CHAPTER 15

186 3 0
                                    

                   
Art's P.O.V

"Hmm... Ang sarap ng hangin dito."Sabi ni hulyo habang nakapikit na nilalanghap ang hangin.

Kakarating lang kase namin sa beach ni Miss Mcdonni. At masaya ako na makakasama ko na si Miss Ma'am, a.k.a nililigawan ko hehe.

Teka—masarap ang hangin?

gago ba'to?

"Bakit? Natikman mo ba?."Pilosopo kong sabi dito. Nakita ko ang bahagyang pag-isip niya tsaka yumuko.

"I-i mean—masarap ang simoy ng hangin."Nakakamot sa ulong sambit nito.

I chuckled.

"Nakita mo ba si Miss Ma'am? Hindi pa ba siya nakarating?"I asked.

"Sino? Si Miss Lewis ba?"

"Oo, nasaan siya? Hindi ko pa kase siya nakikita."Ani ko habang sa dagat nakatuon ang aking atensyon.

Nakakarelax.

"Mamaya pa raw darating 'yun, kasama si cayleb."Agad naman na nabaling ko ang tingin sa kanya ng marinig ko ang pangalan ng mokong na 'yun.

"Bakit?"

"Bakit ikaw lang pwede pumunta dito?"Sagot naman niya na ikinairap ko.

"Wait, don't tell me? Nagse—"

"Oh, nandito na pala kayo."Masayang bati sa amin ni Miss Mcdonni kaya nginitian namin siya.

"Ah opo."Sagot ko naman.

"Come, follow me."

Naglakad naman kami papasok sa restroom na ibinigay niya. Mabuti at same room kami ni hulyo. At sa sofa ko siya papatulugin bahala siya.

"So dito ang room niyo, bakit hindi pa nakarating ang kambal?"Tanong niya, nagkatinginan naman kami ni hulyo.

Kambal?

Ininvite din ba ni Miss Mcdonni si eight at seven?

"Si eight at seven ba, Jane?"Wow first name basis ah, parang hindi niya lang guro.

sanaol, may freya naman ako hihi.

"Yes."Nakangiting sagot ni Miss Mcdonni na ikinapula ng magkabilang pisngi ni hulyo.

Sus.

Hindi bagay sa kanya.

Che!

"So tara na sa baba, baka nandun na si freya at caylev."Aniya saka muli ng lumabas, sumunod naman kami ni hulyo dito.

Habang naglalakad kami ay ito naman si hulyo ay panay usap sa akin.

"Di ka ba napapagod kaka suot ng hoodie?"She asked.

Buang to.

"Eh bakit ba?"Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Bakit hindi ka nalang mag t-shirt?"

"Hindi ako sanay, malamig."Sagot ko naman at nagpatuloy sa paglakad.

Inang'to, Tanong ng Tanong.

"Tch."

"Babe/bunso!"

Sabay sigaw ni otso at syete sa akin ng makarating sila sa gawi namin. Ke't kelan talaga ang iisip bata.

"Ako ba hindi niyo babatiin?"Naka puot na sabi ni hulyo.

"Hindi."Sabay sagot ng dalawa na ikinatawa ko.

"Hi freya and caylev "Napahinto ako sa pagtawa ng magsalita si Miss Mcdonni.

Tumingin ako sa gawi ni freya at kumunot ang noo ko ng nakapulupot ang kamay niya sa braso ni mokong.

DEEPLY INLOVE WITH YOU ✓Where stories live. Discover now