CHAPTER 36

144 4 1
                                    

                   
Art's P.O.V

"Here."Nag angat ako ng tingin kay hulyo ng magsalita ito.

Nasa cafeteria kami ngayon, hindi sana ako pupunta dito at gusto kong manatili lang sa secret room ko pero pinilit ako ng mga ugok kong kaibigan.

"Ano to?"Masungit kong sabi sa kanya.

Napakagat naman ng labi si syete at otso habang nakatingin kay hulyo.

"Invitation ng kasal ng dada mo."Dahil sa narinig ko ay inilapag ko iyon sa mesa at uminom nalang ng kape.

"Hindi ka pupunta?"Tanong pa ni syete."Sayang naman, andami kayang pupunta, halos lahat nga ng mga estudyante dito ay binigyan ng dada mo ng invitation card."Ibinaba ko ang kape saka mataman siyang tinignan.

"Pupunta ka ba talaga, babe? Baka masaktan ka lang don."Si otso naman.

"I-i don't know."Yumuko ako.

Hulyo tapped my shoulder.

"Hindi ka naman siguro pipilitin ni tita dada, bunso."Aniya na ikinatango ko.

Pero pa'no?

"Si freya pa rin ba talaga?"Tanong nito na ikinatingin ko sa kanya.

"Y-yes..."I softly said.

"S-si freya oh."Duro nito sa kabilang table pero hindi na ako nag-abalang mag angat pa ng tingin doon.

Alam kong kasama na naman niya si mokong, tangina lang.

Nanatili akong nakasandal sa balikat ni ate hulyo habang nilalaro ang mga daliri ko.

Iniisip kong pupunta ba talaga ako?

Hindi ko kaya, eh.

Siguro magbabakasyon nalang muna ako sa Switzerland ng mga araw na 'yon? Idadahilan ko lang na may aasikasuhin ako.

Good idea, pero alam kong malulungkot si dada kapag wala ako sa kasal niya.

tch.

Nakarinig ako ng singhap ng mga tao habang nakatingin sa bandang gilid namin kaya napatingin ako doon.

At ganun nalang ang pagkuyom ng kamao ko habang nakatingin kay ava at mokong na naghahalikan.

Tangina, ah. Dito pa talaga sa maraming tao?

Ramdam kong nakatingin si hulyo, seven at eight sa akin. Naramdaman ko pa na pinisil ni eight ang kamay ko.

Bumuntong hininga ako at binaling ang tingin sa kape ko.

Kinuha ko 'yon at ininom, ito lang siguro ang nagpapakalma sa akin.

Napatigil ako sa pag-inom nang mag ring ang cellphone ko.

And it's mommy.

{"Hello mommy?"}

["Go home, I need to talk to you."] Sabi nito sa kabilang linya

{"Okay..."} Sagot ko saka ibinulsa ang selphone ko.

"I need to go."

"Saan?"

"To the moon, mag c-cr."Pambabara ko dito na ikinasimangot naman ni syete. Tumawa pa ng malakas si otso as in malakas, at subrang lakas kaya napapikit nalang ako.

"Kidding, pina-uwi ako ni mommy."Sabi ko nalang, tumayo ako at isinukbit ang strap ng shoulder bag ko.

"Take care."Tumango ako, isa-isa naman nila akong hinalikan at ganun din sila.

"Baby!"Napalingon ako sa may-ari ng boses na 'yon si xera pala.

"Hi."Napakamot ako sa batok.

"I miss you."Aniya sabay halik sa gilid ng labi ko na ikinasinghap naman ng mga estudyante.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now