CHAPTER 50

176 7 0
                                    

 Art's P.O.V
                                 
"Ang baduy naman nun!" Sambit ni syete. Napa-iling nalang ako sa kabaliwan niya. Pumunta na naman sila sa penthouse ko dahil nandito ang nga pinsan kong si kuya kiero at mavis. Ang paborito ko sa lahat ng mga pinsan ko. Actually, lahat sila paborito ko.

"Mas puta ka HAHAHA." Kaagad ko namang tinakpan ang bibig nito at bumaling ng tingin sa anak ko na ngayon ay nakikinig pala sa mga ugok niyang tita.

"What the fvck syete and hulyo! Nagmumura na nga lang kayo sa harap pa ng anak ko!" Bulyaw ko sa kanila pero ang mga gago ay tinawanan lang ako. Napakuyom nalang ako sa kamao. Relax art, relax. Baka uuwi sila mamaya sa kani-kanilang bahay na may dugo sa mukha.

"You're cursing too, dada. English nga lang yung sayo." Sabi naman ng anak ko na tahimik lang at kinukulit ang pad niya.Napakamot nalang ako sa kilay kaya mas lalo namang tumawa ang mga ugok kong kaibigan sa sinabi ng anak ko. I gave them a death look kaya huminto sila sa pagtawa at yumuko. Ayan, dapat ganyan nga.

"Baby." Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko sa boses ng babaeng ngayon ay nasa likuran ko na at niyayakap ako ng mahigpit.

Palagi naman niyang sinasabi iyon pero pag lumalabas sa bibig niya ay parang first time niya lang akong tawagin ng ganung endearment, puta kinikilig ang lola niyo!

"Are you okay?" She suddenly asked. Parang may naglalarong paro'paro sa tiyan ko ng dinampian niya ng halik ang leeg ko. "Inaway ka ba nila, hmm?" Gosh, parang gusto ko na sa asawa stage.

Seven faked cough. "Baka nakalimutan niyong may kasama kayo. Parang minumukha niyong single kami kahit ang totoo ay single nga kami." Napa ismid nalang si hulyo sa sinabi ng katabi niya pati na din ako. Natawa lang din ang dalawa kong pinsan na nasa kabilang lamesa na naglalaro ng chess. Yung babaeng nasa likod ko naman ay mahinang tumawa lang. Gosh, ang sarap talaga sa pandinig!

"Ilang taon na nga kayo? 33 right? Ang tanda niyo na pala." Tumawa ako ng malakas. Natigilan naman silang dalawa saka sinamaan nila ako ng tingin.

Kumunot ang noo ko nang tumayo si hulyo sa inuupuan niya saka tumikhim. Lumapit ito sa akin saka bumulong. "Sige ka, hindi ka namin tutulungan sa proposal mo kay freya mamaya."

"Hindi ka naman mabiro e." Pabalik kong bulong dito na ikinahagikgik niya lang. I rolled my eyes on her.

"What the fvck!" Fudge.

Lahat kami ay napalingon sa anak ko na ngayon ay kunot noong nakatingin sa pad niya. Wala sa sariling napalunok ako.

"Lein, kailan ka pa natutong mag mura?" Sabi ng girlfriend ko na nasa tabi ko na pala

"Ooh... I'm sorry mommy, I heard momma cursed kasi kanina e." Napatingin ako sa mga kaibigan at pinsan ko. Si hulyo at syete ay nakatakip sa bibig nila parang nagpipigil ng tawa. Si kuya kiero naman at mavis ay kagat ang pang-ibabang labi na kulang nalang ay mapunit iyon. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko. Gosh!

Napalunok ako nang masamang bumaling sa akin ng tingin ang girlfriend ko. "Is that true, Juarez?" Paktay, pag surname ko na nga ang lumalabas sa bibig niya ay panigurado akong galit siya sa'kin.

"Y-yeah." Nakakamot sa batok kong sabi. Umirap lang ang girlfriend ko saka lumapit sa anak namin.

She kissed our daughter's forehead. "Baby...masama yun, okay? Wag kang gagaya sa momma mo, hm?" Napairap naman ako duon. Syempre sa akin yan magmamana, anak ko iyan eh.

"Okay po mommy! Actually kaya po magmura si momma dahil kay tita syete at mommy ta." Now, ako na naman ang nagpipigil tawa. Napayuko naman ang pinsan at kaibigan ko. Si kuya kiero at mavis naman ay ganun pa din. Kagat ang kanilang pang ibabang labi.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora