CHAPTER 4

230 8 1
                                    

                               
Art's P.O.V

Pagdating ko sa bahay ay pumasok na ako sa loob, May kalakihan din kasi itong bahay ni mommy katulad din kay dada.

"Apo, maiiwan ko muna kayo at nang mag-usap kayo ng mga magulang mo."Si papa lo at si mama la ang unang bumungad sa akin. "... pakinggan mo muna ang dada mo, hija. Pumasok kana sa loob, dito lang kami sa labas."Tumango ako at isa-isa ko silang hinalikan sa magkabilang pisngi.

Dito sila nakatira kaya kung makapagtayo na ako ng sariling bahay ay wala akong proproblemahin dahil may kasama naman si mommy.

Hindi rin naman kami madalas magkikita ni mommy dahil work lang lagi ang inaatupag niya.

Nang makarating ako sa may sala ay duon ko nakita si dada na nakayuko.

"What did you do to her?" Malamig ngunit may halong inis na pagkasabinko. Kaagad itong nag-angat ng tingin. Naawa ako sa kanya, pero mas naaawa ako kay mom, ginawa ni mom ang lahat para mahalin siya ni dada, pero ang gaga binalewala niya.

"I-i'm so sorry, anak."

Parang tumaas ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi ba siya napapagod kakasabi niyan?

Hindi ko ito pinansin at nagtungo sa malaking kwarto nila ni mommy.

Bumungad sa akin ang nagkalat na bote at ang mga basong nagkalat pati na rin ang mga bedsheets.

"A-anak! I-iniwan na tayo ng d-dada mo."Umiiyak na sabi ni mommy kaya kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap.

"Shh, mom. I'm here."Pag-aalalo ko sa kanya.

"A-anak, iniwan na t-tayo ng dada mo. H-hindi na niya tayo m-mahal."Hagulgul nito.

Kumawala siya mula sa pagyakap sa akin at kinuha ang wine. Iinonim niya sana ito ng bigla ko itong kinuha at itinapon sa ere.

"Mom, please!"

"A-ako ang nasasaktan sa mga pinag-gagawa niyo! Mas ako yung nasasaktan! Alam niyo ba yon?" Naiiyak kong sabi ngunit pinigilan ko ito. Sa totoo lang, walabg luhang gustong kumawala sa mata ko.

"C-come here."Ani ni mommy kaya kaagad akong lumapit sa kanya.

"I'm sorry, anak. M-masakit kasing tanggapin na ang mahal mo ay may mahal ng iba at yun ay yung kaibigan ko pa."She said.

Yes, magkaibigan si mom at ang first love ni dada. Kaya nasasaktan din ako sa iisiping nasasaktan si mommy.

"J-just sleep mom."Sabi ko.

Tumango naman ito at tumalikod sa akin ng higa. Nag-itaas baba ang bilat nito senyales na umiiyak siya.

Fuck!

Lumabas ako sa kwarto ni mom at nakita ko si dada na nandoon parin. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya saka napakuyom ng kamay.

"Ano bang kinain mo bakit nakipag divorce ka?" Tanong ko sa kanya. Katulad ko ay napatayo din ito. May luhang nagbabadya sa makinis nitong mukha.

"H-hindi ko magawang mahalin ang mommy mo, anak. I tried, pero hindi talaga. Wala sa kanya yung gusto kong maramdaman na naramdaman ko noon sa tita mo. Mahal ko ang mommy mo pero hanggang doon nalang yun..." Huminga siya ng malalim. "...i already saw her. N-nakita ko siya kahapon lang. Nagkabatian kami, anak. Kaya siya umalis noon dahil may sakit siya at ang dahilan kung bakit siya umalis ay natatakot ang tita mong mahawa ako sa sakit niya kaya doon siya nagpagaling...and then bumalik siya na may anak. Namatay ang asawa niya nung nabuntis siya, Anak. Sana maintindihan mo ako. At sana mapatawad mo ako." Yumuko siya sa huli niyang pahayag at seryuso siya nong sinabi niya ang mga katagang iyon.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now