silver pumps at isinuot yon.

Dinampot ko ang black na clutch bag at bumaba na. Napatayo si mommy nang makita ako at tinitigan pa ako ng mabuti.

“Ang ganda mo, anak…” ngumiti ako kay mommy at naglakad palapit sa kanya.

“Syempre, 'my. Mana ako sayo.”

Napailing ito, “halika, picture-an kita habang wala pa sundo mo.”

Hindi ko alam kung ilang takes ang kinuha ni mommy. Inubos namin ang oras sa pag picture sa akin hanggang sa dumating si ate Clara.

“Oras na para umalis.” Bumaling siya kay mommy, “ibabalik ko po ng buo ang anak niyo.” Tumango lang si mommy kaya lumabas na kami.

Isang limousine ang naghihintay sa amin sa labas ng bahay. Pinagbuksan kami ng driver at nang makapasok ako ay dalawa ang lalaki sa loob. Si Zach ang isa at ang isa ay hindi ko kilala, baka siya ang escort ni ate Clara.

Maayos ang naging biyahe namin papunta sa party. Wala ni isa ang bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse kanina. Kahit sa labas ng malaking bahay na nasa harap ko ay maliwanag. Tuluyan na kaming bumaba sa kotse at ipinakita sa guard ang mga dalang invitation. Wala akong hawak dahil na kay Zach ang akin. Nang makalampas kami sa guard ay kinuha niya ang kamay ko para ihawak sa braso niya.

Hindi ko napigilan ang pag-awang ng labi ko nang mabistayan ang paligid. Sobrang liwanag sa labas dahil sa mga ilaw at sa loob naman ay simple lang ang ayos.

Hindi nito naabot ang inaasahan ko na itsura pero maganda ito kahit simple. May fountain sa gitna at may mga bilog na lamesa sa gilid. Sa itaas ng fountain at may malaking chandelier. Ang malalaking bintana ay nilagyan ng kulay pulang kurtina pero nakatali ito sa gilid para hindi matakpan ang bintana. Hindi nila ako iniwan kahit pa marami ang kumakausap sa kanila.

Nananakit ang binti ko nang mapagdesisyunan nila na maupo na lang muna. Pwede na kumuha sa buffet table kaya tumayo ang dalawang lalaki na kasama namin para kumuha ng pagkain.

“Okay ka pa?” tanong ni ate Clara.

Ngumiti ako ng maliit at tumango. “Medyo masakit nga lang yung binti ko.”

May kumausap na naman kay ate Clara kaya nagmasid na lang ako sa paligid. Parang ayaw ko na pala na ipasa sa akin yung kumpanya. Halos hindi ka pala titigil kakasalita kasi may kakausap at kakausap sayo kahit na manahimik ka lang sa isang tabi.

Bumalik na ang dalawang lalaki at apat na plato ang dala nila. Napangiti ako nang makita na may cupcakes sa plato ko. Iyon ang una kong kinain at pinabayaan na silang tatlo na mag-usap. Kausapin ko lang yung cupcakes ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko naubos ang kinakain ko. May naglapag ng wine sa mesa namin at kasabay non ay ang pagdating ng may birthday.

Nagsitayo silang lahat kaya wala akong choice kundi ang gumaya. Nakatayo ako habang hawak ang wine glass sa kanang kamay.

“Bantayan mo si Astrid,” bilin ni ate Clara bago umalis at iwan kaming dalawa ni Zach. Bahagyang lumakas na rin ang tugtog at nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko na umindak ng hindi kaanong pansinin.

Uminom ako sa hawak na wine habang patuloy ang pasimpleng pagsayaw nang may braso na mahigpit na pumulupot sa bewang ko.

“Ang higpit ng kapit mo, Zach.” Natawa ako, “hindi naman ako mawawala.”

Imbis na alisin ang braso niya ay lalo lang itong humigpit sa bewang ko. Ang balak ko ay lingunin ito pero nang malanghap ko ang pabango niya ay nanigas ako sa kinatatayuan.

He let out a deep hearty chuckle making me froze even more. “What? Realized I'm not him?” he asked.

Lumuwag ang hawak niya kaya umikot ako para harapin siya. “Anong ginagawa mo dito? Diba tambak ang trabaho mo?”

Itinaas niya ang kanang kilay, “may invitation ako.” Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, "at isa pa, may ibang partner yung inireto sa akin, so, I dropped everything just to be here."

Napaawang ang labi ko, pero hindi dahil sa huling sinabi niya. Invitation… and it means may partner siya. May kung anong kumirot sa loob ko at ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

Muli niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko, “iuuwi na kita.”

“Hindi mo siya isasama,” sabi ng boses sa likuran ko. “Kasama ako na sumundo sa kanya kaya ako ang dapat na mag-uuwi sa kanya sa bahay nila.”

Lalong humigpit ang hawak sa akin at hinila ako papunta sa tabi niya kaya kitang kita ko ang magkasalubong na kilay ni Zach.

“Sa akin siya ipinagkakatiwala ng mommy niya, hindi sa kahit na sino lang.” Hinila na niya ako paalis sa party. Hila-hila niya ako hanggang sa makarating kami sa parking.

Binuksan niya ang pinto at pinapasok ako. Siya na din ang nagkabit ng seat belt ko. Nang isinara niya na ang pinto ay napangiwi ako, pakiramdam ko bumakat ang malaki niyang kamay sa bewang ko.

“Bagay sayo yung suot mo,” sabi niya nang makapasok sa kotse. Ini-start niya na yon at pinaandar. “Kitang-kita yung hulma ng katawan mo.” Humigpit ang hawak niya sa manibela.

“Bakit mo ba ginagawa to? Don't tell me they asked you to do this?” tanong ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga. Hinarap niya ako panandalian, “does this look like that?”

Does it? I don't know.

“I thought we're faking it? Ano itong ginagawa mo, Gab?”

Inihinto niya ang kotse sa gilid ng daan at hinarap ako. “Does this,” he frustrated lying run his long fingers through his hair, there's helplessness in his black eyes. “Look fake to you?”

BEGIN AGAINWhere stories live. Discover now