CHAPTER 6

221 5 1
                                    

                                   
Ark P.O.V (Art's Dada)

(FLASHBACK)

"Ark! Bakit wala ka sa mood?"Tanong ni four sa akin. Isa siya sa matalik kong kaibigan pati na rin si lianna at ang kapatid kong si blue.

"Nothing"

"Talaga ba?"Tanong naman ni blue.

"Oum"

"Are you sure, babe?"Lianna asked too.

Tumango-tango ako at lumagok ng wine. Pagkatapos no'n ay umalis na ako.

Pinapunta lang talaga nila ako dito sa bar nila para uminom.

Tinawag pa nila ako pero hindi ko sila nilingon.

Sa paglalakad ko ay may nahagilap akong napaka gandang babae. As in, subrang ganda.

Biglang nag slow-mo ang lahat sa akin at ang tanging nakikita ko ay siya lang.

My heart beat so fast ng nalagpasan niya ako. Amoy na amoy ko ang mabango niyang scents.

gosh, ang ganda.

Luluhuran...

Wala sa sariling napatingin ako sa likod niyang pigura. Ang ganda ng hugis ng kanyang katawan. Pati na rin yung pang upo niyang sarap-ah wala lang to.

"S-such a gorgeous"Bulong ko sa sarili pero huli na ang lahat ng masabi ko ito.

Napahinto siya sa paglalakad at agad na tumingin sa gawi ko. Ako naman ay hiyang-hiya at napakamot nalang sa kilay.

"Miss?"She uttered.

"N-nothing, miss. You can go now."Pagtataboy ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti ng tipid dahilan upang magmukha akong kamatis ngayon.

Gosh, i look so red like tomatoes right now.

Napa-iling nalang ako at nagsimulang mag lakad papunta sa condo ko.

***

"Class dismissed."

Paalam ng professor namin kaya agad akong tumayo sa upuan at inayos ang gamit ko.

Ilinagay ko iyon sa shoulder bag ko. Bago ako umalis ay bumuntong hininga muna ako.

"Hi pres"

"Pogi natin ngayon pres ah"

"Hi, pres ark!"

Bati ng mga ibang estudyanteng nakakasalubong ko. Binigyan ko lang sila ng tango at tipid na ngiti.

Pumunta ako sa loob ng office ko, at humarap sa laptop.

Napatigil ako sa pagtitipa ng laptop ng biglang bumukas ang pinto. Nag angat ako ng tingin dito.

It's lianna.

Pansin ko sa kanya na iba na yung ugali niya. I mean—noon hindi siya masyadong clingy, she's so strict. Pero ngayon ay parang bulateng dikit ng dikit sa akin.

"Hi babe"Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako sa kanya.

"I want kiss"Muli akong nag-angat ng tingin dito.

"Please? Sa cheeks lang, don't worry aalis ako ngayon pag ibigay mo yung kailangan ko."Puot niyang sabi. Bumuntong hininga ako at hinalikan siya sa pisngi.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now