CHAPTER 37

140 4 1
                                    

                                 
Ark's P.O.V

Tuliro ako habang nakamasid sa magandang view sa labas ng bahay ko.

Kasama ko ngayon ang babaeng mahal ko, nagbubuklat ito ng libro habang may ngiting nakapaskil sa labi niya.

Sana lang hindi 'yon mawala sa mukha niya sa sasabihin ko.

Habang tumatagal ay mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko. She's so damn pretty, sa ganda niya ay hindi mo mahahalata na nasa 40's na ito.

Napatigil siya sa pagbasa nang may inilahad akong isang kahon sa kanya.

"Ano ito?"Tukoy niya sa box na hawak ko.

"Open it."Ngumiti ako dito.

Kumislap ang mata niya sa nakita. Muli itong nag angat ng tingin sa akin.

"Ito sana yung ibibigay ko sayo nu'ng araw na niyaya kitang mag date, kaso nga lang hindi ka dumating."Nakakamot sa batok kong sabi.

"It's nice."

Tumayo ako at kinuha ang mamahaling necklace na nasa kamay niya. Pumwesto ako sa likod niya at prenteng isinuot 'yon sa kanya.

Naglakad ako papunta sa harap niya. I smiled, bagay na bagay sa kanya.

Umupo ulit ako sa tabi niya at pinagsiklop ang kamay namin.

"You're so gorgeous."-Manghang sabi ko dito.

She smiled.

"Of course."

"I have something to tell you..."Nagkatinginan kaming dalawa ng sabay kaming nagsalita.

We both chuckled.

"You first."I said.

"No, you first."Aniya.

"Sabay nalang tayo..."Sabi ko dito na ikinatango naman niya.

"I cancel nalang natin ang kasal..."Nagkatinginan kami dahil sa sinabi namin.

Parehas kaming may bahid na lungkot sa mukha ng sabihin namin 'yon, kitang-kita ko ang pagpula ng mata niya na mukhang maiiyak na.

I hold her hand tightly, may tumulo nang luha sa mata ko pero pinabayaan ko lang 'yon.

"Let's just become friends, shira."Sabi ko habang mariin na pumikit.

"Y-yeah...mabuti na nga."She say.

"I'm sorry/ i'm sorry."Kahit may luha ay nakuha pa din naming tumawa.

"Look, I loved you vin-vin...hindi lang siguro tayo ang para sa isa't-isa, pero tandaan mo, nandito lang ako palagi, hinding-hindi kita iiwan, bestfriend ko."-Nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap siya.

Rinig ko pa ang mahinang paghikbi niya na ikinakuyom ng kamao ko. Ayaw ko siyang ganito, ayaw kong nasasaktan siya.

Damn.

"I loved you too, jev-jev. H-hindi ko alam na sa likod ng saya at pagmamahalan natin ay may nasasaktan."Humihikbi nitong sabi.

"N-nakita mo din?"Taka kong tanong sa kanya.

"Y-yes, I was surprised that night. Masaya ako noong araw na nag kwe-kwento sa akin si freya tungkol sa taong mahal niya. Masaya ako dahil masaya siya, ngunit nawala ang saya ko noong naghiwalay sila ng taong iyon. Wala akong ka alam-alam na ang anak mo pala ang taong mahal ng anak ko..."-Hinig-pitan ko ang pagyakap sa kanya.

"I was surprised, too."Sabi ko nalang din habang hinaplos-haplos ang buhok niya.

"A-ang mga bata ang nasasaktan...Pag bigyan nalang natin  kung 'yon ang ikakasaya ng mga anak natin. T-they deserve that, tayo nalang ang susuko."Umiiyak nitong sabi.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now