CHAPTER 20

181 4 0
                                    

                               
Art's P.O.V

"Hi stranger! Okay na kayo ni mommy?"Nakangiting sabi ni lein habang naka dequatrong upo sa gilid ko.

Bumisita kasi ako dito sa condo ni freya. I just want to see and bond with her, yun lang pati na rin ang anak ko...soon.

"Yeah, brat."Sabi ko pa tapos ginulo ang buhok niya.

"Hey! Kakatapos ko lang suklayan 'yan, eh."Reklamo niya na ikinatawa ko lang.

"Kanina ka pa?"Kaagad na nabaling ang tingin ko kay freya na ngayon ay naka rob lang. Hala gagi, ang sexy amp.

"Stranger tumutulo laway mo."Bumaling ulit ako kay lein na ngayon ay ngumiti sa akin.

"W-wala na naman, ah!"Tutol ko pa. Talagang wala naman, ah.

Humagikhik ito."Ang cute mo!"Sabi pa niya at pinisil-pisil ang pisngi ko na ikinangiti ko.

"Enough!"Sigaw ng babaeng nakapamewang na nakatingin sa amin, mukhang galit pa ito.

luh, nakakakot meh.

Pati ba naman sariling anak niya pinagseselosan?

"L-let's eat."Namumulang sabi nito sabay iwas ng tingin.

Tumayo naman ako at habang karga si lein like piggy bank lang ganun.

Pagkadating namin sa kitchen ay pina-upo ko ito sa upuan—alangan naman sa lamesa tsk.

***

"Ew, what's with the face, bunso?"Hulyo suddenly asked na ikinawala ng ngiti sa labi ko.

Nandito ako ngayon sa bahay niya. Yes, may bahay siya, pero mas malaki pa din yung akin.

Kasalukuyan akong naka dequatrong upo sa sofa niya habang siya naman ay nasa gilid ko na busy sa pagtitipa ng laptop niya.

"I know that smile of yours,"Inilapag nito ang laptop niya sa may gilid at nag cross arms na tumingin sa akin."Tell me, may nangyari ba na hindi ko alam? Sabihin mo, pinsan mo'ko kaya kailangan dapat kung malaman."Ay wow overreacting si ate.

"I u-uh..."Tumaas naman ang kaliwang kilay na na ikinalunok ko, seryuso Kasi yung mukha niya, eh.

"What's with the, I u-uh?"Ginaya naman nito ang boses ko na ikinatawa ko lang.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay nito kaya nagulat ako ng bigla itong tumayo kinuha nito ang bar stole tsaka iyon linagay sa harap ko at duon siya umupo. Now, we're facing, damn this woman!

she's EWAN.

"Wala akong pinsan na marupok now tell me, nagkabalik ba kayo ni Miss Lewis?"Dahil sa sinabi niya ay parang kinilabutan ako.

Sino ba naman hindi matatakot, yung pinsan mong tawa ng tawa tapos ano pang lumalabas sa bibig ay naging seryuso.

I nodded.

"Wha—are you serious?! But why? May anak nayung tao—gosh ezikhiel!"Napatayo ito habang nakasuklay ang kamay sa buhok nito.

She's frustrated.

"Walang ama yung bata,"Pagsisimula ko na ikinahinto niya.

"Kahit na, Art! May anak pa din siya! Hindi mo ba narinig yung sinabi ng bata na 'DAD' habang kayakap si kuya caylev?!"Bulyaw nito sa na nakapagtayo sa akin.

"What's with the attitude, JULY JUAREZ?! Freya and caylev are just fvcking friends no—a fvcking childhood bestfriend! Pinapanggap lang nila na ama ni caylev si lein para hindi masira ang business nila for fvcking sake!"Sigaw ko naman pabalik dito.

"Wag mo'kong sinisigawan! Mas matanda pa din ako sayo ezi!"Nagngagalaitang sigaw nito sa akin kaya wala sa sariling pumikit ako at bumuntong hininga.

Tama nga siya, she still my fvcking cousin at mas matanda siya sa'kin.

"Oo nga, kaya ka ganyan dahil matanda kana."Wala sa sariling sabi ko dito na ikinataas naman ng kilay niya.

She chuckled but in a sarcastic tone.

"Look at me..."Napagitla ako ng bigla niya akong kinwelyuhan, parang kahapon lang nag beg Kay mokong para hindi bumalik ang dating ako 'kuno' tapos ngayon parang gusto na niyang ibalik."...walang anak si tita ark na katulad mo! At mas lalo siyang walang anak na pumapatol sa may anak!"Hindi ko na kinayanan pa at tinulak ko siya dahilan upang tumilapon siya sa ere.

What the hell with this woman?

Bakit siya nagkakaganito?

She's crazy.

Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sakin, iniisip siguro niyang ano ang susunod kung gagawin.

But no, pinsan ko siya.

"J-just straight to the point,"Umupo ako ulit sa sofa."I love her, I really do, July."Nakita ko pang yumuko ito habang hawak ang tiyan, nanginginig na din ang mga kamay niya.

"Mahal ko siya kaya wala kang karapatan na husgahan ako. Gusto man kitang bugbugin, o ibalibag sa ere, hindi ko magawa—i-i still respect you dahil pinsan kita, at alam kong nag-aalala kalang sa'kin."Nakayuko kung sabi ngunit tahimik pa din ito.

"Gusto mo'kong suntukin? C'mon, yan lang pala ang nakakapanghina sayo? Hindi mo'ko susuntukin dahil lang sa pinsan mo'ko? Ang hina mo naman pala, eh."She uttered in a devil voice kaya nag angat ako ng tingin dito.

"I'm not mahina, your the one who's mahina. Look at you, diba? Hindi mo magawang tumayo? Tsk."Gamit ang baritono kung boses kasi panglalake naman talaga ang boses ko.

"I-i know!..."Tinignan ko lang ito at dahan-dahan naman siyang tumayo—pero nabigo.

I bit my lower lip para hindi tumawa.

"Break up with her."Seryuso nitong sabi na ikinalingon ko ulit sa kanya.

"Why would I?"I asked in a sarcastic tone.

Bakit ko naman hihiwalayan si freya?

Gago ba'to?

"I said—just break up with her, that's it! Para tapos na ang laban."Napatawa naman ako ng malakas at masama itong tinitigan.

"Hihiwalayan ko siya?"I chuckled in a dangerous way,"Dahil kapag nakipaghiwalay ako, ikaw naman ang manliligaw sa kanya?"Dagdag ko pa na ikinabigla niya.

"Sabi ko naman sayo hulyo, eh. Just straight to the point, hindi yung kahit ano pang lumalabas sa bibig mo, like fvck? Dinamay mo pa talaga' ang anak niya. Tsk, hinding-hindi siya mapapasayo, tandaan mo 'yan."Seryuso kong sabi pero siya hindi mapakali. Well, nakita ko lang naman siya nu'ng nasa birthday party kami ng kapatid ni Miss Mcdonni na kausap nito si freya.

[FLASBACK]

Matapos ang sayaw namin ay nag-paalam si freya dahil mag c-cr ito, I Just nodded and smiled.

Naka ilang lagok na ako ng tequila hindi pa rin bumabalik si freya kaya pumunta ako sa cr.

Luminga-linga ako kahit saan, pero hindi ko siya nakita. Hanggang sa napadpad ako may dagat kung saan kami nanggaling kanina

"M-miss Lewis, I-i have something to tell you."Napahinto ako at tumago sa may puno habang pinapanood si hulyo at freya.

Tumango lang si freya pero parang na bo-bord ganun.

"I-i like you."Wait—what the fuck hulyo?!!

Kumuyom ang kamao ko habang pinapanood ang eksena nila.

"Sorry."Yan lang ang salitang lumabas sa bibig ni freya tsaka umalis. Mabuti nalang at hindi niya ako nakita kaya umalis nadin ako sa lugar na 'yon.

Akala ko ba sila ni Miss Mcdonni?

[END OF FLASHBACK]

"Congrats."Sabi ko kay hulyo sabay sindi ko sa sigarilyo at ipinasok iyon sa bibig ko.

"W-why?"Nagtatakang sabi niya.

"Congrats dahil na basted ka."Sabi ko tsaka tumayo, bago ako umalis ay tinignan ko muna siya saka kinindatan. And then, I walked out like there's nothing happened.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now