CHAPTER 46

136 5 0
                                    

            
Art's P.O.V

"So, how's life in there, hija?"Biglang tanong ni mommy lianna kaya napatigil ako sa pag kain at nag angat ng tingin.

"Okay lang naman po."Magalang kong sagot na ikinangiti naman niya.

"May girlfriend kana?"Napabaling ang tingin ko kay davis nang magsalita ito.

Umiling ako at yumuko ulit."I don't have."Sabi ko pa at nagpatuloy sa pag kain.

Rinig ko pa ang pag singhap ni mommy lianna, ava at davis sa inamin ko. Totoo naman, ah. Wala akong naging girlfriend dahil akala ko may naghihintay sa akin dito pero akala ko lang pala dahil may boyfriend na siya, tsk.

Masakit oo, pero kasalanan ko din naman, eh. Sinunod ko lang naman ang gusto ni mommy na mag stay muna ako sa France ng dalawang taon.

"Bakit wala? Pitong taon—"

"Davis."Si dada. Ay oo, nakalimutan ko inaanak pala ni dada si davis.

"Ang hina naman po kasi ng anak niyo, eh."Lihim akong napangiwi sa sinabi nito. Kung alam niya lang na si freya ang ex girlfriend na ikwenekwento ko sa kanya noon, buang siya.

"Oo nga, hija. Bakit wala?"Si mommy lianna naman.

Napayuko naman si mommy at dada. Alam nila ngayon na nasasaktan ako. Pinaasa lang nila ako, hindi man lang nila sinabi na may nag mamay-ari na pala kay freya.

Pinagmukha lang nila akong tanga. Like wtf? Anak nila ako kaya may karapatan akong malaman sa anong alam nila lalo na't  konektado sa buhay ko.

Hindi man lang nila iniisip na sa puntong iyon ay masasaktan ako. At ang mas worst pa don ay hindi rin nila sinabi na anak ko si lein.

Mula sa pagkatingin ko sa pagkain ay nag angat ako ng tingin. Dahan-dahan kong inilapag ang ginamit kong utensils at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I can't answer po tita."Magalang kong sabi. Tumayo ako at nakapamulsang naglakad, huminto muna ako at lumingon ulit sa gawi ni mom at dada na ngayon ay nakatingin din pala sa akin."We'll talk after this."Malamig kong sabi saka tuluyan nang naglakad papunta sa swimming pool.

Rinig ko pa ang pagtawag ni mommy at dada pero hindi ko sila nilingon. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Alam kong may dahilan sila kung bakit hindi nila sinabi sa'kin pero parehas lang naman, eh. Masasaktan pa din ako.

Nakayuko ako habang nasa tubig ng pool ang mga paa ko. Kanina ko pa gustong umiyak pero pinipigilan ko, baka kasi makita pa ako ng kung sino at iisiping nabababaliw na ako.

-

"K-kumuha ka pa."Medyo garalgal na ang boses ko. Napayuko naman ang katulong ni dada at umiling.

"Hey! Are you deaf?!"Napa atras ang maid ni dada sa pag sigaw ko.

"S-sabi po ni ma'am, na last na po raw 'yon dahil nakaka—"

"What the fvck?!"Mura ko dito.

"M-ma'am."

Wala sa sariling napasabunot ako sa buhok ko at padabog na umupo ulit sa kama. Ano na naman to? Bakit lagi nalang akong nasasaktan?

Rinig ko ang pagbukas ng pinto sinyales na may pumasok sa loob ngunit hindi na ako nag-abalang mag angat pa ng tingin dito.

"A-anak, I'm sorry—"

"Sorry?! Sa tingin niyo okay na sa'kin kapag humingi kayo ng sorry?!"Bulyaw ko kay dada. Nasa gilid lang niya si mommy na ngayon ay umiiyak na.

"P-please anak, wag—"

"Bakit? Bakit niyo to ginagawa sa'kin? Bakit niyo'ko hinahayaang masaktan? Sa tingin niyo ba madali lang sakin to? Bakit niyo'ko hinayaang magdusa sa sakit?! Putang ina naman, eh!"Mura ko pa at itinapon sa ere ang mga bote ng alak na ininom ko kanina.

"A-anak..."

"A-ang sama-sama niyo! Pinaniwala niyo'ko na may mauuwian pa akong tao dito, pero wala! Wala dahil may iba ng nagmamay-ari sa kanya! Ang sakit, ang sakit kung alam niyo lang."Napaluhod nalang ako habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"Ni hindi niyo nga sinabi na anak ko si lein."Napaawang naman ang labi nila sa sinabi ko ngunit walang salitang lumabas duon.

Pagak akong tumawa."So, totoo nga?"Tumawa pa ako na para bang nababaliw."Bakit? Bakit hindi niyo sinabi sa'kin? May karapatan akong malaman 'yon dahil sarili ko 'yong anak. Kung nuon ko lang nalaman at kung sinabi niyo sakin edi sana magkasama na kami ngayon. Sana hindi pa dumating ang lalakeng 'yon sa buhay ng taong mahal ko, s-sana a-ako parin ang taong nasa puso niya ngayon, sana nasa t-tabi ko na ngayon ang mag ina ko."Lumandas ulit ang mga luha ko ng sabihin ang mga katagang iyon.

"A-alam niyo naman na mahal ko si ava. M-mahal na mahal, kahit pa kapalit ang buhay ko sa buhay niya ay gagawin ko. Ganun ko siya ka mahal dada, mommy."

Kahit nahihirapan ay nagawa ko pa ding naglakad at umalis sa lugar na 'yon. Ang sakit-sakit na kasi, eh. Lalo na't umiiyak na si dada at mommy.

Naiintindihan ko naman sila at alam ko naman ang dahilan kung bakit nila 'yon ginawa dahil sa putanginang caylev na 'yon.

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong ilabas ang mga sakit na nararamdaman ko. Ganito talaga ako pag lasing kahit ano nalang ang lumabalas sa bibig ko pag kinabukasan naman ay magsisi lang ako.

——

Freya's P.O.V

NAKAYAKAP sa sariling naglalakad habang nilalanghap ang simoy ng hangin dito sa gilid ng dagat. Ilang araw na din simula nong gabing makita ko si Zi.

Nasa beach ako na pag mamay-ari mommy ngayon. Ako lang mag-isa dito dahil ayaw kong may kasamang ibang tao.

Ewan ko ba sa nararamdaman kong to. Alam kong mahal ko pa siya. Mahal na mahal pero bakit? Bakit ngayon lang siya umuwi? Bakit ngayon na may taong nag mamay-ari na sa akin?

Anong ginagawa niya sa pitong taon na 'yon? At seriously? For seven years wala siyang taong minahal? Tch, she's joking.

Hindi man lang niya inalam na anak niya si arthiel. Gusto kong sabihin pero hindi ko kaya. Natatakot ako, natatakot ako na baka...baka hindi niya matanggap 'yong bata.

Gusto kong malaman niya na hindi ko sinasabi.

I didn't realize that the tears I had been holding back from falling had already flowed. I closed my eyes and took a deep breath to calm myself down.

"Ava."

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now