CHAPTER 3

258 9 1
                                    

                                                                                 
Art's P.O.V

Nang ako sa loob ng opisina ni Miss Lewis ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan nito bago lumapit sa kanya.

"SAAN ko po ito ilalagay, miss lewis?"I asked.

"Here."Turo niya sa desk niya kaya agad kong nilagay doon. Nilibot ko ang paningin sa loob ng office niya. Subrang linis at ganda.

"Uhm... Mauuna na po ako, miss."Tumango lang ito tsaka nagpatuloy sa pagtitipa ng laptop niya.

Wow, andami niyang laptop tangina nangangamoy mayaman.

Hindi ito sumagot kaya may naisip akong katarantaduhan.

"Thank you."

Iyon nalang ang nasabi ko bago lumabas sa office niya. Narinig ko pa yung pag 'tsk' niya bago ako makalabas.

Tangina, di man lang marunong mag thank you. Pasalamat siya maganda siya kung hindi—pasalamat pa din siya.

Hys kainis!

"Oh? Anyari sa mukha mo?"Tanong sa akin ni syete ng makarating ako sa cafeteria.

"Wala"

"Hmm... halatang wala nga."Sinamaan ko ito ng tingin.

"Naka order na ako, hintayin mo na lang si hulyo siya yung pina order ko."Kahit kailan ang tamad ng hulyo na yun, kailangan pang kami ang mag utos sa kanya ni syete para sumunod siya.

Natatakot kasi siya eh.

Sa aming limang magkakaibigan ay ako ang bunso. Pero parang ako yung panganay sa kanila. Mga isip mga bata kasi.

"Don't worry. Sinalihan ko na din ng coffee."Dagdag niya pa kaya agad akong napangiti..

Adik kaya ako sa kape.

Napalinga-linga ako hanggang sa nagtama ang mata namin ng malamig kong propesora ngunit inirapan lang niya ako.

Problema nun?

Nasa gilid ng table namin sila, tangina hindi ako makapgpukos. Ang ganda kasi eh.

"Babe!"Napabaling ang tingin ko sa babaeng ang lakas ng boses.

Nang makalapit ito ay hinalikan nito ang pisngi ko. Dumukwang ito senyas upang ako na naman ang humalik sa pisngi niya kaya hinalikan ko nalang iyon kaya napangiti ito.

"Ang ingay mo otso."Suway ni syete sa kapatid niya. Yes, magkapatid sila. Malalaman niyo sa pangalan nila kasi puros number.

Umirap lang si otso sa ate niya, hindi talaga sila magkasundo.

Lumapit sa akin si otso at yumakap sa braso ko. Kaya pinabayaan ko na lang, sanay na ako sa isang 'to. Daig pa naming mag dyowa dahil sa akto namin.

Hanggang sa nakarating na si hulyo na may bitbit na malaking tray. Mukhang nahirapan siya kaya kaagad ko itong tinulungan.

Nang matapos ay agad kong nilagok ang kape ko. Ayaw kong kumain kape lang muna ngayon, busog pa kasi ako.

Tangina kanina pa si miss nakatingin sa akin. Parang may gustong sabihin.

"Babe, subuan mo'ko"Turo nito sa pagkain niya. Kaya wala akong magawa kundi subuan siya, siya tong umaaktong na mas bata sa akin kahit ako naman talaga.

"Lupit mo, otso. May kamay ka naman di ba? Ano bang gamit mo diyan?"Tanong ni syete sa kapatid niya.

"Nag fi-fingger."Nasamid ako sa iniinom kong kape kaya dali-daling tumayo si hulyo para punasan ang jacket ko.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now