CHAPTER 1

370 10 1
                                    

                                                             
Art's P.O.V

Limang taon ng nakalipas hanggang sa ngayon ay hinahanap ko pa rin ang unang babaeng nagpaligaya sa akin at ang babaeng Hanggang ngayon ay hinahanap ko.

I've never been fucked a woman before. Yes, malandi akong tao. Pero wala pa akong ikinama hanggang sa nakilala ko yung babaeng 'yun.

She's my first, my all. Kaya hindi ako nakakapagpukos sa pag-aaral dahil sa babaeng 'yon, lagi niyang ginugulo ang isip ko, lagi rin akong pinapagalitan ng mga prof dahil sa subrang lutang ko.

Sana makita ko ulit siya...

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang lumabas ng kotse. Nasa bahay ako ngayon ni dada, at sigurado akong sesermonan na naman ako nun.

Though I won't mind her cause para din naman iyon sa kapakanan ko bilang isang anak. But, kadalasan kasi ay sumusubra na siya e kaya minsan hindi ko nakakaya ang ugali niya at nakakapagsalitaan ko nalang siya ng kahit ano. Like, minumura ko siya. But in the end, humihingi din naman ako ng tawad.

Crazy, isn't?

"Good morning, ma'am." Bati ni kuyang guard, binigyan ko lang ito ng tipid na ngiti saka ng sinimulang maglakad papasok sa loob ng bahay.

Pinihit ko ang door knob at ang unang bumungad sa akin ay ang taong kinamumuhian ko. Nagbabasa ito ng news paper habang sa may bandang gilid niya ay dalawang tasang kape.

Nakaramdam siguro siya na parang may nakatitig sa kanya kaya nag angat ito ng tingin. Hindi maipinta ang mukha niya, masamang-masama itong nakatingin sa akin, kulang nalang ay mapapatay niya ako.

"What the hell did you do again Ezikhiel Juarez?!" Napapikit nalang ako dahil sa bulyaw niya. Hindi na talaga siya nagbago. She's always like that. Wala talagang preno ang bibig niya.

"I'm not in the mood, old woman."

"Wala ka bang respeto?! Ganyan ba kita ipinalaki?!" Napatingin naman ako sa sinabi niya. Tumawa ako ng pagak saka napahawak sa tungki ng ilong ko.

"Ipinalaki? Heaven knows na, 4 or 5 years old palang ako, wala kana sa bahay! Lumayas kana dahil sa putanginang first love mo na yan! Mahal mo siya? Ang tanong, mahal ka ba niya? Nasaan na siya?" Sarkastiko kong sabi dahilan upang magsalubong ang dalawang kilay niya. Kumuyom ang kamao niya na para bang gusto niya akong suntukin.

"Wag mo siyang idamay..." Yumuko ito at hinawakan ang tungki ng ilong niya bago muling tumingin sa sa akin. "...Kung hindi lang sana malandi ang mommy mo, edi sana wala ka ngayon."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Wow, as in wow. Parang labag sa loob niyang tanggapin na anak niya ako, ah. Ano? Nagpapakasarap siya tapos pag nag bunga ipagtataboy lang niya.

Wow nalang talaga.

Lalapit sana siya ng pinigilan ko ito, kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan at parang nagsisi sa mga sinabi niya. Though wala na siyang magagawa pa, sinabi na niya ang gusto at nasa isipan niya.

Proud din ako sa kanya at nakuha pa niyang maging honest. Nice one then.

"Parehas lang kayo ang may kasalanan! Malandi ka rin naman eh. Wag kang magpanggap na parang ikaw lang ang biktima dito! Kung alam niyo ang hahantungan kong magpapakasarap kayo bakit niyo pa ginawa?! At kasalanan ko pa talaga na nabuhay ako sa mundong ito? The hell." Lumalandas na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Siya naman ay nanatiling nakatingin sa akin habang lumuluha din. Hindi ko mabasa ang mga emosyon na nasa mukha niya. Guilty huh?

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now