09: Live, Laugh, Love, Italian Girls

123 18 1
                                    

"Are you cooking?" hindi makapaniwalang tanong ni Valeria kay Livia pagkatapos niyang lumabas mula sa banyo, kakatapos niya lamang maligo at natuyo niya na ang buhok gamit ang blower.







It wasn't surprising for Valeria that Liv was cooking. Ilang beses na nga siya nitong nilutuan at hindi niya nakakaya ang mga lasa nu'n. But now? Ngayon niya pa talaga naisipang magluto kung kailan narito ang mapapangasawa niya? Ano na lang ang sasabihin ni Zevran kapag nalasahan nito ang mga putaheng ihahanda niya? God, bless him.







"Si, ate." Liv replied enthusiastically while mixing the carbonara. Yeah, maganda sa mata tignan ang view ng pasta, dahil hindi ito tinipid sa ingredients, pero... ang lasa kaya? "Actually, hindi naman na ito ang first time na ipinagluto ko siya, ate. Alam mo ba 'yung kauna-unahang pagkain na iniluto ko for him?" tumingin ito sa kaniya. "Kare-kare."







Valeria bit her lower lip to stifle a laugh. Totoo ba ang lahat ng mga naririnig niya? If Liv really did cook for him, then that means...







"What did he say then?" Valeria cleared her throat. "A-Ano 'raw lasa?"







"Sabi niya...." nagsimula na itong maglagay ng carbonara pasta sa plato. "...masarap."







Zevran Caduceus Morgan, you're quite a good liar huh. Tinutop na lang ni Valeria ang bibig kapagkuwan ay kumuha ng spoon para tikman ang pasta na niluto ni Livia. Nakatingin sa kaniya ang kapatid niya kaya kailangan niyang i-on-mode ang pagpapanggap niya.







When she tasted the carbonara, she felt like spitting it out suddenly. Gusto niyang pumunta sa washroom, ngayon na! Huhuhu, what the hell.... what did she put in here? Valeria just forced herself to swallow the macaroni and smiled at Liv. Oh mio dio, this is punishment! "Sarap..."







Ngumiti ito ng abot tainga. "Thank you ate!"







Valeria nodded and wiped her lips using her index finger. Damn, I need to start teaching her how to cook delicious food. "Do you need some help? May lulutuin ka pa ba?" Valeria insists.







Umiling lang ang kapatid niya, busy-busyhan ito sa paglalagay ng garnish. "Yah! But no need na ate. I can handle this very well," confident nitong sagot.







Valeria nodded. "Yeah... I can clearly see that," she said, crossing her arms. "It's written all over your face, your excitement. Hindi ganyan ang reaction mo sa tuwing normal ka na nagluluto, ibang-iba ka ngayon na nandito ang fiancé mo."







Humalakhak ito kapagkuwan ay tumigil rin. "Of course naman!" Livia tucked a few strands of hair behind her ear. "Si Zevran..." binitin nito ang mga salita at sandaling tumingin sa direksyon ng fiancé. "Alam mo, siya 'yung tipo ng lalaki na kinakailangan na pagsilbihan, alagaan, at... talagang dapat na minamahal." Valeria perceived the shimmer in her eyes as she observed her. Her entire face displayed a combination of delight, genuineness, and a one-of-a-kind love. Naalala niyang ganiyan rin siya noon. Ang pakiramdam na nararamdaman ngayon ni Livia ay mas triple pa sa nararamdaman niya dati para kay Johann. She's so in love that she's like... crazy. Binuhos niya ang lahat-lahat sa relasyon nila ni Johann, kahit aaminin niya na workaholic siya noon (magpahanggang ngayon), alam niyang hindi siya nagkulang sa pagmamahal. Dahil pinupunan niya ang mga oras na nawawalan na siya ng time kay Johann. Binabawi niya iyon dahil alam niyang iyon ang dapat, dahil deserve ni Johann ang paglaanan ng oras.







SIN: Valeria CarusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon