02: So What If They're Cousins?

266 34 1
                                    

VCS HOLDINGS

"Magandang umaga po, Ms. Caruso." bati sa kaniya ng isa sa mga security guard sa kumpanya, Amias.




Tinanggal ni Valeria ang suot na square framed sunglasses at ngumiti. "Magandang umaga rin. How's Mrs. Salazar? Is she doing well now?"




The woman Mrs. Salazar mentioned was Noreen Salazar, who happens to be Amias's spouse. His wife, diagnosed with stage four breast cancer, fought for over two years and continued her journey towards recovery. Matagal nang sinusuportahan ni Valeria ang lahat ng bills ng asawa ni Amias sa hospital, ang surgery nito at maging ang therapy. May tatlong anak ang mag-asawa at ang dalawa ay nasa high school, at ang panganay ay college student, si Valeria ang tumulong sa mga anak ni Amias noong mga panahong walang-wala ang mag-asawa dahil sa biglang pagkakasakit ni Noreen.




Amias smiled at her genuinely. "Opo, Ms. Caruso. Masiglang-masigla na po. Handa na nga 'raw po siyang makalabas sa hospital para magpasalamat sa inyo ng sobra-sobra, sa lahat ng mga tulong na binigay niyo po sa aming pamilya."




"Sure, sabihin mo na excited na rin ako na makita siyang mabuti at masaya. Sabihan mo lang ako anytime, mag-s-set ako ng schedule."




The smile never left his face, and it even reached his ears. "Lubos-lubos po talaga akong nagpapasalamat sa inyo, Ms. Caruso." Amias said, almost on the verge of tears. "Hinding-hindi po ako mananawa at titigil na magpasalamat sa inyo dahil napaka-buti niyo po na tao... isa ka po sa mga tao na hindi po namin hiniling ngunit binigay sa amin para tulungan kami nang kusa. Maswerte po kami na nakilala namin kayo, at sigurado po na walang tao na hindi kayo magugustuhan dahil sa kabaitan ninyo..." mahabang litanya nito.




Kung may kakayahan si Valeria na gawin ang mga bagay na hindi kayang magawa ng iba, hindi niya ipagdadamot na ipamahagi iyon sa mga taong deserving. Bago siya nakarating sa pinaka-tuktok, naranasan niya rin ang nararanasan ngayon ng pamilyang Salazar. Yes, it was hard- at first. But as all successful people say, you can make the impossible possible if you're determined and have diligence and patience in every passing day of your life.




"Palagi po kayong kasama sa dasal namin, Ms. Caruso. Dinadasal po namin na sana ay bigyan ka Niya ng mas mahaba na buhay upang mas marami ka pang matulungan at mapasaya. Hinihiling po namin na sana ay palagi kayong masaya at mas lapitan ng mga taong magmamahal ng tunay at hindi kayo lolokohin kailanman Ms. Caruso."




"That's enough for me. Salamat, Mr. Salazar."




Valeria left and walked away. Nang magsimula nang maglakad si Valeria sa gitna ng daan, awtomatikong tumabi ang lahat ng mga workers doon upang bigyan siya ng daan. As she strolled, she was greeted by many, and she reciprocated with a modest smile in response to all.




"Good morning Ms. Caruso!" Suzzy, her executive assistant, said. Valeria greeted her back as they both entered the elevator and pressed the 12th floor button.




"It's good to see you've come back." saad ni Valeria kay Suzzy.




"Masaya rin po ako na nakabalik ulit. Nakaka-miss rin po palang mag-trabaho, na-miss ko 'yung pagiging busy, hahaha." Jokingly, she laughed afterward.




Valeria found herself laughing as well.




Dalawang linggo kasi itong nag-leave dahil sa pagkakasakit ng ina. Valeria considered the possibility that her mother's condition had improved now that she's back.




SIN: Valeria CarusoWhere stories live. Discover now