CHAPTER 28

154 4 0
                                    

                                    
Art's P.O.V

Kasalukuyan akong nasa sariling locker ko ng may nagsalita sa likod ko.

"Puta, grabeng mukha 'yan, bunso!"Sabi ni hulyo sabay tawa.

"Pake mo ba kung masyado akong inlove kay freya."Napatigil naman ito sa pagtawa saka seryusong nakatingin sa akin.

"Ngayon lang 'yan, kinabukasan or sa makalawa or—ay basta, iiyak ka rin sa huli."Nagkasalubong naman ang kilay ko sa sinabi.

"I know, ine-enjoy ko na nga diba? Para pag masaktan ako, edi saktan well."Sabi ko nalang at kinuha ang notebook na nasa locker ko.

"Tch."Tanging sambit niya, inakbayan ako nito at nagsimulang maglakad.

"Huy, val. May bagong prof tayo ngayon."Sabi ni syete, tumili pa ito na ikinailing ko lang.

"I wonder kung siya na ang para sakin."Pumikit pa ito habang hawak ang dibdib.

Diba gusto niya si pres Laurent?

"Isumbong kita kay pres."Sabi ko at tuluyan ng umupo sa tabi niya.

"Huy wag!"Aniya sabay takip sa bibig ko.

"A-ano ba! Ang hilig mong manakip ng bibig, paano kung naka hawak ka ng germs? Pa'no kung may bacteria 'yan? Pa—"

"Good morning."

Ganun nalang ang paglaki ng mata ng mga kaklase ko ng makita ang propesora sa harapan. Pati na rin ako, hala—oo nga pala, Isa ng prof ang pinsan kong si ate red!

"Ay, si ciennt pala, pass."Bulong ng katabi ko kaya lihim akong napatawa.

"So let me introduce myself to you everyone, I'm Red ciennt Juarez. Just address me as 'prof juarez' not 'prof red or ciennt' understood?"Um-oo naman ang mga kaklase ko.

Matapos ang introduction namin ay mabuti nalang at hindi muna siya nag discuss or nag pa oral. Pero nag kwento naman siya about sa life niya, at ang mas worst pa do'n sinali niya ako sa kwento niya.

Like fvck? Sabi niya na bata pa raw ako ay kumain daw ako ng sariling tae ko.

Wala namang mali d'on dahil wala pa ako sa tamang pag-iisip kasi nga bata pa ako. Pero kadiri lang pakinggan, damn it.

Puno ng tawa ang maririnig mo sa buong room namin kanina, kaya sinamaan ko lang ng tingin si ate red—ay prof Juarez pala.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko habang ako ay kunot noong niligpit ang mga gamit ko.

Tangina, galit ako kay ete red.

Tangina niya talaga, tangina.

"Mukhang galit ka, val ah. Mauna na ako ha? Baka kasi sakin mo ilalabas lahat ng galit mo."Sabi ni syete, bago ito umalis ay hinalikan niya muna ang pisngi ko.

Bumuntong hininga ako at isinukbit ang strap ng shoulder bag ko.

"Bunso."Agad namang nabaling ang tingin ko kay ate red ng tawagin ako nito.

Ay, nandito pa pala siya.

"What?"Masungit kong sabi.

"Sabay tayo mag lunch sa office ko, wala akong kasama, eh."Inirapan ko ito at lumapit sa kanya.

"Tangina mo ate red, bakit mo naman sinabi 'yon?"Tukoy ko sa kwento niya kanina.

"What? Nagkwu-kwento lang naman ako." Aniya sabay irap. Nagsimula na kaming maglakad habang siya ay nasa gilid ko lang.

Pinag-titigan kami ng ibang estudyante lalong-lalo na kay ate red na walang pakialam sa mundo.

Who wouldn't?

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now