CHAPTER 30

157 4 0
                                    

                                    
Freya's P.O.V

I'm on my way to zi's house right now, nag-paalam na din ako kay mommy at kay tita A. I was so worried, Anong nakain niya at bakit siya nahimatay?

Fvck that girl, for making me worried.

Bumaba ako sa kotse at nagtungo sa bahay niya. Damn, ang laki ng bahay na'to, tapos siya lang mag Isa ang nakatira?

Nang makarating ako sa loob ay umakyat ako ng hagdan, nadatnan ko ang mga kaibigan niya at pati na rin si ate red, and her cousin.

"Freya, wag ka munang pumasok sa loob." Awat sa akin ni ate red ng akmang papasok ako sa loob ng kwarto niya.

"No, papasok ako."Pagmamatigas ko.

"Wag muna ngayon, Miss Lewis." Si hulyo naman.

My eyebrows arch, anong problema nila?

Pinihit ko ang doorknob ng pigilan ako ni eight. Nag-aalala itong tumingin sa akin.

"Please, wag po muna ngayon." She said.

"Why? What happened to her at bakit ganyan kayo?" I asked them. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Baka masigawan ko pa sila.

"Hindi po namin alam kung bakit siya nagkakaganyan, lahat nga kami pinagalitan niya ng pumasok kami sa room niya." Aniya pa kaya kumunot ang noo ko. Pinagalitan?

What the hell is her problem?

I don't know kung ano ang pumasok sa loob ko at binuksan ang pintuan ng malaki niyang kwarto.

And I saw her, nakasuot ito ng salamin na nababagay sa kanya. Nagbabasa ito ng libro habang may pusang nakakandong sa kanya.

Kaagad nabaling ang tingin niya sa akin mula sa pagkayuko. Maingat na inalis niya sa kandungan ang pusa saka tumayo.

"Why are you here?" Malamig nitong tanong at napa-cross arms pa.

"Cause I'm your girlfriend?"

"Get out!" Nanlaki ang mata ko sa gulat ng sigawan niya ako. Narinig ko pa ang yabag ng paa ng mga kaibigan niya papalapit sa amin.

"What the hell is your problem?" Tanong ko pabalik sa kanya. Napakuyom ako sa kamay ko. Pilit ko pa ding pinapakalma ang boses ko.

Like, seriously? Bakit siya nagkaganyan?

"I said, GET OUT!" Sigaw ulit nito pero nagmatigas ako.

"Why would I? What happened to you? Pumunta ako dito dahil nag-aalala ako sayo! You know why? Because your my fvcking girlfriend!" Sigaw ko sa kanya na siya namang ikinayuko niya, Nakita ko pang pag-itaas baba ang balikat niya.

Wait—she's crying!

Damn, first time kong makita siyang nagkakaganito.

Muli itong nag angat ng tingin at pinunasan ang mga luha niya...

"Just please, leave me alone bago pa ako makapagsalita ng masasakit sa'yo." Aniya, napa taas naman akong kilay sa sinabi niya.

"Like what?" Masungit kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga ito.

"Let's end this."

Napasinghap naman ang mga kaibigan niya at si ate red. And me? Prinoprocess ko ang sinabi niya.

Para akong napako sa kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Lumabas na rin ang luha kong kanina pa tumutulo. Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now