12

26 3 0
                                    

Tatawa-tawa ako habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ni Zach nang maalala ang reaksyon nila mommy kahapon.

“Tumatawa ka na naman mag-isa dyan,” puna nito sa akin habang nakangiti at nakafocus sa daan— well, a bit.

“Kailangan ba groupings?” Mas lalo akong natawa dahil napasimangot ito habang deretso sa kalsada ang tingin. Napailing na lang ako dahil hindi na ito sumagot.

++Flashback.

“Mas bagay si Astrid kay Napoles.” Napaawang ang labi naming lahat dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na sasabihin yon ni ate Clara dahil sinigawan niya pa yung lalaki na yon. Dahil nakasandal ako, kita ko ang pag-igting ng panga ng katabi ko.

“At sino naman yon?” Inis na tanong ni tita Elena. Nang bumaling ako kay mommy ay nakaawang pa ang labi nito, hindi pa nakakabawi sa gulat.

“Kaibigan ko,” nagkibit balikat si Ate Clara. “Bagay nga sila eh.”

Biglang napatayo si tita Elena. “Hindi maari! Si Astrid ay para lamang kay Gabriel!”

Nagkibit balikat muli si ate Clara. “Okay, whatever you say.”

++End of flashback.

“Nandito na tayo,” anunsiyo ni Zach. Bumaba na ako at tumingin sa paligid, ang una kong napansin ay ang taas ng kinatatayuan namin. Nasa mataas na lugar kami, mapuno at halos walang tao.

The gentle wind kisses my cheeks when suddenly, gentle wind is replaced by a harsh wind, blowing my worries away with it.

Pinaglalaruan ng hangin ang buhok ko, ginugulo, hinahararang sa mukha ko. I felt a pair of hands, gathering my hair and tied it into a ponytail.

Nang lingunin ko ito ay malamlam na mata ni Zach ang unang nakita ko. “How do you feel?”

Napalunok ako. Ito ang unang beses na may nagtanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko. The first time I felt that my feelings still matter.

“Hindi ko alam ang isasagot ko,” mahinang sagot ko habang nakatingin sa malayo na punongkahoy at ulap lang ang makikita. Sigurado ako na nasa mataas na lugar kami.

Tumabi siya sa akin at tumitig ng deretso sa mga mata ko. “Free those emotions. I know that's overwhelming. Release them.”

Traydor ang mga mata ko dahil ito ang unang bumigay matapos sabihin ni Zach ang mga bagay na yon. Saltiness runs down my cheeks endlessly, a lump in my throat and my eyesight blurry.

Niyakap niya ako at sumubsob ako sa dibdib niya. Marahan niyang tinatapik ang likod ko, pinapatahan ako. Pero imbis na tumahan, lalo lang akong napaiyak.

Humiwalay ako sa yakap niya at sinilip ang ibaba ng kinatatayuan namin. Humawak ako sa harang nito at pinuno ng hangin ang aking baga.

“Pagod na ako magpanggap!” Malakas na sigaw ko. Kaagad na nanghina ang mga tuhod ko nang gawin ko iyon pero inulit ko. “Ayoko na! Sawang-sawa na ako!”

“Hindi ko na kayang tiisin ang lahat!” Napasinghap ako habang patuloy na lumuluha. “Napapagod na akong magpanggap na ayos lang ang lahat!” Napahagulgol ako habang mahigpit na nakakapit sa harang, as if my life depends on it and that I will die if my grip loosened.

Mula sa likod ko ay nakaramdam ako ng presensya at bago pa ako makalingon ay pumulupot na sa akin ang mga braso nito. Sa kabila ng nanlalabong paningin, nangatog ang aking mga tuhod ko at hindi na kinayang suportahan ang bigat ko.

Dahil sa braso na nakapulupot sa akin ay hindi ako natumba. Patuloy lang ako sa paghagulgol kahit na naninikip na ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga.

Hindi lumuwag ang hawak ni Zach sa akin, nanatili iyon na mahigpit para hindi ako mapasalampak sa lupa. Ilang malalalim na hininga ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko dahil napapagod na ako sa kaiiyak.

Nang bumalik ang lakas ng tuhod ko at nakatayo na ako ng maayos, inalis na ni Zach ang braso niya na nakapulupot sa akin.

Sinamahan niya ako habang nakatingin sa malayo at tahimik na lumuluha, nasa tabi ko siya hanggang sa magsawa ako kakatitig sa mga puno na nasa harapan ko, sa mga ibon na malayang lumilipad, maging sa paggalaw at pag-untugan ng mga sanga ng puno na lumilikha ng tunog ng mga dahon.

Mataas na ang sikat ng araw nung inaya niya ako na bumalik na sa office pero dumaan muna kami sa restaurant.

Nag-order siya ng steak at ang akin naman ay carbonara. May dalawang baso ng kape bilang complementary drink sa amin at nang matapos kami kumain ay nagdrive na siya pabalik sa kumpanya ni Ate Clara.

“Ayos ka na ba?” kakikitaan ng pag-aalala ang mata ni ate Clara. Ngumiti ako at bahagyang tumango para mapanatag siya kahit kaunti.

Bumaling siya sa lalaki na kasama ko. “Salamat, Zacharius.”

Tumango ang lalaki. “Lahat ng tao ay kailangan ng kapayapaan at katahimikan kahit sandali. Alis na ko.” Nang makalabas na si Zach ay nagsimula na agad ako sa pagtatrabaho. Halos kalahating araw din akong wala dahil nga iginala ako ni Zach.

Mabilis ang kilos ko sa pagpili pero sinisiguro ko na ang magagandang design ang na-approve ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho pero nakaramdam ako ng ngalay kaya nag-unat ako sandali. Sakto naman na nag-abot si ate Clara ng ice cream.

“Break muna. Kanina ka pa nakasubsob dyan,” naupo siya sa upuan niya na hinila niya papunta sa tabi ko. “Ano nangyari sa lakad niyo?”

Ngumiti ako ng maliit, “ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan kasi nakalayo ako pansamantala,” sagot ko.

“Kalayaan ang gusto mo.” Natigil ako sa pagkain sa ice cream. “Gusto mo makalayo sa mga dahilan ng paghihirap mo.” May ngiti na sambit ni ate Clara, pero mapait ang ngiti niya.

Dahan-dahan akong tumango. Totoo ang sinabi niya, gusto ko yon. Binabalak ko na nga sumunod kay Alicia sa bundok para makapagtago ako sa lahat.

O kaya ay maglaho na lang bigla pero hindi naman magugustuhan yon ng mga magulang ko kaya baka sundan ko na lang si Alicia sa bundok.

Kinagabihan ay tumawag sa akin si Alicia, “hey, guess what? Pauwi na ko.”

Napanganga ako at walang mahagilap na salita. Nagbubukas-sara ang bibig ko pero wala ni isang salita ang lumabas mula dito.

“Nandyan ka pa? Sabi ko pauwi na ko.”

Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan. “Legit ba to?”

Natawa naman siya sa sinabi ko. “Mukha ba akong nagbibiro?” tanong niya.

“Hindi naman—”

“—inom tayo pag-uwi ko.”

“Ayan ka na naman!”

BEGIN AGAINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz