CHAPTER 21

165 4 1
                                    

                                   
Art's P.O.V

"Sana ol."Naka cross arms na sabi ni syete habang nakatingin sa mga bitbit kong flowers, chocolates, at pagkain namin mamaya ni freya sa lunch. Kararating ko lang kasi sa school kaya sinalubong nila akong tatlo sa gate.

Si hulyo naman ay hindi nag abalang tumingin sa akin kaya nagkibit balikat nalang ako.

Hindi niya pwedeng makuha si freya sa akin, never.

"Huy, hulyo! Nandito na si, babe."Sabi ni otso kaya bago pa makapagsalita si hulyo ay umalis na ako na hindi nagpapaalam.

bahala sila.

Pasuray-suray akong naglalakad papunta sa office ni freya hanggang sa makarating ako. Linibot ko pa ang tingin kung may tao wala naman kaya kumatok na ako.

"Come in."

Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa akin ang napakaganda nitong awra.

Holly molly—wala talagang kupas ang ganda niya.

Katulad ng nagbabasa ngayon hihi.

Nag angat ito ng tingin pababa hanggang sa mga bitbit ko."Are you just gonna stare at me until morning?"Maldita nitong tanong kaya inirapan ko ito.

Inilapag ko sa mesa niya ang mga bitbit ko.

"Dito ako mag lu-lunch."Sabi ko tsaka umupo sa swivel chair na nasa harap niya lang.

"Okay."Tanging sambit nito habang sa selphone pa din nakatuon ang atensyon.

Ay aba, aba. May pangiti-ngiti pa siyang nalalaman, ah.

Tumayo ako sa pag-kaupo at nakapamulsang naglakad palapit sa gawi niya.

Kinuha ko kaagad ang phone niya dahilan upang masapak niya ako sa tagiliran na ikinangiwi ko.

hala gago.

"G-give me that!"Sigaw nito at pilit na inaabot ang selphone niyang hawak ko.

Itinaas ko ang phone niya at umatras. I smiled of her reaction.

"No, no. Sino ba itong ka chat mo? May pa ngiti-ngiti ka pa kasing nalalaman, habang maaga pa sasabihin ko sayo na selosa akong tao."Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

Tinignan ko ang phone niya at ganun nalang ang paglaki ng mata ko sa nakita—gosh she's stalking me at my Instagram!

Ay, nawala na pala ang selos ko.

"Ang hot ko dito no?"Tukoy ko sa pic kong naka long sleeve habang nakatingin sa ere. Kumunot naman ang noo niya kaya natawa ako dahil hindi pa siya sumusuko maabot lang ang selpon niya.

"Ibibigay mo 'yan o susuntukin kita?"Tumawa ako.

"Do it."Sabi ko pa, sinamaan naman ako nito ng tingin.

Yumuko ako dahilan upang pumantay ang mukha naming dalawa.

Nakita ko naman itong napalunok, I chuckled. At ayun nga nga, hindi na ako nakapagpigil pa at hinalikan ko ang lips—peck lang yun, ha. Kayo naman.

Tsaka ako bumalik sa upuan at naiwan naman siyang tulala duon kaya I secretly chuckled.

Inilapag ko ang phone sa table niya.
Ini-stalk pala niya ako ha?

Mas dadamihan ko pa yung pic, doon HAHAHA.

"Argh! How dare you to do that!"Inis nitong sabi habang hawak ang test paper, naku tayu dyan, tumayo ako baka masampal ako non gamit ang test paper, mahirap na baka pumangit ako tsaka naghanap siya ng iba.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now