CHAPTER 8

197 4 1
                                    

Art's P.O.V

"Freya...punta tayo sa sementeryo" Basag ko sa katahimikan, nasa office niya ako ngayon na nakaupo habang siya ay nagtitipa sa laptop niya. Tinitigan ko siya ng seryuso para maniwala na naman siya sa kagaguhan ko.

It's been a month, mas lalo kaming napapalapit sa isa't-isa ni freya. Ang bait niya, wala siyang pinipili. Ma estudyante man o kung ano.

Natitiis ko naman ang kasungitan niya kaya minsan tinatanong niya ako kung bakit raw ako nakatagal sa kanya.

Isa lang ang sinagot ko 'Mahilig po kasi ako sa tigre' kaya ayun nakakita na ako ng mga bituin.

"What? Why?" Seryuso niyang tanong. Ako ngayon ay napakagat nalang sa pang ibabang labi para pigilan ang pagtawa dahil mukhang seryuso nga siya.

"Dadalawin lang po natin ang puso kong patay na patay sayo..."Mabuti nalang at irap lang ang ginawa niya kaya napa 'muntik na' nalang ako.

"Ayen ka na nemen sa mge kagaguhan mo, Juarez."Ayan na naman siya sa tagalog accent niya, kahit nahihirapan siya ay ginawa pa talaga niyang mag tagalog.

"Joke lang po, pero kung tutuhanin niyo...isama niyo naman po ako."Ani ko at kumindat pa sa kanya na ikinapula ng magkabilang pisngi niya.

"Get out now, Juarez. May klase ka pa."Sabi pa niya pero hindi talaga nawawala yung pagpula sa buong mukha niya.

Nagmumukha na siyang kamatis ngayun. Ang kyut ni mameh.

"Sige mameh—este miss freya!"Sigaw ko tsaka lumabas ng office niya. Minsan tumatambay talaga ako dito kapag walang pasok. Hindi naman siya nagagalit, ako na'to eh, Juarez na'to.

***

"Yaks, inlove na si bunso."Biro ni ate red. Nandito siya ngayun sa bahay ko dahil na miss niya raw ako.

Na miss ko din itong bruha na'to eh.

"Ate red, may itatanong ako."Seryuso kong sabi sa kanya kaya nag angat ito ng tingin. Nag se-selpon kasi siya habang kausap ako.

"Ano yun, bunso?"

"Normal lang po ba magkagusto sa propesora mo?"Nagkasalubong ang kilay niya pero napalitan iyon ng halakhak.

"Ano ka ba, bunso. Syempre normal lang 'yan kahit pa malayo ang age gap niyo. Ang importante mahal niyo ang isa't-isa."

"Eh pano kung ikaw lang po ang may gusto sa kanya tapos siya wala?"Tanong ko at umupo sa kanyang tabi.

"Hindi ko 'yan masasagot, bunso. Kayo lang dalawa ang makakasagot niyan."Seryuso nitong sabi.

Hindi nalang ako umimik at nilalaro ko nalang ang mga daliri ko.

"Bakit? Wait--don't tell me...inlove ka sa propesora mo bunso?!"Halos pasigaw nitong tanong.

Bumuntong hininga ako."P-parang ganun na nga po, sa kanya ko kasi nakikita yung babaeng naka one night stand  ko."Nahihiya ko pang sabi.

"Naku, bunso. Wag mong idamay yang propesora mo sa kalukuhan mong yan ha, baka nagkamali ka lang."Ani na may paakbay pa sa akin.

"M-may kutob po kasi ako eh, sa tuwing nakakasama ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko katulad sa babaeng naka one night stand ko."This time ay tumingin na ako sa mata ni ate red.

"Kailangan mo munang siguraduhin yan, bunso."Sabi niya tapos tinapik-tapik pa ang balikat ko.

"Oum...okay."

"Art, babalik na ang bunso naming kapatid."Napatigil ako sa pagkain ng magsalita si syete.

At ano? Babalik si xera? Yung babaeng 'yun wala ng ginawa kundi sunod ng sunod sa akin. Sa kanilang magkapatid ay si xera lang ang naiiba, malandi yung babaeng yun, at Isa pa hindi na number ang pangalan niya.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now